BADAC - 3S Punturin

BADAC - 3S Punturin Welcome to the Official page of BADAC - 3S Punturin (Val. City Gov't)

SAMA-SAMANG TUGON AT AKSYON: VCPS, PDEA, AT BRGY. PUNTURIN, NAGSANIB-PUWERSA PARA SA MAS LIGTAS AT ‘DRUG-FREE’ NA KOMUNI...
15/07/2026

SAMA-SAMANG TUGON AT AKSYON: VCPS, PDEA, AT BRGY. PUNTURIN, NAGSANIB-PUWERSA PARA SA MAS LIGTAS AT ‘DRUG-FREE’ NA KOMUNIDAD

VALENZUELA CITY — Bilang bahagi ng walang-humpay na kampanya laban sa ilegal na droga at pagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan at kaayusan, nakiisa ang Valenzuela City Police Station (VCPS) sa ginanap na “Tugon at Aksyon 2026: A Consultative Forum on Post-Drug Cleared Sustainability, Strategic Purok Intervention, and Peace & Order” noong ika-8 ng Hulyo, 2026 sa BDRRMC Building, Barangay Punturin, Valenzuela City.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL JOSEPH G. TALENTO, Chief of Police, nagkasama ang puwersa ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang mas selyuhan ang seguridad at kaligtasan ng komunidad simula sa antas ng bawat purok.

Naging sentro ng talakayan ang mga konkretong hakbangin upang mapanatili ang katayuan ng barangay bilang "drug-cleared." Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang:
1. Localized Monitoring: Masusing pagsubaybay laban sa ilegal na droga sa bawat purok;
2. Unified Drug Watchlist: Pagpapanatili ng kredibilidad ng database sa pamamagitan ng regular na balidasyon at pag-update; at
3. Secure Reporting Mechanisms: Pagbuo ng mga ligtas na sistema ng pag-uulat para sa mga miyembro ng BADAC, Homeowners Associations (HOAs), at mga Purok Leader upang maprotektahan ang mga nagmamalasakit na mamamayan.

Ang matagumpay na forum na ito ay naisakatuparan under the guidance and leadership of Kap. Angel R. Mariano, katuwang sina B/Kgwd. Alfredo "Edok" L. Dalag (BADAC Chair on Operations), B/Kgwd. Fely P. Villanueva (BADAC Chair on Advocacy), at ang buong Sangguniang Barangay (3S Punturin Council).

Sumaludo rin ang pamunuan sa masusing pagpaplano ng mga tagapag-organisa na sina BADAC BCSC Team Leader Mx. Danny E. Bernadas, G. Jovy E. Quitil, at G. Uno Alcantara.

Taos-pusong pasasalamat din ang ipinaabot sa mga opisyal na nagbahagi ng kanilang oras at dedikasyon para sa aktibidad:
- PMAJ Randy M. Llanderal (Assistant Chief of Police for Operations, VCPS);
- PLT Sherwin Dascil (Chief, SDEU) at PMSg Joaquin Erasquin (Chief Clerk, SDEU);
- PCPT Joan H. De Leon (OIC, SCAS), PLT Ailyn M. Domingo (Deputy Chief, SCAS), at PSSg - Ramon E. Barcelino (Chief Clerk, SCAS);
- PLT Michael B. Dela Cruz (OIC/Station Commander, Sub-Station 7 / BADAC Adviser);
- PCPT Jhonnie E. Beltran (OIC, Station Intelligence Section); at
- OIC Alberto T. Bohol (PDEA - Northern District Office).

"Ang laban sa ilegal na droga ay hindi lamang laban ng kapulisan, kundi laban ng bawat pamilyang Valenzuelano. Sa pamamagitan ng 'Tugon at Aksyon,' pinatutunayan natin na kapag nagkakaisa ang PNP, barangay, at mamamayan, walang puwang ang krimen sa ating lungsod."

Sa pamamagitan ng aktibong pagtutulungan ng kapulisan at pamayanan, patuloy na magiging huwaran ang Lungsod ng Valenzuela sa pagiging ligtas, mapayapa, at progresibong tahanan para sa lahat.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: Repost x PNP Valenzuela City Police Station ]

[ 📷: BADAC 3S Punturin ]

KABALIKAT SA PAGBABAGO: MGA STUDENT YOUTH LEADERS NG PUNTURIN, SINANAY LABAN SA DROGAPUNTURIN, VALENZUELA CITY — Susi an...
14/07/2026

KABALIKAT SA PAGBABAGO: MGA STUDENT YOUTH LEADERS NG PUNTURIN, SINANAY LABAN SA DROGA

PUNTURIN, VALENZUELA CITY — Susi ang talas at impluwensya ng mga Student Youth Leaders upang mapanatiling ligtas ang pamayanan laban sa ilegal na droga.

