25/09/2026
Update kaugnay sa Online Threat sa Polo NHS
Maraming salamat sa patuloy na pag-imbestiga, PNP VALENZUELA CITY POLICE STATION! ๐ซก
UPDATE: Online Threat sa Polo National High School, Na-trace sa Kapwa Menor de Edad
Patuloy ang ginagawang pag-iingat at pagproseso ng Valenzuela City Police Station (VCPS) kaugnay ng viral online threat na kinasasangkutan ng mga menor de edad mula sa Polo National High School.
Batay sa isinagawang follow-up investigation at koordinasyon ng mga awtoridad, natukoy ang isang menor de edad na umanoโy nasa likod ng pagpapadala ng naturang mensahe ng pagbabanta sa pamamagitan ng Messenger. Sa isinagawang pag-uusap at kaukulang proseso, umamin umano ang naturang menor-de-edad sa pagpapadala ng mensahe ng pagbabanta.
Dahil parehong menor de edad ang mga sangkot, patuloy na isinasagawa ng Valenzuela police sa pamamahala ni PCOL Joseph G Talento, Chief of Police, ang mga hakbang na naaayon sa child protection protocols at sa umiiral na mga batas at alituntunin sa pangangalaga sa mga bata.
Ang naturang menor de edad ay isasailalim sa counselling at iba pang kaukulang intervention at assessment sa City Child Protection Center, alinsunod sa nararapat na proseso para sa mga batang nasasangkot sa ganitong insidente.
Samantala, patuloy ang koordinasyon ng VCPS at Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa school authorities, City Child Protection Center, at iba pang concerned agencies upang matiyak ang kapakanan ng mga batang sangkot at mapanatili ang seguridad sa paaralan.
Muling binibigyang-diin ng Valenzuela City Police Station na seryosong tinutugunan ang bawat ulat ng banta, online man o personal, lalo na kung may kinalaman sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Hinihikayat ang lahat na maging maingat sa paggamit ng social media at messaging platforms. Ang pagpapadala ng banta, kahit ito ay ginawa online o sinasabing biro lamang, ay maaaring magdulot ng takot at pangamba at maaari ring magkaroon ng kaukulang legal at intervention process.
Patuloy ang Valenzuela City Police Station at Pamahalaang Lungsod sa pakikipagtulungan sa mga paaralan, magulang, at iba pang stakeholders upang mapanatiling ligtas ang mga paaralan at maprotektahan ang kapakanan ng ating mga kabataan.
๐Beng Samson