Kap. Angel R. Mariano

Kap. Angel R. Mariano The Official page of Kap. Angelito "Angel" R. Mariano, Punong Barangay, Pamahalaang Barangay ng Punturin - City Gov't of Valenzuela

PUNTURIN, OPISYAL NANG DEKLARADONG ‘DRUG-FREE WORKPLACE’; 147 KAWANI AT OPISYAL, NEGATIBO SA ILIGAL NA DROGALUNGSOD NG V...
08/05/2026

PUNTURIN, OPISYAL NANG DEKLARADONG ‘DRUG-FREE WORKPLACE’; 147 KAWANI AT OPISYAL, NEGATIBO SA ILIGAL NA DROGA

LUNGSOD NG VALENZUELA — Sa layuning mapanatili ang integridad at kaligtasan sa loob ng tanggapan, pormal nang idineklara ang Pamahalaang Barangay ng Punturin bilang isang Drug-Free Workplace para sa taong 2026.

Ang naturang proklamasyon ay ginanap noong Mayo 4, 2026, kasabay ng unang buwanang pagpupulong ng Barangay Peace and Order Council (BPOC) at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC). Sa ulat na inilabas, kabuuang 147 kawani ng 3S Punturin—na binubuo ng mga staff, appointed, at elected officials mula sa Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK)—ang napatunayang negatibo sa paggamit ng anumang ipinagbabawal na gamot.

Ang isinagawang drug test ay pinangasiwaan ng AJ Reyes Medical Clinic at binigyang-bisa ng Valenzuela Anti-Drug Abuse Office (VADAO). Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ni City Councilor Atty. Bimbo Dela Cruz, na nagsisilbi ring Action Officer ng VADAO.

Kasabay ng deklarasyon, idinaos din ang isang seminar na may temang “Empowered and Drug-Free: Building A Healthier Workplace for a Better 2026.” Nagsilbing tagapagsalita si G. Elver Cleofe mula sa VADAO Drug Preventive Education Unit, na nagbigay ng mahalagang oryentasyon para sa mga bagong hire at refresher course naman para sa mga datihang kawani.

Ang inisyatibong ito ay matagumpay na naidaos sa ilalim ng pamumuno ni Kap. Angel R. Mariano (BADAC Chairperson), katuwang ang 3S Punturin Council at mga sumusunod na opisyal:
- Hon. Alfredo “Edok” L. Dalag (BADAC Vice Chairman).
- Hon. Felicitas “Fely” P. Villanueva (BADAC Committee Chair on Advocacy).

Nakiisa rin sa naturang programa ang mga BADAC Coordinators at Partner Agencies mula sa Valenzuela City Police Station (VCPS) Sub-Station 7, sa kinatawan ni PMSGT Caiser Iñigo.

Ang tagumpay na ito ng Barangay Punturin ay isang malaking hakbang sa patuloy na kampanya ng lungsod laban sa droga, na nagpapatunay na ang mahusay na paglilingkod ay nagsisimula sa isang malinis at disiplinadong pamunuan.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, BADAC BCSC Team Leader ]
[ 📷: Jovy Quitil x Uno Alcantara, BADAC Coordinators ]
[ 💻: BADAC - 3S Punturin ]

08/05/2026

Maligayang Kaarawan, Kap. Angel R. Mariano ng Brgy. Punturin!

Happy na, Birthday mo pa!

Isang taos-pusong pasasalamat sa inyong walang sawang dedikasyon at tapat na paglilingkod sa ating mga kabarangay at sa buong Valenzuela.

Ang inyong liderato ay nagsisilbing inspirasyon sa aming lahat. Nawa’y bigyan pa kayo ng Panginoon ng lakas ng pangangatawan at mahabang buhay upang marami pa kayong matulungan.

Pagpalain po kayo Kap. Angel!