Ito ang pinatunayan sa ginanap na Leadership Training para sa mga BADAC Partner Academic Institutions noong Hunyo 27, 2026, sa 2/F Conference Area, BDRRMC Building, Barangay Punturin. Ito ay isinagawa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026.

Sa ilalim ng temang “Kabalikat sa Pagbabago: Empowering Campus Leaders towards a Drug-Resilient Community,” nagtipon ang mga Student Youth Leaders mula sa Punturin Senior High School (PSHS) at Vicente P. Trinidad National High School (VPTNHS)—kabilang ang mga opisyal ng SSG / SSLG, SADAC / BKD, at CIC—upang patalasin ang kanilang kakayahan sa adbokasiya.

Ang programa ay matagumpay na naisakatuparan sa gabay ni Kap. Angel R. Mariano, katuwang sina B/Kgwd. Edok L. Dalag (BADAC Chair on Operations), B/Kgwd. Fely P. Villanueva (BADAC Chair on Advocacy), at ang buong Sangguniang Barangay (3S Punturin Council). Lubos din ang ating pasasalamat sa mga tagapag-organisa na sina BADAC BCSC Team Leader Mx. Danny E. Bernadas, G. Jovy E. Quitil, at G. Uno Alcantara sa kanilang masusing pagpaplano.

Naging gabay ng mga Student Leaders sina Mx. John Florence D. Victoriano, RSW (VADAO – Drug Preventive Education Unit) at B/Kgwd. Dr. Philip Eleazar D. Faustino, MBA (Vice Comm. Chair on Education) bilang mga resource speakers. Naging posible rin ito sa buong-pusong suporta ng mga Punong G**o na sina Sir Odelon B. Peñaflorida (PSHS) at G. Jaime S. De Vera Jr. (VPTNHS).

Baon ng mga Student Youth Leaders ang mas matibay na paninindigan na maging "Kabalikat sa Pagbabago" tungo sa isang ligtas at drug-resilient na Barangay Punturin.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: BADAC 3S Punturin ]

KAPIT-BISIG SA KALIGTASAN: SEKTOR NG HOA SA BARANGAY PUNTURIN, PINAG-ISA SA ESTRATEHIKONG SEMINAR LABAN SA ILEGAL NA DRO...
09/07/2026

KAPIT-BISIG SA KALIGTASAN: SEKTOR NG HOA SA BARANGAY PUNTURIN, PINAG-ISA SA ESTRATEHIKONG SEMINAR LABAN SA ILEGAL NA DROGA

BARANGAY PUNTURIN, LUNGSOD NG VALENZUELA — Bilang marubdob na pakikiisa sa pandaigdigang paggunita ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026, matagumpay na isinagawa ang isang Community Empowerment Seminar para sa mga Homeowners and Neighborhood Associations nitong nakaraang Huwebes, ika-25 ng Hunyo, 2026.

Sa ilalim ng opisyal na temang "Kapit-Bisig sa Kaligtasan: Katapatan at Aksyon ng HOA Laban sa Droga," ang naturang inisyatiba ay naglayong patatagin ang mapanuring kamalayan ng mamamayan at paigtingin ang kolektibong pagkilos ng komunidad tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at pampublikong kaligtasan.

Ang makabuluhang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng epektibong pamumuno at gabay ni Kap. Angel R. Mariano, katuwang sina B/Kgwd. Edok L. Dalag (Vice Comm. Chair on BPOC & BADAC Chair on Operations) at B/Kgwd. Fely P. Villanueva (BADAC Chair on Advocacy), kasama ang buong Sangguniang Barangay (3S Punturin Council).

Lubos ding ipinaabot ng pamunuan ang kanilang mataas na pagkilala at taos-pusong pasasalamat sa mga pangunahing tagapag-organisa na sina BADAC BCSC Team Leader Mx. Danny E. Bernadas, G. Jovy E. Quitil, at G. Uno Alcantara. Dahil sa kanilang masusing pagpaplano at dedikasyon, naging organisado, sistematiko, at higit na makabuluhan ang implementasyon ng nasabing aktibidad.

