Kaisa Ka

Directions

Kaisa Ka KAISA

Nakiisa tayo sa  Valenzuela Brave Warrior Isang simpleng snack pack mula sa KAISA KA, na may kasamang pagmamahal. 💜Para ...
25/10/2026

Nakiisa tayo sa Valenzuela Brave Warrior
Isang simpleng snack pack mula sa KAISA KA, na may kasamang pagmamahal. 💜
Para sa mga batang VALENZUELANO BRAVE WARRIORS!

Taos-pusong pasasalamat kay Mommy Mary Ann Ningal sa pag-imbita at pagtitiwala sa Kaisa Ka na makiisa sa adhikaing ito.

Lalong tumatak sa amin ang mga sulat-kamay na mensahe ng mga bata — simple man sa tingin, pero bawat salita ay puno ng pag-asa, tapang at pagmamahal. Sila ang tunay na dahilan kung bakit patuloy kaming maglilingkod. ❤️

Maraming salamat, Valenzuelano Brave Warriors!

Thank you din po SPTA Donna Gonzales Azores...Naway magamit iyan ng anak mo..
15/06/2026

Thank you din po SPTA Donna Gonzales Azores...
Naway magamit iyan ng anak mo..

Permission to post mommy Cielo Beloy isa sa nakakuha sa ating munting pa school supplies para sa anak ng ating ka member...
14/06/2026

Permission to post mommy Cielo Beloy isa sa nakakuha sa ating munting pa school supplies para sa anak ng ating ka member ng Kaisa Ka..

12/06/2026

Yung member lang po ng Kaisa Ka ang mga nabunot sa raffle 20 lang Kasi limited lang.. Kaya suwerte yung Active dito sila lang ang makakarelate...

Handog ng ating mga butihing Sponsor at ng KAISA Committee ang munting pamimigay ng school supplies para sa mga anak ng ...
11/06/2026

Handog ng ating mga butihing Sponsor at ng KAISA Committee ang munting pamimigay ng school supplies para sa mga anak ng ating mga minamahal na miyembro ng KAISA.

Alam namin kung gaano kabigat ang gastusin pagpasok ng pasukan. Kaya ang munting tulong na ito ay aming paraan para gumaan kahit papaano ang pasanin ng bawat pamilya. Dahil naniniwala kami: ang edukasyon ng isang bata ay puhunan ng buong komunidad.

Mula sa KAISA Committee, taos-puso kaming nagpapasalamat sa ating mga sponsor na walang sawang tumutugon at sumusuporta. Kayo po ang tunay na katuwang namin sa pag-aangat ng buhay ng bawat miyembro.

Salamat po sa tiwala, sa pagmamahal, at sa patuloy na pag-sponsor sa KAISA. Sama-sama tayo sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan! 💛✏️

Again salamat po sponsor..
1. Former Kon Josie Jacinto
2. Jasmine Diaz Jacinto
3. Lance Soriano
4. Ser Jun
5. Maricel Luna

Maraming maraming salamat po sa aming mga sponsors and KAISA KA committee...🙏  Dahil sa inyong kabutihan, makakarating a...
08/06/2026

Maraming maraming salamat po sa aming mga sponsors and KAISA KA committee...🙏

Dahil sa inyong kabutihan, makakarating ang school supplies sa mga anak ng KAISA KA. Ang inyong tulong ay hindi lang gamit pang-eskwela, kundi pag-asa at inspirasyon para sa kanilang pag-aaral.

Salamat po sa tiwala at walang sawang suporta. Kayo po ang tunay na kaagapay ng KAISA KA! 💛

Again thank you so much from the bottom of our hearts..

27/05/2026

Member ka ng KAISA-KA...
At meron anak na pinag aaral Elementary or HighSchool... Comment ka lang dito at mamimili kami (by RAFFLE) ng mabibigyan ng ating munting Donasyon na SCHOOL SUPPLY...
Sundan laman ang format na ganito:

Name ng Member ng KAISA KA:( Name ng MEMBER NG KAISA)
Grade ng Anak:
Gender ng Anak:

Dahil hindi naman ganun kalakihan ang ating budget, nakalimit lamang po tayo sa bilang ng mga estudyanteng mabibigyan ng school supplies ngayon.

Alam ko po na marami pa sana ang nangangailangan, at masaya rin sana kami kung lahat ay mabigyan. Pero sa kasalukuyan, ito lang po muna ang aming makakaya. Kahit maliit, sana ay makatulong ito sa kanilang pag-aaral at makapagbigay ngiti kahit pansamantala.

Hindi po ito tungkol sa dami, kundi sa puso na nagbigay at sa pasasalamat ng mga batang makakatanggap nito. At sa mga hindi pa po nabigyan ngayon, huwag po kayong mag-alala. Gagawan po namin ng paraan na makarating din sa inyo ang tulong sa susunod.

Maraming salamat po sa pag-unawa at suporta. Sama-sama po tayo sa simpleng paraan ng pagtulong. 🙏📚❤️

Note: 1MEMBER 1 ENTRY only para mabigyan din natin ang IBA...

Magandang araw po!Kami po ang KAISA-KA ay taos-pusong kumakatok sa inyong mabubuting puso para sa aming programang *"Isa...
17/05/2026

Magandang araw po!

Kami po ang KAISA-KA ay taos-pusong kumakatok sa inyong mabubuting puso para sa aming programang *"Isang Lapis, Isang Papel Program 2026: Handog para sa Mag-aaral"*.

Layunin naming magbigay ng libreng school supplies sa mga batang kapos-palad na anak ng miyembro ng KAISA-KA... Upang mabawasan ang kanilang gastusin ngayon pasukan..

Naniniwala kami na ang edukasyon ay karapatan ng bawat bata, at hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Ang inyong simpleng donasyon ay magsisilbing tinta sa kanilang mga panulat at kulay sa kanilang kinabukasan. Isang lapis, isang papel, isang notebook — malaking bagay na para sa isang batang sabik matuto.

Huwag nating hayaang mapurol ang kanilang mga pangarap dahil lang sa kawalan ng kagamitan.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin po kaming nangungulekta ng mga school supplies tulad ng:
- Lapis at ballpen
- Notebook at papel
- Krayola at crayons
- Bag, ruler, gunting, pandikit
- Iba pang kagamitang pampaaralan

Maaari rin po kayong mag-donate ng cash para mabili namin ang mga kakulangan. Anumang halaga o uri ng donasyon ay lubos naming ipagpapasalamat.

Para sa mga nais tumulong, maaari po kayong makipag-ugnayan sa:
MIA D. CAPALAR/
Edelyn Magbanua Fabrigar
09451336464
09656489136

*GCash:* 09656489136
Drop-off Point: # 34 FILREZAM SUBDIVISION CANUMAY WEST VALENZUELA CITY

Mag-donate na! 🎒 Maging bahagi ng paghubog ng kinabukasan ng kabataang Pilipino.

Ang anu mang Donation ay aming ipopost dito sa ating munting pahina para sa transparency ng bawat isa...

Maraming salamat po sa inyong suporta at malasakit. Pagpalain po kayo!

MIA D. CAPALAR
KAISA-KA
"Isang Lapis, Isang Papel Program 2026"

Address

CANUMAY West
Valenzuela

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kaisa Ka posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category