DAR Pangasinan

DAR Pangasinan The Official page of the Department of Agrarian Reform Pangasinan Provincial Office.

D A R M a n d a t e:

The Department of Agrarian Reform (DAR) leads the implementation of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) through land tenure improvement, agrarian justice, and coordinated delivery of essential support services to client-beneficiaries. D A R M i s s i o n

"To lead in the implementation of agrarian reform and sustainable rural development in the countryside throug

h land tenure improvement and provision of integrated development services to landless farmers, farmworkers and small landowner-cultivators, and the delivery of agrarian justice". C A R P V i s i o n

"A nation where there is equitable land ownership and empowered agrarian reform beneficiaries who are effectively managing their economic and social development for a better quality of life".

Mula sa pagsasaka, dagdag-kabuhayan naman sa pag-aalaga ng isda!Nasa 140 na kalahok mula sa 14 Agrarian Reform Beneficia...
04/09/2026

Mula sa pagsasaka, dagdag-kabuhayan naman sa pag-aalaga ng isda!

Nasa 140 na kalahok mula sa 14 Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs) ang naturuan ng wastong pag-aalaga ng tilapia at makabagong aquaculture technologies sa isinagawang Tilapia Culture Technology Lecture and Distribution of Fish Seedstocks ngayong araw sa Agricultural Training Institute-Regional Training Center (ATI-RTC).

Pinangunahan nina PARPO II Charlotte F. Lasmarias, PARPO I Reymond Niño R. Yu, at CARPO Lorenza G. Sevilla ang aktibidad, katuwang ang BFAR Provincial Office sa pamumuno ni Center Chief Antonieta D. Evangelista at ATI-RTC Sta. Barbara Center Assistant Director Dr. Grace Ventura.

Bukod sa bagong kaalaman, nakatanggap din ang mga ARBOs ng fish seedstocks na maaari nilang simulan alagaan at gawing dagdag na pagkakakitaan. /JMSA (📷: Bon Salazar, Jr., Graphic Artist)

Pagbati para sa ating mga kapatid sa serbisyo publiko! Taos-pusong binabati ng Department of Agrarian Reform (DAR) Panga...
04/09/2026

Pagbati para sa ating mga kapatid sa serbisyo publiko!

Taos-pusong binabati ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan sina Director III Atty. Auramil Anne E. Morales at PARPO II Engr. Nestor T. Pagaduan sa kanilang pagkakapromote sa posisyon.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang bagong tungkuling ito upang higit pang maitaguyod ang mahusay, tapat, at makabuluhang serbisyo para sa ating mga magsasaka at Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Mabuhay at congratulations, Director III Morales at PARPO II Pagaduan!

MGA LARAWAN: Isinagawa ng mga kawani ng DAR Pangasinan, sa pangunguna nina PARPO II Charlotte F. Lasmarias at PARPO I Re...
02/09/2026

MGA LARAWAN: Isinagawa ng mga kawani ng DAR Pangasinan, sa pangunguna nina PARPO II Charlotte F. Lasmarias at PARPO I Reymond Niño R. Yu, ang pagbisita at pag-inspeksyon sa mga natapos na Farm-to-Market Road (FMR) Projects sa ilang barangay ng Asingan at Sta. Maria, Pangasinan.

Layunin ng inspeksyon na matiyak ang kalidad at tibay ng mga proyekto na magbibigay ng mas maayos at ligtas na daanan para sa transportasyon ng mga produkto ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), at sa gayon ay makatulong sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan at kabuuang pag-unlad ng kanilang mga pamayanan. /jmsa (Kuha ni: Bon Salazar, Jr.)

ABISO MULA SA DAR PANGASINANIpinababatid ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan na muling ipatutupad ang Alte...
31/08/2026

ABISO MULA SA DAR PANGASINAN

Ipinababatid ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan na muling ipatutupad ang Alternative Work Arrangements (AWA) bukas, Martes, Setyembre 1, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 133, s. 2026.

Patuloy na tatanggapin at aayusin ang mga transaksyon alinsunod sa ipinatutupad na work arrangements. Ang mga transaksyong hindi maisasagawa sa nasabing araw ay ipagpapatuloy sa susunod na regular na araw ng trabaho.

