Kabataang Arko

Kabataang Arko Lumalaban para sa kabataan, naglilingkod para sa bayan.✊🏻

19/07/2026

Amazing Risk 2026 🚣πŸ’ͺ🏻

Isang pagpupugay sa ating mga kinatawan ng Arkong Bato na buong tapang na hinarap ang Amazing Risk, kung saan kanilang nilampasan ang Obstacle Challenge at Paddle Boat Challenge.

Ipinakita ninyo ang tibay, disiplina, at tunay na diwa ng bayanihan. Anuman ang naging resulta, panalo ang bawat isa sa ipinakitang dedikasyon at determinasyon.

Congratulations, Team Arkong Bato! πŸ’™πŸ‘πŸ»

πŸŽ₯: Caryl

IN PHOTOS: Amazing Risk Challenge 2026 | Day 1 β›‘οΈπŸ¦ΊNgayong araw, opisyal na sinimulan ang Amazing Risk Challenge 2026 kas...
18/07/2026

IN PHOTOS: Amazing Risk Challenge 2026 | Day 1 β›‘οΈπŸ¦Ί

Ngayong araw, opisyal na sinimulan ang Amazing Risk Challenge 2026 kasama ang mga Kabataang Arko.

Sa unang araw ng kompetisyon, ipinakita ng Brgy. Arkong Bato ang kanilang determinasyon, disiplina, at tunay na diwa ng pagtutulungan sa bawat hamon. πŸ’ͺ

Maraming salamat sa ating mga kalahok na buong pusong lumaban at nagbigay ng kanilang makakaya. Ipinagmamalaki namin ang inyong dedikasyon, tapang, at sportsmanship. Congratulations, Team Arkong Bato! πŸ’›

Maraming salamat din sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa ating koponan.

πŸ“… Abangan ang Day 2 ng Amazing Risk Challenge sa susunod na linggo, July 25. Kita-kits at suportahan nating muli ang ating koponan! ✊🏻

πŸ“Έ: Rainne Manalo



Mayroon na tayong Week 1 Tumbler Tuesday Winner! πŸŽ‰Isang malaking pagbati kay Red Santiago sa pagkapanalo ng ating reusab...
18/07/2026

Mayroon na tayong Week 1 Tumbler Tuesday Winner! πŸŽ‰

Isang malaking pagbati kay Red Santiago sa pagkapanalo ng ating reusable tumbler!

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating Plastic-Free July campaign. Sa simpleng pagdadala ng reusable tumbler, sama-sama nating nababawasan ang paggamit ng single-use plastic at nakakatulong sa pangangalaga ng ating kalikasan. πŸ’š

Kung hindi man ikaw ang napili ngayong linggo, huwag mawalan ng pag-asa! May pagkakataon ka pang manalo sa susunod na Tumbler Tuesday. πŸŒβ™»οΈ

Sama-sama nating gawing mas malinis at mas luntian ang Arkong Batoβ€”isang reusable tumbler sa bawat pagkakataon.πŸ’™πŸŒ±

Layout | Caryl

🌱 TUMBLER TUESDAY | Join the Global Movement this Plastic-Free July! πŸ₯€β™»οΈHello, Arkonians!πŸ‘‹πŸ»Ngayong Plastic-Free July, sa...
13/07/2026

🌱 TUMBLER TUESDAY | Join the Global Movement this Plastic-Free July! πŸ₯€β™»οΈ

Hello, Arkonians!πŸ‘‹πŸ»

Ngayong Plastic-Free July, samahan ninyo ang Kabataang Arko sa ating Tumbler Tuesday!πŸŒπŸ’š

Sa halip na gumamit ng single-use plastic bottles at disposable cups, magdala ng sarili ninyong reusable tumbler. Isang simpleng hakbang na may malaking ambag para sa mas malinis at mas sustainable na Brgy. Arkong Bato,.

πŸ“Έ CHALLENGE OF THE WEEK: Join the Global Movement!

1️⃣ Bring Your Reusable Tumbler
Pumili ng reusable tumbler sa halip na single-use plastic bottles o disposable cups. Isang simpleng hakbang para mabawasan ang plastic waste at makatulong sa kalikasan.

2️⃣ Take a Photo
Kuhanan ng larawan ang inyong sarili habang hawak o ginagamit ang inyong reusable tumblerβ€”maaaring nasa paaralan, trabaho, habang bumibiyahe, o kahit saan man kayo naroroon.

3️⃣ Share Your Entry
I-comment ang inyong larawan sa post na ito at ilagay ang hashtag upang maging official ang inyong entry.

