Kapitan Garcing Victoriano

Kapitan Garcing Victoriano The Official page of Barangay Bignay Kapitan Garcing Victoriano

UPDATE: Nakuha na po ng may-ari mula sa Blk 2 Bldg 12 Unit 203 ang a*o na ito na nagngangalang si Zion.---Mga kabarangay...
03/09/2026

UPDATE: Nakuha na po ng may-ari mula sa Blk 2 Bldg 12 Unit 203 ang a*o na ito na nagngangalang si Zion.

---

Mga kabarangay! May isa pa pong a*o ang dinala po ngayon sa ating tanggapan. Kung sino din po ang may-ari nito ay magtungo lamang po sa 3s Bignay dala ang katunayan na kayo ang may-ari sa a*o. Salamat po!

UPDATE: Nakuha na po ng may-ari na si Sir Freddie Camposano mula sa Blk. 11 Bldg. 4 Unit 307 Disiplina Village Bignay.--...
03/09/2026

UPDATE: Nakuha na po ng may-ari na si Sir Freddie Camposano mula sa Blk. 11 Bldg. 4 Unit 307 Disiplina Village Bignay.

---

Mga kabarangay! May A*O pong nawawala at nakita po sa Disiplina Village Bignay. Kung sino po ang may ari nito ay puntahan lang po dito sa 3s Bignay at magdala po ng katibayan na kayo po ang may-ari.

Maraming salamat po!

Barangay Bignay | August 31, 2026 | MondayHOA VOLUNTEER TANOD MONTHLY MEETING (August 2026lAng pagsasagawa sa monthly mo...
02/09/2026

Barangay Bignay | August 31, 2026 | Monday

HOA VOLUNTEER TANOD MONTHLY MEETING (August 2026l

Ang pagsasagawa sa monthly monitoring para sa ating mga HOA Volunteer Tanod mula sa Amabelle Homes Phase 2, Denilla Ville, Disiplina Village Cluster 13, Northville 1 and Northville 2. Kasama ang ating minamahal na Former Kapitana Me-Ann Victoriano.

Ito ay ang monthly monitoring sa mga volunteer tanod para sa Buwan ng Agosto. Sila na kumakatawan para sa Peace and Order mula sa kanilang mga sitio at ang paglalaan ng oras tuwing gabi para sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa ating Barangay Bignay.

Barangay Bignay | September 1, 2026 | TuesdayNgayong nagsimula na ang BER Months ay kasabay nito ang pagsasagawa din ng ...
01/09/2026

Barangay Bignay | September 1, 2026 | Tuesday

Ngayong nagsimula na ang BER Months ay kasabay nito ang pagsasagawa din ng pagpupulong para sa mga Barangay Staff ng ating tanggapan. Atin itong pinangunahan kasama ang ating butihing Former Kapitana Me-Ann Victoriano, Barangay Secretary Rico De Jesus, Barangay Treasurer Analie Delos Santos at ang aming Chief of Staff na si Ms. Sheng Maligaya.

Layunin nito na mapag-usapan ang mga suliranin at suhestiyon ng bawat isa upang maisagawa ng mas maayos ang mga gampanin sa loob at labas ng tanggapan. Ang mga panukalang napagkasunduan para din sa patuloy na paghahatid ng garantisadong serbisyo para ating mga kabarangay.

Patuloy muling nagbabahagi ang ating Sangguniang Barangay Bignay ng wheelchairs, walkers, quadcane, cane, pads at diaper...
01/09/2026

Patuloy muling nagbabahagi ang ating Sangguniang Barangay Bignay ng wheelchairs, walkers, quadcane, cane, pads at diapers para sa ating ibang mga kabarangay na bedridden, PWD, at Senior Citizens na nangangailangan ng mga kagamitan na ito na pangsuporta sa kanilang pang araw-araw.

Nawa po ay makatulong po sa inyo ang mga kagamitang ito na mapaginhawa at mapagaan ang inyong karamdaman. Hangad po namin ang patuloy na pagbuti ng inyong kalusugan.

Barangay Bignay | August 31, 2026 | MondayAng pagpupulong kasama ang mga Barangay Health Workers (BHW), Materials Recove...
01/09/2026

Barangay Bignay | August 31, 2026 | Monday

Ang pagpupulong kasama ang mga Barangay Health Workers (BHW), Materials Recovery Facility (MRF), Tent Assistants, Traffic Enforcers, Animal Control Unit at ang HAPAG Members. ng ating barangay kasama ang ating butihing Kapitana Me-Ann Victoriano at ang aming Chief of Staff na si Ms. Sheng Maligaya.

01/09/2026

PABATID SA PUBLIKO

Ang mga sumusunod na Valenzuela City Hall hotline ay pansamantalang hindi gumagana dahil sa technical issue:

8352-1000
8352-3000
8352-4000

Kasalukuyan pong isinasagawa ang restorasyon. Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang dulot nito habang sinisikap naming maghatid ng mas mabuting serbisyo para sa bawat Valenzuelano.

Ating ipinagdiriwang ngayong araw ang mga magigiting nating mga bayani sa ating lupang sinilangan mula sa makasaysayan n...
30/08/2026

Ating ipinagdiriwang ngayong araw ang mga magigiting nating mga bayani sa ating lupang sinilangan mula sa makasaysayan nilang pagtatanggol laban sa mga dayuhan gamit ang katalinuhan at katapangan upang makamit ang kalayaan ng bansang Pilipinas.

Ngayon, nananatili parin ang pagiging bayani sa modernong panahon mula sa mga taong nagsisikap, nagmamahal at lumalaban ng patas sa buhay para sa pamilya, para sa kapwa at para sa bayan.

Kabayanihan kung saan nanatiling piliin ang kabutihan para sa lahat at magpapatuloy pa hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Mga kabarangay! Palagi nating isapuso ang sakripisyo ng mga bayaning lumaban mula sa kasaysayan at patuloy na lumalaban hanggang kasalukuyan. Patuloy na lalaban ng may puso at paninindigan para sa ating bayan.

30/08/2026

Address

Bignay
Valenzuela
1447

Telephone

+639155048520

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapitan Garcing Victoriano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kapitan Garcing Victoriano:

Shortcuts

Share

Category