Pamahalaang Barangay ng Punturin - City Government of Valenzuela

Pamahalaang Barangay ng Punturin - City Government of Valenzuela REBORN • V2.0 • The Official & New page of the Pamahalaang Barangay ng Punturin - City Government of Valenzuela

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:
04/09/2026

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:

Bilang pag-iingat sa inaasahang malakas na pag-ulan, IPINAGPAPALIBAN muna ang KALUSUGAN KONEK Medical Caravan na nakatakda bukas, Setyembre 5, 2026, sa Brgy. Punturin.

Manatiling nakaantabay para sa anunsyo ng bagong iskedyul.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Mag-ingat po tayong lahat!

PABATID AT ANUNSYO PARA SA MGA POTENSYAL NA BENEPISYARYO NG 4PSBARANGAY: PUNTURIN, CITY OF VALENZUELAPROGRAMA: PANTAWID ...
04/09/2026

PABATID AT ANUNSYO PARA SA MGA POTENSYAL NA BENEPISYARYO NG 4PS

BARANGAY: PUNTURIN, CITY OF VALENZUELA
PROGRAMA: PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (DSWD)

MGA KA-BARANGAY • MAHALAGANG PAALALA:

MAGHINTAY LAMANG PO NG FINAL SCHEDULE MULI MULA SA DSWD PARA SA EXACT TIME, DATE, AT VENUE NG SUBMISSION / COMMUNITY ASSEMBLY VALIDATION (NGAYONG BUWAN).

Habang naghihintay ng pinal na anunsyo, pakisigurado lamang po na kumpleto at handa na ang inyong mga kinakailangang dokumento.

📋 MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO (REQUIREMENTS):

Pakidala at ihanda ang mga sumusunod na kaukulang dokumento ng bawat miyembro ng pamilya:
1. Birth Certificate ng bawat miyembro ng pamilya.
2. Marriage Contract / Certificate (para sa mga kasal na miyembro).
3. Death Certificate (para sa mga yumaong miyembro ng pamilya).
4. PhilSys ID at/o anuman patunay ng PhilSys Registration ng lahat ng miyembro ng pamilya (halimbawa: Resulta mula sa "BBM Serbiyo" / National ID Check applications o Transaction Slip).
5. School Attendance Certificate at/o Valid School ID / Form 138 para sa mga batang nasa edad na nag-aaral.
6. Health Attendance Certificate para sa mga buntis at/o mga miyembrong may edad 0–5 taong gulang.
7. Person with Disability (PWD) ID at/o Medical Certificate para sa mga miyembrong may kapansanan.

ℹ️ MGA MAHALAGANG PAALALA MULA SA DSWD:

1. Pinagmulan ng Listahan: Ang mga napiling pamilya ay mula sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pamamagitan ng Community-Based Monitoring System (CBMS) na dumaan sa masusing pagpili ayon sa pamantayan ng DEPDev at DSWD.

2. "No PhilSys, No Program Continuity": Kinakailangang rehistrado sa National ID / PhilSys ang lahat ng miyembro ng pamilyang ma-validate bago sumapit ang ika-31 ng Disyembre ng taong kasalukuyan. Ang hindi makakatupad dito ay maaaring matanggal sa programa.

3. Katanungan o Alalahanin: Para sa mga tanong, reklamo, o alalahanin kaugnay ng ipinaskil na listahan, maaari itong ihain sa mismong araw ng Community Assembly Validation.

# # # #

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:
04/09/2026

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:
04/09/2026

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:
04/09/2026

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:

📚 BREAKING: Ipatutupad ang alternative learning modes para sa mga paaralan sa Setyembre 4, 2026

Ipinatutupad ang Alternative Learning Modes (ALM) at learning continuity measures sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa NCR at 15 probinsya ngayong Biyernes, Setyembre 4, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 134.

📍 National Capital Region (NCR)
📍 Ilocos Norte
📍 Ilocos Sur
📍 La Union
📍 Pangasinan
📍 Abra
📍 Benguet
📍 Zambales
📍 Bataan
📍 Bulacan
📍 Tarlac
📍 Pampanga
📍 Cavite
📍 Laguna
📍 Batangas
📍 Occidental Mindoro

🌧️ Ipinatutupad ang hakbang dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng enhanced Southwest Monsoon ( ), gayundin sa poor air quality sa NCR dahil sa haze mula sa forest at peatland fires sa Kalimantan at Sumatra, Indonesia.

⚠️ MAHALAGANG PAALALA:
Ang alternative learning modes ang ipatutupad bilang learning continuity measure, maliban kung mag-utos ang Local Chief Executive (LCE) ng kanselasyon o suspensyon ng klase sa kanilang lugar.

Maaari ring magpatupad ng localized cancellation o suspension ng classes ang mga LCE sa ibang lugar depende sa sitwasyon.

📌 Patuloy na mag-abang sa mga opisyal na anunsyo ng inyong LGU at paaralan para sa mga lokal na update.

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:
04/09/2026

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:
04/09/2026

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:

04/09/2026

Morning reflections for today, September 4, 2026.

Address

155 P. Faustino Street (3S Punturin, The City Hall Annex), Barangay Punturin
Valenzuela
1447

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamahalaang Barangay ng Punturin - City Government of Valenzuela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pamahalaang Barangay ng Punturin - City Government of Valenzuela:

Shortcuts

Share