Naging tampok sa talakayan ang komprehensibong pagbabahagi ng kaalaman ni Mx. Florence D. Victoriano, RSW, mula sa Valenzuela Anti-Drug Abuse Office (VADAO) - Drug Preventive Education Unit, na nagsilbing Resource Speaker. Sa pamamagitan ng kaniyang propesyonal na kasanayan bilang isang rehistradong Social Worker, pinalawak niya ang unawa ng mga delegado ukol sa mga estratehiya sa edukasyong prebentibo at ang kahalagahan ng interbensyong nakabatay sa komunidad.

Ang aktibidad ay dinaluhan at aktibong nilahukan ng mga kabalikat na HOA at Neighborhood Associations sa ilalim ng BADAC Auxiliary Team, na nagpapatunay sa matatag na ugnayan ng sektor-sibil at ng lokal na pamahalaan.

Naging katuwang din sa gawaing ito ang hanay ng kapulisan mula sa Valenzuela City Police Station Sub-Station 7 (VCPS–SS7), sa ilalim ng pamumuno ni PLT MICHAEL B DELA CRUZ (OIC / Station Commander at BADAC Adviser), na nagbigay ng legal at estratehikong suporta upang mas mapalakas ang kapasidad ng komunidad laban sa talamak na banta ng ilegal na droga.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programang pangkaunlaran, patuloy na ipinamalas ng Barangay Punturin na ang transpormasyon at pangmatagalang kaligtasan ay nagmumula sa katapatan sa tungkulin, maagang pag-aksyon, at mapagpalayang pagtutulungan ng pamayanan.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: BADAC 3S Punturin ]

KAMALAYAN SA KABATAAN: BADAC PUNTURIN AT VADAO, NAGDAOS NG ANTI-DRUG AT ALCOHOL SYMPOSIUM SA SGCVVALENZUELA CITY — Nagsa...
02/07/2026

KAMALAYAN SA KABATAAN: BADAC PUNTURIN AT VADAO, NAGDAOS NG ANTI-DRUG AT ALCOHOL SYMPOSIUM SA SGCV

VALENZUELA CITY — Nagsanib-pwersa ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) 3S Punturin at ang Valenzuela Anti-Drug Abuse Office (VADAO) sa pagdaraos ng isang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign Symposium para sa mga mag-aaral ng St. Gregory College of Valenzuela (SGCV) noong Huwebes, Hunyo 25, 2026.

Ang malawakang kampanya laban sa iligal na droga at alkohol ay isinagawa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026. Umikot ang talakayan sa pandaigdigang tema na: “World Drug Problem: Persisting Issues, New Challenges, Innovative Responses.”

Naisakatuparan ang matagumpay na programa sa pamamagitan ng aktibong paggabay at pamumuno nina Kap. Angel R. Mariano, B/Kgwd. Edok L. Dalag, at B/Kgwd. Fely P. Villanueva, katuwang ang buong 3S Punturin Council.

Lubos din ang pasasalamat ng pamunuan kina BADAC BCSC Team Leader Mx. Danny E. Bernadas, Sir Jovy E. Quitil, at G. Uno G. Alcantara na siyang nagsilbing mga pangunahing katuwang ng VADAO, kasama sina Sir Raymond M. Nungay at Sir Mico D. San Pedro.

Kinilala rin ang malaking suporta ng pamunuan ng SGCV sa pangunguna nina Sir Jayson Gatdula (SADAC – BKB Adviser) at Ma’am Maxima G. Carlos (Principal), gayundin ang kanilang mga faculty at support staff na naging kaagapay upang maging ligtas at makabuluhan ang aktibidad para sa mga mag-aaral.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: BADAC 3S Punturin ]

PUNTURIN BADAC, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG IDADAIT 2026; KAMPANYA LABAN SA ILEGAL NA DROGA, MAS PINATINDIBARANGAY PUNTURI...
30/06/2026

PUNTURIN BADAC, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG IDADAIT 2026; KAMPANYA LABAN SA ILEGAL NA DROGA, MAS PINATINDI

BARANGAY PUNTURIN, VALENZUELA CITY — Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng seguridad at kaligtasan ng komunidad, pinangunahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ang opisyal na paglulunsad ng pagdiriwang para sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026.

Ginanap ang naturang aktibidad sa 3S Punturin Grounds kasabay ng regular na Flag-Raising Ceremony. Sa ilalim ng temang “World Drug Problem: Persisting Issues, New Challenges, Innovative Responses,” opisyal na inilunsad ng konseho ang serye ng paghahanda, adbokasiya, at kick-off ceremony na naglalayong paigtingin ang kamalayan ng publiko at palakasin ang mga programang pangkomunidad laban sa bawal na gamot.