Para sa mga katanungan at concerns, maaaring makipag-ugnayan sa DAR Pangasinan sa:

📱 Globe: 0917 844 6373
📱 Smart: 0998 556 6963

Hinihikayat ang publiko na manatiling nakatutok sa official page ng DAR Pangasinan para sa iba pang anunsyo at updates.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

31/08/2026
MAS MAAYOS NA TANGGAPAN, MAS MAHUSAY NA SERBISYO!Nagsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan ng 5S Acti...
27/08/2026

MAS MAAYOS NA TANGGAPAN, MAS MAHUSAY NA SERBISYO!

Nagsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan ng 5S Activity noong Agosto 24, 2026 sa DARPO Pangasinan, Urdaneta City, bilang bahagi ng pagsusulong ng kalinisan, kaayusan, disiplina, at pagiging produktibo sa lugar ng trabaho.

Sa pamamagitan ng Sort, Set in Order, Shine, Standardize, at Sustain, sama-samang isinusulong ng mga kawani ang isang malinis, maayos, ligtas, at produktibong tanggapan para sa mas mahusay na paghahatid ng serbisyo sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) at kliyente.

BASAHIN ang karagdagang ulat: https://www.dar.gov.ph/region-i-news-pangasinan/25811



Limang maikling pelikula mula sa apat na paaralan sa Pangasinan ang sumabak sa Regional Screening and Judging ng Pelikul...
26/08/2026

Limang maikling pelikula mula sa apat na paaralan sa Pangasinan ang sumabak sa Regional Screening and Judging ng PelikulAgraryo 2026 sa Laoag City, Ilocos Norte noong Agosto 19–21, 2026. Tatlo ang kabilang sa Agrarian Reform Beneficiary (ARB) Category at dalawa sa Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) Category.

Pinangunahan ng mga hurado na sina Director Zig Dulay, Director Edsel Harry Turda, at Assistant Secretary James Arsenio Ponce, CESO III, ang pagsusuri at paghusga sa mga pelikula.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) Region I, gayundin ng Regional at Provincial Strategic Communications (StratComms) teams ng Region I. Kabilang sa StratComms Team ng Pangasinan sina Designated Provincial Information Officer (PIO) Leo Wishly C. Sapunto, Media Writer Joanna Marie S. Altesing, at Graphic Artist Bonifacio Salazar Jr.

Pararangalan ang mga nagwaging pelikula sa nalalapit na PelikulAgraryo Regional Gala, at ang mga mapipiling pelikula naman ang kakatawan sa Region I sa PelikulAgraryo DAR Central and Regional Film Festival 2026.

Basahin ang karagdagang ulat: https://www.dar.gov.ph/region-i-news-pangasinan/25810





26/08/2026

Tampok ang husay ng mga mag-aaral na manlilikha at mga kwentong tagumpay ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) at ARB organizations (ARBOs) sa isinagawang PelikulAgraryo 2026 Screening and Judging ng DAR Ilocos Region, kung saan 14 na maikling pelikula– 5 sa ARBO category at 9 sa ARB category– ang napanood at tinasa ng tatlong hurado noong Agosto 19-21 sa Laoag City, Ilocos Norte.

26/08/2026
Ang DAR Pangasinan ay muling magpapatupad ng Alternative Work Arrangements (AWA) bukas, Huwebes, Agosto 20, 2026, alinsu...
19/08/2026

Ang DAR Pangasinan ay muling magpapatupad ng Alternative Work Arrangements (AWA) bukas, Huwebes, Agosto 20, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 131, s. 2026.

Ang mga transaksyon sa tanggapan ay ipagpapatuloy alinsunod sa ipatutupad na work arrangements. Ang mga transaksyong hindi maisasagawa sa nasabing araw ay ipagpapatuloy sa susunod na regular na araw ng trabaho.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo ng DAR Pangasinan para sa napapanahong impormasyon at mga karagdagang abiso.

Para sa mga katanungan at iba pang concerns, maaaring makipag-ugnayan sa DAR Pangasinan Office sa mga sumusunod na numero:
Globe: 0917 844 6373
Smart: 0998 556 6963

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Address

Urdaneta

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63756560187

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DAR Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DAR Pangasinan:

Shortcuts

Share