[ Pagbati mula sa iyong 3S Punturin Family ]

UNANG REGULAR SESSION NG 3S PUNTURIN COUNCIL, MATAGUMPAY NA IDINAOSPUNTURIN, VALENZUELA — Pinangunahan ni Kap. Angel R. ...
08/05/2026

UNANG REGULAR SESSION NG 3S PUNTURIN COUNCIL, MATAGUMPAY NA IDINAOS

PUNTURIN, VALENZUELA — Pinangunahan ni Kap. Angel R. Mariano ang unang Regular Session ng 3S Punturin Council ngayong Miyerkules, ika-6 ng Mayo, 2026.

Kaisa ang buong konseho, tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang proyekto at serbisyong nakalaan para sa kapakanan ng mga residente.

Ang regular na sesyong ito ay isinasagawa tuwing unang Miyerkules ng buwan upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo at pag-unlad sa ating barangay.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Page News Correspondent ]
[ 📷: Zhae Buenaventura, BIO ]

DAY 2 NG SIMBA-ARALAN, MASIGLANG ITINULOY!ICYMI • 05 May 2026 (Tuesday) • Tuloy ang saya at paglago sa pananampalataya s...
06/05/2026

DAY 2 NG SIMBA-ARALAN, MASIGLANG ITINULOY!

ICYMI • 05 May 2026 (Tuesday) • Tuloy ang saya at paglago sa pananampalataya sa ikalawang araw ng Simba-Aralan 2026! Masayang nakiisa ang mga batang edad 7-12 mula sa ating limang SPPC sa mga inihandang katekismo at aktibidad para sa Flores de Mayo.

At sa gawaing ito ay patuloy na nakikiisa ang ating mga Youth Catechists (PCY), P***A, at ang ating mga Participants mula sa Pamahalaang Barangay ng Punturin sa pamumuno ni Kap. Angel R. Mariano throught the BCPC.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Page News Correspondent ]
[ 📷: 3S Punturin BIO Team ]

KAMPANYA VS SEXUAL HARASSMENT, PINANGUNAHAN NG VALENZUELA CSWDO AT BRGY. PUNTURINICYMI • VALENZUELA CITY — Isinagawa ng ...
06/05/2026

KAMPANYA VS SEXUAL HARASSMENT, PINANGUNAHAN NG VALENZUELA CSWDO AT BRGY. PUNTURIN

ICYMI • VALENZUELA CITY — Isinagawa ng Valenzuela CSWDO ang isang citywide information drive ngayong Huwebes, Abril 30, 2026, upang paigtingin ang kaalaman ng publiko hinggil sa seguridad at karapatan ng mga mamamayan.

Katuwang ang Pamahalaang Barangay ng Punturin sa pamumuno ni Kap. Angel R. Mariano at B/Kgwd. Fely P. Villanueva (Vice Comm. Chair on Women, Children, & Family) ay nakiisa ang mga BCPC Desk Officers na sina Chatt Liwanag, Jenny Santiago, Virgie Castro, at Jellaine Benuya sa nasabing aktibidad. Nagtayo ng mga helpdesk booth sa mga terminal, 3S centers, at parke upang mamahagi ng IEC materials tungkol sa Safe Spaces Act (R.A. 11313), Anti-Sexual Harassment Act (R.A. 7877), at Anti-Rape Law (R.A. 8353).

Itinampok din sa kampanya ang mga support mechanisms ng lungsod, gaya ng Anti-Sexual Harassment Desk at ang 24/7 hotline na 0917-625-7594. Layon ng inisyatibong ito na bigyang-kapangyarihan ang mga residente at tiyaking ligtas ang bawat sulok ng Valenzuela para sa lahat.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Page News Correspondent ]
[ 📷: 3S Punturin BIO Team ]

SIMBA-ARALAN 2026: PAGHUBOG SA PANANAMPALATAYA NG KABATAAN, ARANGKADA NA!MAYO 04 – Opisyal nang sinimulan ang Simba-Aral...
06/05/2026

SIMBA-ARALAN 2026: PAGHUBOG SA PANANAMPALATAYA NG KABATAAN, ARANGKADA NA!

MAYO 04 – Opisyal nang sinimulan ang Simba-Aralan, ang summer catechism program ng Diyosesis ng Malolos para sa mga kabataang edad 7 hanggang 12.