Naging tampok sa programa ang pagsasagawa ng Information, Education, and Communication (IEC) Campaign, na sinundan ng isang makasaysayang Pledge of Commitment o Panunumpa ng Katapatan. Ang naturang kasunduan ay nilagdaan ng mga BADAC Barangay Community Service Coordinators (BCSCs) bilang pagpapatibay sa kanilang walang-maliw na suporta at dedikasyon sa pagtataguyod ng nasabing adhikain.

Naisakatuparan ang matagumpay na programa sa pamamagitan ng aktibong paggabay at pamumuno nina Kap. Angel R. Mariano, B/Kgwd. Edok L. Dalag, at B/Kgwd. Fely P. Villanueva, katuwang ang buong 3S Punturin Council.

Ipinaabot din ng pamunuan ang taos-pusong pasasalamat kina BADAC BCSC Team Leader G. Danny E. Bernadas at G. Uno Alcantara na siyang nagsilbing mga pangunahing tagapag-organisa upang maging maayos at makabuluhan ang nasabing aktibidad.

Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, muling pinatunayan ng Barangay Punturin ang kanilang kahandaan na harapin ang mga bagong hamon at magpatupad ng mga makabagong solusyon upang mapanatiling malinis, ligtas, at malaya sa droga ang buong lokalidad.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: BADAC 3S Punturin ]

PAGPAPAIGTING NG ADBOKASIYA SA KABATAAN: BADAC 3S PUNTURIN AT SADAC-BKB, NAKIISA SA ‘CLUB HUNTING’ NG PUNTURIN SENIOR HI...
24/06/2026

PAGPAPAIGTING NG ADBOKASIYA SA KABATAAN: BADAC 3S PUNTURIN AT SADAC-BKB, NAKIISA SA ‘CLUB HUNTING’ NG PUNTURIN SENIOR HIGH SCHOOL

VALENZUELA CITY — Sa layuning itaguyod ang isang ligtas, mapayapa, at mapagkalingang kapaligiran para sa mga mag-aaral, nakiisa ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) 3S Punturin, sa pakikipagtulungan ng School Anti-Drug Abuse Council (SADAC) – Barkada Kontra Bisyo (BKB), sa isinagawang Club Hunting ng Punturin Senior High School (PSHS) noong Hunyo 10, 2026, sa Covered Court ng nasabing paaralan.

Ang pakikilahok ng konseho ay ginabayan ng temang, “Fuel Your Passion, Protect Your Vision: Kabataang Punturin, Ligtas at Malaya.” Layunin ng temang ito na hamunin ang mga kabataan na ituon ang kanilang husay at talino sa mga produktibong organisasyon sa paaralan, habang pinangangalagaan ang kanilang kinabukasan laban sa banta ng ilegal na droga at iba pang mapaminsalang bisyo.

Ang Barkada Kontra Bisyo (BKB), na pormal na kilala bilang Barkada Kontra Droga (BKD), ay nagsisilbing pangunahing katuwang ng pamahalaang lokal sa pagpapatupad ng mga programang pang-edukasyon at kamalayan laban sa adiksyon sa loob ng institusyon.

Naisakatuparan ang nasabing ugnayan sa pamamagitan ng mainit na pagtanggap at suporta ng pamunuan ng paaralan sa pangunguna nina G. Odelon B. Peñaflorida, Principal ng PSHS; Bb. Angela G. Novejas, Guidance Coordinator at SADAC–BKB Adviser; at Bb. Princess Donnalyn L. Benegas, Pangulo ng SADAC–BKD.

Pinangasiwaan naman ng mga BADAC Barangay Community Service Coordinators (BCSCs) ang paggabay sa mga mag-aaral sa pangunguna ni Mx. Danny E. Bernadas (BADAC Team Leader), kasama sina G. Jovy E. Quitil at G. Uno Alcantara.

