Tuloy ang Progreso - Barangay Gen. T. De Leon

Directions

Tuloy ang Progreso - Barangay Gen. T. De Leon This is the only and official page of Tuloy ang Progreso - Barangay Gen. T. De Leon

Happy Birthday Barangay Councilor Ellaine Basilonia Manalaysay! 🥳 Enjoy your day and we wish you all the best. From your...
26/10/2026

Happy Birthday Barangay Councilor Ellaine Basilonia Manalaysay! 🥳 Enjoy your day and we wish you all the best. From your Tuloy ang Progreso Family. ❤️💚💙

Happy Birthday aspirant SK Kagawad Jingky Desulat! 🥳Enjoy your day and we wish you all the best. From your Tuloy ang Pro...
01/10/2026

Happy Birthday aspirant SK Kagawad Jingky Desulat! 🥳Enjoy your day and we wish you all the best. From your Tuloy ang Progreso Family. ❤️💚💙

Happy Birthday SK Kagawad Jhaira Ramos! 🥳Enjoy your day and we wish you all the best. From your Tuloy ang Progreso Famil...
20/09/2026

Happy Birthday SK Kagawad Jhaira Ramos! 🥳Enjoy your day and we wish you all the best. From your Tuloy ang Progreso Family. ❤️💚💙

12/09/2026

Ngayong ay nakilala na natin sila kabataan ng Barangay Gen. T. De Leon. Ang kanilang mga credentials, hanay at sektor na pinagmulan at ang kanilang mga bitbit na mga panawagan para sa isang konsehong walang naiiwan– lahat ay kasama. ❤️💚💙

MULA SA HANAY NG MGA ATLETA NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA SA KABATAANAting kilalanin si aspirant...
11/09/2026

MULA SA HANAY NG MGA ATLETA NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA SA KABATAAN

Ating kilalanin si aspirant SK Chairman Andre Madamba mula sa Tuloy ang Progreso at One Gen. T. De Leon.

Siya ay kasalukuyang mag-aaral ng Far Eastern University (FEU) bilang Business Administration student. Naging bahagi rin ng Men’s Basketball Team ng Barangay Gen. T. De Leon sa katatapos lamang na Valenzuela Olympics, kung saan nakamit nila ang ikatlong puwesto. Si SK Chairman Andre Madamba rin ay Business Operations and management at bahagi ng Knights of Columbus council 10695 sa Parish of the Holy Cross.

Bukod rito, si SK Andre Madamba ay ang chairperson ng Tuloy ang Progreso Youth ng Barangay Gen. T. De Leon, Youth & Community Volunteer at ay malalim na pagmamahal at pagpapahalaga sa sektor ng isports.

Kaya naman isa sa kaniyang mga ipinaglalaban ay pagpapaigting at pagpapalakas pa ng suporta sa sektor ng isports at sa mga atleta. Masuportahan ang mga atleta ng ating barangay at sa mga paaralan ng mga kagamitan at espasyong kailangan nila upang makapag-ensayo at makapaglaro ang mga ito ng maayos.

Dahil naniniwala tayo na hindi sapat ang palakpak at pagbati lamang para sa ating mga atleta. Ang kailangan, tunay at tuloy-tuloy na suporta at pagpapahalaga para mga atleta ng ating barangay at sa mga paaralan. Dapat walang naiiwan, dapat may espasyo ang mga atleta ng bayan at lahat kasama.

Para sa iba pang detalye para mas lubos nating makilala si SK Chairman Andre Madamba, abangan lamang dito sa ating page. ❤️💚💙

MULA SA HANAY NG MGA WORKING STUDENT AT VOLUNTEER NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA SA KABATAANAting...
11/09/2026

MULA SA HANAY NG MGA WORKING STUDENT AT VOLUNTEER NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA SA KABATAAN

Ating kilalanin si aspirant SK Kagawad Jay Ann Jungco mula sa Tuloy ang Progreso at One Gen. T. De Leon.