Sa unang araw pa lamang, naging aktibo at masaya ang pakikilahok ng mga bata sa limang SPPC ng ating parokya. Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng mga Youth Catechists (PCY) sa gabay ng P***A at mga kinatawan ng bawat SPPC. Layunin nitong palalimin ang pananampalataya ng mga kabataan kasabay ng pagdiriwang ng Flores de Mayo.

Tatagal ang mga aktibidad ng isang buwan, tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Naging matagumpay ang pagbubukas nito sa pakikiisa ng Barangay ng Punturin sa ilalim ng pamumuno ni Kap. Angel R. Mariano at ng BCPC, kung saan sila ay nagpadala ng ilang mga kabataang naging bahagi ng nasabing gawain.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Page News Correspondent ]
[ 💻: Anluwage - St. Joseph Punturin ]

P20 BIGAS ROLL-OUT SA BARANGAY, PUSPUSAN NA ANG PAGHAHANDA; 3S PUNTURIN AT BARANGAY VOLUNTEERS, NAGKAISA SA BAYANIHANMAY...
06/05/2026

P20 BIGAS ROLL-OUT SA BARANGAY, PUSPUSAN NA ANG PAGHAHANDA; 3S PUNTURIN AT BARANGAY VOLUNTEERS, NAGKAISA SA BAYANIHAN

MAYO 5, 2026 — Maagang naging abala ang ating barangay ngayong Martes sa paghahanda para sa nalalapit na Php 20 Bigas Roll Out na layong makatulong sa mga piling sektor ng ating komunidad.

Sa tulong ni Sir Pablo Boy Langomez, ipinamalas ng ating mga Barangay Volunteers—mula sa Barangay Tanod hanggang sa Waste Management Team—ang tunay na diwa ng bayanihan sa paghahakot ng mga sakong bigas na nakalaan para sa nasabing programa.

Naging matagumpay ang aktibidad na ito dahil na rin sa mahalagang tulong at kolaborasyon ng 3S Punturin, sa pangunguna ni Kap. Angel R. Mariano at ng buong 3S Punturin Council. Ang kanilang pakikipagtulungan ay naging susi upang masiguro ang maayos na logistika para sa mga darating na subsidiya.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na makapaghatid ng abot-kayang pangunahing bilihin para sa mga residente.

"Isang malaking pasasalamat sa 3S Punturin at sa ating mga volunteers na laging handang tumulong para masiguro na magiging maayos ang daloy ng ating mga programa," saad ng pamunuan.

Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling nakasubaybay sa ating page para sa Official Announcement tungkol sa eksaktong iskedyul at mekanismo ng distribusyon para sa mga selected community sectors.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Page News Correspondent ]
[ 📷: Lando De Guzman, Building Admin. ]

TRASH TO CASHBACK: BASURA, MAGIGING YAMAN SA BRGY. PUNTURINLUNGSOD NG VALENZUELA — Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod, sa ...
05/05/2026

TRASH TO CASHBACK: BASURA, MAGIGING YAMAN SA BRGY. PUNTURIN

LUNGSOD NG VALENZUELA — Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian at katuwang ang BEST Inc., ang programang “Trash to Cashback: May Balik sa Basura.” Layunin nito na bawasan ang basura sa mga landfill sa pamamagitan ng wastong recycling.

Bilang bahagi ng kampanya, isang matagumpay na seminar ang idinaos sa Brgy. Punturin sa pangunguna ng CENRO Valenzuela, katuwang ang DENR-EMB at MMDA. Buong pusong sinuportahan ang aktibidad nina Kap. Angel R. Mariano at B/Kgwd. Anshe V. Pacheco (Vice Comm. Chair on Environmental Protection), kasama ang mga opisyales ng HOA, SPTA, mga lokal na NGO, at Barangay Waste Management Team sa pangunguna ni Sir Pablo “Boy” Langomez.

Sa ilalim ng programang ito, ang mga residenteng magsesegregate ng kanilang recyclables—gaya ng plastik, papel, at electronic waste—ay makatatanggap ng Environmental Points. Ang mga puntos na ito ay maaaring ipambayad o ipalit sa mga redeemable rewards.