Ang estratehikong programang ito ay matagumpay na naipatupad sa ilalim ng liderato at buong suporta nina Kap. Angel R. Mariano, B/Kgwd. Edok L. Dalag, B/Kgwd. Fely P. Villanueva, at ng buong Sangguniang Barangay ng 3S Punturin, na patuloy na naglulunsad ng mga komprehensibong inisyatiba para sa proteksyon at pag-unlad ng kabataan.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, BADAC BCSC Team Leader ]
[ 📷: Credits to its Rightful Owner(s) ]

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:PAGPAPAIGTING NG ADBOKASIYA SA KABATAAN: BADAC 3S PUNTURIN AT SADAC-BKB, NAKIISA SA ‘CLUB HUNTING...
24/06/2026

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:

MGA KA-BARANGAY:JOIN THE BARKADA KONTRA BISYO (BKB)! 📢✨ISANG PAANYAYA MULA SA BADAC NG 3S PUNTURIN AT SADAC NG PSHSAvisa...
10/06/2026

MGA KA-BARANGAY:

JOIN THE BARKADA KONTRA BISYO (BKB)! 📢✨

ISANG PAANYAYA MULA SA BADAC NG 3S PUNTURIN AT SADAC NG PSHS

Avisala, PSHS Students! Handang-handa ka na ba na maging boses ng positibong pagbabago?

Ngayong Club Recruitment Day, huwag palampasin ang pagkakataong sumali sa Barkada Kontra Bisyo (BKB)—ang mas pinaigting na bersyon ng dating Barkada Kontra Droga (BKD)!

BAKIT MO DAPAT PILIIN ANG BKB?

🗣️ Speak Up! Maging boses ng kabataan sa malawakang kampanya laban sa mapanirang epekto ng ilegal na droga at masasamang bisyo sa lipunan.

🚀 Level Up! Humubog ng kakayahan bilang pinuno sa pamamagitan ng mga pagsasanay (peer leadership) upang gabayan ang kapwa mag-aaral palayo sa bisyo.

🌱 Start Healthy! Magtaguyod ng isang malusog at ligtas na pamumuhay (healthy lifestyle) at maging katuwang sa pagpapanatili ng isang drug-free na paaralan at komunidad.

ARE YOU READY TO JOIN OUR FAMILY?

📅 Kailan: Club Recruitment Day (10 June 2026, Wednesday).

📍 Saan: Bisitahin ang opisyal na BKB Booth sa inyong campus. Magtungo lang sa Campus Covered Court.

👥 Sino: Bukas para sa lahat ng Senior High Students (SHS) na gustong makiisa sa adbokasiyang ito.

Isang layunin. Isang komunidad. Malaking pagbabago! Magtungo lang sa kanilang recruitment booth, mag-sign up, at simulan ang iyong kuwento ng boluntorismo / paglilingkod dito sa ating Barangay Punturin!

Kita-kits, mga bagong lodi ng BKB! 🤝🔥

[ 💻: PSHS - BKD ]

𝑨𝒓𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒓𝒆𝒂𝒅𝒚 𝒕𝒐 𝒋𝒐𝒊𝒏 𝒖𝒔 𝒊𝒏 𝒓𝒂𝒊𝒔𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒘𝒂𝒓𝒆𝒏𝒆𝒔𝒔?⁉️🚫📢

Become a member of the ᗷKᗷ, which has the 𝙤𝙥𝙥𝙤𝙧𝙩𝙪𝙣𝙞𝙩𝙮 𝙩𝙤 𝙨𝙥𝙚𝙖𝙠 𝙪𝙥, 𝙚𝙛𝙛𝙚𝙘𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙜𝙚, 𝙖𝙣𝙙 𝙨𝙥𝙧𝙚𝙖𝙙 𝙖𝙬𝙖𝙧𝙚𝙣𝙚𝙨𝙨. Speak up and join us to advocate for the environment and society. Besides that, BKB serves as a 𝙩𝙧𝙖𝙞𝙣𝙞𝙣𝙜 𝙜𝙧𝙤𝙪𝙣𝙙 𝙛𝙤𝙧 𝙝𝙚𝙡𝙥𝙞𝙣𝙜, 𝙧𝙚𝙨𝙥𝙤𝙣𝙨𝙞𝙗𝙡𝙚,𝙨𝙚𝙧𝙫𝙞𝙣𝙜, 𝙖𝙣𝙙 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙖 𝙣𝙚𝙬, 𝙝𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝𝙮 𝙛𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮.💫✨

Come along and become a member of our family. Together, we can 𝙖𝙘𝙝𝙞𝙚𝙫𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙨𝙖𝙢𝙚 𝙜𝙤𝙖𝙡 𝙖𝙣𝙙 𝙥𝙪𝙩 𝙞𝙣 𝙧𝙚𝙜𝙖𝙧𝙙𝙨 𝙩𝙤 𝙢𝙖𝙟𝙤𝙧 𝙞𝙢𝙥𝙧𝙤𝙫𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙨.‼️🤞🏼

