07/09/2021
Simula po ng pasukan September 13, 2021.
Paalala po sa mga magulang para sa darating na pasukan.😊🥰
1. Ihanda po ang ating mga anak sa nalalapit na pasukan. Sabihin po sa kanila na simula na muli ang klase. Modular learning pa rin po tayo. Di pa po pwede ang face to face.
2. Kahit hindi po tayo face to face, dapat regular din po ang gising at sa tamang oras magsasagot ng modules. Sundan po ang Home Study Schedule na ibibigay po sa mga anak natin.
3. Igawa po sila ng lugar aralan, hindi kung saan-saan lang. Dapat po ay maayos/malinis/maliwanag , may mga kagamitan (ballpen, papel,atbp.) at may sariling mesa at silya.
4. Lagi pong ilagay ang scheduled time sa lugar na madaling makikita para po guided ang bata at magulang. Kailangan din po ng bata ang recess/break time.
5. Sa pagsagot po ng modules, hayaan po natin ang ating mga anak ang sasagot, hindi po si mommy, daddy, ate , Kuya o tutor. Mahalaga po ito upang kahit paano ay may matutunan sila. Tandaan din po ninyo na alam ni teacher ang gawa ng bata.
6. Isulat/Gawin ang modules/activity sheets sa takdang araw upang hindi po matambakan ng gawain.
7. I-follow ang page ng Manlacbo Elementary School at i-add friend ang fb account ng Manlacbo IS upang maging updated sa mga impormasyon at aktibidad ng paaralan.
8. Ang mga pagkakamali noong nakaraang taon ay huwag na pong ulitin. Tandaan, kayo po ay katuwang ng PAARALAN para sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nasa pagtutulungan ang ikakapagtagumpay ng mga mag-aaral.
Para sa Bata, para sa bayan!
-2022