Hinihikayat ang lahat na ipagpatuloy ang pagbubukod ng basura sa mga tahanan. Para sa susunod na collection at redemption schedule, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng CENRO.

Sa ating pagkakaisa at disiplina, ang basura ay magiging yaman para sa mas malinis na barangay.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Page News Correspondent ]
[ 📷: Zhae Buenaventura, BIO & Focal Person on Barangay Comm. on Environmental Protection ]

PSA AT DOT SURVEY SA BRGY. PUNTURIN, KASADO NALUNGSOD NG VALENZUELA — Nakipag-ugnayan ang Philippine Statistics Authorit...
05/05/2026

PSA AT DOT SURVEY SA BRGY. PUNTURIN, KASADO NA

LUNGSOD NG VALENZUELA — Nakipag-ugnayan ang Philippine Statistics Authority (PSA), katuwang ang Department of Tourism (DOT), kay Kap. Angel R. Mariano para sa pagsasagawa ng 2025 Household Survey on Domestic Visitors (HSDV).

Narito ang mahahalagang detalye ng aktibidad:
- Petsa: Magsisimula ang panayam sa mga sambahayan mula Mayo 4 hanggang Mayo 31, 2026.
- Layunin: Makalikom ng datos na magiging basehan ng mga programa at polisiya para sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa.
- Seguridad: Ang lahat ng impormasyong ibibigay ay mananatiling kumpidensyal alinsunod sa Republic Act No. 10625.

Hinihikayat ang pakikipagtulungan ng mga residente sa mga itinalagang statistical researchers upang matiyak ang tagumpay ng nasabing survey.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Page News Correspondent ]
[ 📷: Zhae Buenaventura, BIO ]

BAGONG AMBULANSYA, IPINAGKALOOB SA BARANGAY PUNTURIN NG W.L. FOOD PRODUCTSPUNTURIN, VALENZUELA — Kasabay ng unang Flag-r...
04/05/2026

BAGONG AMBULANSYA, IPINAGKALOOB SA BARANGAY PUNTURIN NG W.L. FOOD PRODUCTS

PUNTURIN, VALENZUELA — Kasabay ng unang Flag-raising Ceremony ngayong buwan, pormal nang tinanggap ng Barangay Punturin ang isang brand new na ambulansya na donasyon mula sa W.L. Food Products / Sam Lim Corporation.

Ang aktibidad na ginanap sa 3S Grounds ay pinangunahan ni Kap. Angel R. Mariano at ng 3S Punturin Council. Personal na nakiisa sa turnover ceremony sina Sir William Lim at Charles Lim bilang kinatawan ng kumpanya upang opisyal na iturn-over ang susi ng sasakyan.

BLESSING AT PAGKILALA

Matapos ang turnover, agad na isinagawa ang pagbabasbas sa bagong ambulansya sa pangunguna ni Rev. Lito Rodriguez, ang Parish Priest ng lokal na parokya. Ang donasyong ito ay inaasahang magpapalakas sa emergency response at serbisyong medikal para sa mga residente ng barangay.

PAGKAKAISA NG KOMUNIDAD

Saksi sa naturang mahalagang okasyon ang mga sumusunod:
• Mga kawani ng 3S Employees.
• Partner Agencies gaya ng Punturin Health Station sa pangunguna ni Dr. Glenn D. Gubatan, MD, Bureau of Fire Protection (BFP) at VCPS – SS7.
• Mga residente at ka-barangay ng Punturin.

Ang proyektong ito ay bunga ng matibay na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor, na naglalayong tiyakin ang kaligtasan at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng bawat mamamayan.

30/04/2026

📣 PAALALA

Alinsunod sa paggunita ng Labor Day, SARADO ang Tanggapan ng Kongresista ng Unang Distrito bukas, Mayo 1.

Magpapatuloy ang normal na operasyon ng opisina sa susunod na working day. Maraming salamat po.

Address

155 P. Faustino Street
Valenzuela
1447

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Angel R. Mariano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share