🖼️: Joana U. Galeja (Creative Head) & Althea M. Belaguin (Assistant Creative Head)
✍️: Cristine Joy R. Enriquez (External Secretary)

BARANGAY PUNTURIN AT BADAC, PINANGUNAHAN ANG ALYANSA LABAN SA DROGA; PAKIKIPAGTULUNGAN SA PARTNER AGENCIES AT COMMUNITY ...
11/05/2026

BARANGAY PUNTURIN AT BADAC, PINANGUNAHAN ANG ALYANSA LABAN SA DROGA; PAKIKIPAGTULUNGAN SA PARTNER AGENCIES AT COMMUNITY LEADERS, MAS PINATINDI

BARANGAY PUNTURIN, VALENZUELA — Sa ilalim ng masigasig na pamumuno ng Pamahalaang Barangay ng Punturin, matagumpay na idinaos ang Annual Seminar at Orientation/Refresher para sa mga BADAC Auxiliary Teams (BATs) at House Cluster Leaders noong ika-7 ng Mayo, 2026, sa BDRRMC Building.

Ang nasabing aktibidad ay isang malinaw na pagpapakita ng aktibong pagsisikap ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na paigtingin ang seguridad at kalusugan ng pamayanan sa pamamagitan ng temang “Matatag Na Ugat, Abot-Tanaw Na Bukas: Empowering Community Leaders, Securing A Drug-Free Future.”

SAMA-SAMANG PAGKILOS NG PAMAHALAANG BARANGAY AT COMMUNITY LEADERS

Binigyang-diin sa seminar ang mahalagang papel ng mga lider sa damuhan o grassroots level. Sa gabay ni Kapitan Angel R. Mariano at sa pangangasiwa nina Kagawad Edok L. Dalag at Kagawad Fely P. Villanueva, kasama ang mga Tanod Team Leaders, muling binalangkas ang mga stratehiya kung paano magiging mas mapagmatyag ang bawat cluster leader sa kanilang nasasakupan.

Ang inisyatibong ito ay direktang tumutugon sa UN SDG 11 (Sustainable Cities and Communities) at SDG 16 (Peace, Justice, and Strong Institutions), kung saan ang pagkakaisa ng barangay at mga pinuno ng bawat kumpol ng bahay ay nagsisilbing matibay na depensa laban sa kriminalidad at iligal na droga.

PARTNER AGENCIES: KATUWANG SA LIGTAS NA BUKAS

Hindi matatawaran ang suporta ng mga ahensyang katuwang ng barangay. Sa ilalim ng liderato ni PCOL Joseph G. Talento (Chief of Police), naghatid ng inspirasyon si PMAJ Joseph C. Inomis tungkol sa pagkakaisa para sa kaligtasan ng kabataan. Nagpaabot din ng suporta si PLT Michael V. Dela Cruz (Sub-station 7 Commander) at PCPT Joan H. De Leon (OIC, Station Community Affairs Section), na nagpatibay sa ugnayan ng pulisya at komunidad (SDG 17: Partnerships for the Goals).

Nagbahagi rin ng teknikal na kaalaman sina Mx. John Florence Victoriano at ang BADAC Coordinators (BCSCs) sa pamumuno ni Mx. Danny E. Bernadas, kasama sina G. Jovy Quitil, G. Uno Alcantara, at kinatawan mula sa VADAO. Ang kanilang edukasyonal na diskurso ay nakatuon sa SDG 3 (Good Health and Well-being), na naglalayong ilayo ang mga mamamayan sa masamang epekto ng droga.

ISANG KOLEKTIBONG HANGARIN

Ang tagumpay ng seminar na ito ay patunay na ang Pamahalaang Barangay ng Punturin ay hindi tumitigil sa paghahanap ng mga makabagong paraan upang protektahan ang kanilang nasasakupan.

Sa pamamagitan ng pagbibigay-kapangyarihan sa mga community leaders at pagpapanatili ng maayos na relasyon sa mga partner agencies, masisiguro ang isang ligtas, payapa, at progresibong barangay para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, BADAC BCSC Team Leader ]
[ 📷: Jovy Quitil x Uno Alcantara, BADAC Coordinators ]

Address

Valenzuela
1447

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63282360246

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BADAC - 3S Punturin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BADAC - 3S Punturin:

Shortcuts

Share