4️⃣ Win a Tumbler Every Tuesday!πŸ†
Magkakaroon ng isang (1) mananalo kada Tuesday ng July. Ang cut-off ng photo entries ay tuwing Tuesday, 11:59 PM. Ang larawang may pinakamaraming reactions hanggang Saturday ng 2:59 PM ang mananalo ng FREE reusable tumbler, at iaanunsyo ang winner tuwing Saturday, 3:00 PM sa official page ng Kabataang Arko.

Hindi kailangang malaki ang hakbang para makagawa ng pagbabago. Minsan, nagsisimula ito sa simpleng pagpili na gumamit ng reusable.

Isang refill. Isang less plastic. Isang hakbang tungo sa mas sustainable na Arkong Bato.πŸŒ±πŸ’š

Layout | Caryl & Rainne

POV: Nag-alarm na ulit. 😭⏰Monday na naman.Yung weekend, parang 5 minutes lang. Hindi natin mapipigilan ang pagdating ng ...
13/07/2026

POV: Nag-alarm na ulit. 😭⏰

Monday na naman.
Yung weekend, parang 5 minutes lang.

Hindi natin mapipigilan ang pagdating ng Monday, pero pwede nating piliin kung paano natin sisimulan ang linggo.

πŸ“š Sa mga papasok sa school...
πŸ’Ό Sa mga papasok sa trabaho...
πŸ’™ At sa bawat Kabataang Arko...

Isang hakbang lang muna. Unti-unti, makakarating din.

Kaya laban lang, Kabataang Arko! β€οΈπŸ’™

Layout | Caryl

12/07/2026

🌧️ Rain Check, Kabataan!

Status ngayong tag-ulan:
❌ Walang ka-chat.
❌ Wala ring ka-holding hands.
βœ… Pero may payong! πŸ˜Žβ˜”

Kung wala pang magpapayong sa'yo, kami na lang ang magpapaalala. πŸ˜†

Mga Kabataang Arko, huwag hayaang sipon, ubo, o lagnat ang maging "love story" ninyo ngayong tag-ulan. Magdala ng payong, iwasan ang pagbabad sa baha, at mag-ingat sa madudulas na daan.

Stay dry, stay healthy, at stay safe! β˜”

πŸ“£ Arkonians, naririnig namin kayo! πŸ™ŒπŸ»Marami kaming natanggap na comments at mensahe mula sa inyo kung paano pa natin map...
11/07/2026

πŸ“£ Arkonians, naririnig namin kayo! πŸ™ŒπŸ»

Marami kaming natanggap na comments at mensahe mula sa inyo kung paano pa natin mapapabuti ang ating mahal na Brgy. Arkong Bato,.

Masaya kami dahil hindi lang mga kabataan ang nakibahagi, kundi pati mga magulang at iba pang residente. Nakatanggap din tayo ng mga suhestiyon mula sa iba't ibang street, kabilang ang mga mas malalayong bahagi ng Arkong Bato.

Patunay ito na mas marami nang bumoboses, nakikialam, at nagmamalasakit sa ating barangayβ€”lalo na ang ating mga kabataan. Para sa amin, malaking hakbang na ang bawat opinyon at ideyang ibinabahagi ninyo. πŸ—£οΈ

Makakaasa kayo na pakunti-kunti, sisikapin naming maisakatuparan ang ilan sa mga ibinahagi ninyo para sa ating mga kabataan at sa buong komunidad. Sa tulong ng mga youth volunteers ng Arko, iba't ibang NGOs at organisasyon sa ating barangay, at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa ating barangay.

Patuloy lamang po kayong magbahagi ng inyong mga ideya at suhestiyon. Binabasa at itinatala namin ang bawat komento at mensahe.

Maraming salamat sa pagtitiwala at pakikibahagi. Kayo ang magsabi, kami ang makikinig.✊🏻



Kabataang Arko, Boses Mo ang Mahalaga!✊🏻Ano ang gusto mong makita sa ating komunidad? Mga programa? Mga aktibidad? Mga p...
10/07/2026

Kabataang Arko, Boses Mo ang Mahalaga!✊🏻

Ano ang gusto mong makita sa ating komunidad?

Mga programa?
Mga aktibidad?
Mga pagbabago?

I-comment ang iyong mga ideya!πŸ‘‡πŸ»

Bawat opinyon ay mahalaga. Baka ang ideya mo ang susunod na magbigay ng positibong pagbabago sa ating komunidad.✨

Layout | Rainne

Address

Arkong Bato
Valenzuela
1444

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataang Arko posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category