Siya ay kasalukuyang mag-aaral ng Our Lady of Fatima University - Valenzuela Campus (OLFU), sa kursong Bachelor of Science in Nursing. Panandalian muna syang huminto ngayong semester upang magtrabaho para makatulong sa kanyang pag-aaral at makatulong sa kaniyang lola na kasama niya sa bahay. Isa siya at ang kaniyang organisasyon sa pinakaaktibo, progresibo at masipag na youth organization dito sa ating barangay. Isa siyang lider-kabataan (Presidente) na mula sa Abalos Bukid na bitbit ang kaniyang danas bilang isang working student. Kaya naman ang kaniyang panawagan at bitbit na plataporma ay para sa kaniyang mga kapuwa working students na mabigyan ito ng suporta, tulong at pansin.

Bukod rito, si SK Jayann Jungco ay kinilala ng Barangay Gen. T. De Leon noong 2023-2024 bilang Barangay Active Youth Leader para sa kaniyang kontribusyon at tulong na ginawa para sa pagpapanatili ng active youth participation sa kanilang lugar at pagsama at pagtulong nila taon-taon sa mga kabarangay nating napektuhan ng bagyo at nangangailangan ng tulong. Aktibo rin siyang volunteer sa ating komunidad kasama ang kaniyang officers sa Abalos Bukid Youth Organization.

Panahon na po para sa isang konsehong may representasyon at kasama ang working students at volunteers.

Para sa iba pang detalye para mas lubos nating makilala si Jayaan Jungco, abangan lamang dito sa ating page. ❤️💚💙

MULA SA HANAY NG MGA NARS NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA SA KABATAANAting kilalanin si aspirant S...
10/09/2026

MULA SA HANAY NG MGA NARS NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA SA KABATAAN

Ating kilalanin si aspirant SK Kagawad Eunisse Lavilla mula sa Tuloy ang Progreso at One Gen. T. De Leon.

Siya ay kasalukuyang mag-aaral ng Our Lady of Fatima University- Valenzuela (OLFU) sa kursong Bachelor of Science in Nursing. Isang anak at lider-estudyante na mula sa San Gregorio Street. Bilang Nars ng bayan sa hinaharap, bitbit niya ang panawagan para sa isang mas accessible na health care para sa kabataan. Kalusugan sa pisikal at kaisipan.

Bukod rito, si SK Eunisse Lavilla ay aktibong lider-estudyante sa kanilang paaralan at programa. Noong siya ay nasa senior high school ay nagkamit din sya ng karangalan sa St. Bernadette College of Valenzuela.

Panahon na para sa isang mas abot-kamay at mas aksesibol na health care para sa mga kabataan at sa ating komunidad.

Para sa iba pang detalye para mas lubos nating makilala si SK Eunisse Lavilla, abangan lamang dito sa ating page. ❤️💚💙

MULA SA HANAY NG MGA LIDER-KABATAAN AT TAGAPAGTANGGOL NG KALIKASAN NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA...
10/09/2026

MULA SA HANAY NG MGA LIDER-KABATAAN AT TAGAPAGTANGGOL NG KALIKASAN NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA SA KABATAAN

Ating kilalanin si aspirant SK Kagawad Elaiza Cabag mula sa Tuloy ang Progreso at One Gen. T. De Leon.

Siya ay kasalukuyang mag-aaral ng Our Lady of Lourdes - Valenzuela (OLLC) sa kursong Business Administration. Isang anak at lider-kabataan na mula sa Lower Tibagan na bitbit-bitbit mula sa araw-araw na danas nito sa kanilang lugar ang mga panawagang pangkalikasan. Nais niyang ipaglaban at bigyang pansin ang kahalagahan at pangangalaga sa ating kalikasan. Dahil ang kalikasan ay kayamanan at kaligtasan ng bawat isa at ng komunidad.

Bukod rito, si SK Elaiza Cabag ay kasulukuyang Kalihim ng kanilang Youth organization sa Lower Tibagan kung saan napakarami na nilang proyektong pangkabataan ang naisagawa. Siya rin ay aktibong lider-estudyante sa kanilang paaralan. Mahilig din siya sa Public Speaking, leadership trainings at community involvement.

Panahon na para sa isang konsehong binibigyang halaga at ipinaglalaban ang ating kalikasan.

Para sa iba pang detalye para mas lubos nating makilala si SK Elaiza Cabag, abangan lamang dito sa ating page. ❤️💚💙

MULA SA HANAY NG MGA TAU GAMMA AT FIRE & DISASTER VOLUNTEER NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA SA KAB...
10/09/2026

MULA SA HANAY NG MGA TAU GAMMA AT FIRE & DISASTER VOLUNTEER NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA SA KABATAAN

Ating kilalanin si aspirant SK Kagawad Gabriel “Gabo” Correa mula sa Tuloy ang Progreso at One Gen. T. De Leon.

Siya ay kasalukuyang mag-aaral ng Our Lady of Lourdes College - Valenzuela (OLLC), sa kursong Bachelor of Science in Criminology. Kasabay ng kaniyang pag-aaral ay ang pagtatrabaho sa Barangay Command and Control Center, kung saan naging saksi sya at bahagi sa pagtulong sa mga gulo, ingay at panganib na nangyayari sa ating lugar. Tuwing may sunog naman, kasama natin palagi si SK Kagawad Gabo Correa sa pag-apula ng sunog at pagtulong sa mga nasunugan bilang siya ay isa ring Fire Volunteer ng ating komunidad.

Bukod rito, si SK Kagawad Gabo Correa ay kasulukuyang miyembro ng Tau Gamma Phi - De Gula Chapter at miyembro din ng Knights of Columbus council 10695. Sa paaralan din ng Gen. T. De Leon siya nagtapos ng sekondarya at elementarya. Ang kaniyang ama ay dati na ring naglingkod sa ating barangay bilang isa ring SK Kagawad sa panahon ni kasalukuyang Kagawad Moises Beltran bilang SK Chairman noon.

Panahon na para magkaroon ang konseho ng tunay na representasyon na mula mismo sa mga kultural na organisasyon at tunay na mula sa hanay ng mga volunteer na isa sa mga danas ang araw-araw na pangangailangan ng sektor ng kabataan.

Para sa iba pang detalye para mas lubos nating makilala si SK Gabo Correa, abangan lamang dito sa ating page. ❤️💚💙

MULA SA HANAY NG MGA G**O AT BEKI NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA SA KABATAANAting kilalanin si as...
09/09/2026

MULA SA HANAY NG MGA G**O AT BEKI NG BAYAN, PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PANINILBIHAN PARA SA KABATAAN

Ating kilalanin si aspirant SK Kagawad Jewell Almerino mula sa Tuloy ang Progreso at One Gen. T. De Leon.

Siya ay kasalukuyang gurong mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV). Isang bakla na bitbit ang ilang taon ng panawagan at pinaglalaban ng komunidad. Inklusibong edukasyon at Pantay na karapatan.

Bukod rito, si SK Jewell Almerino ay kasulukuyang Presidente ng Katipunan ng mga Progresibong Kabaatan ng ating barangay at nagtapos rin noong Senior High School bilang batch Salutatorian sa New Prodon Academy of Valenzuela (NPAV). Sa Gen. T. De Leon din siya nagtapos ng sekondarya at elementarya kung saan siya ay nagkamit ng mga karangalan at naging lider-estudyante sa iba’t ibang organisasyon sa kanilang paaralan. Panahon na para sa isang inklusibo at pantay na komunidad.

Para sa iba pang detalye para mas lubos nating makilala si SK Jewell Almerino, abangan lamang dito sa ating page. ❤️💚💙

Address

Gen. T. De Leon
Valenzuela
1442

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tuloy ang Progreso - Barangay Gen. T. De Leon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services