Kap Lakay Danny Ildefonso Page

Kap Lakay Danny Ildefonso Page Brgy. Captain of Barangay Cabuloan Urdaneta City

PAANYAYAInaanyayahan ang lahat ng Miyembro at Opisyal ng Livelihood Program na Hito Fish Producers upang dumalo sa gagan...
03/06/2026

PAANYAYA

Inaanyayahan ang lahat ng Miyembro at Opisyal ng Livelihood Program na Hito Fish Producers upang dumalo sa gaganaping pagpupulong upang talakayin ang mahahalagang usapin, mga nakatakdang gawain, para sa ikauunlad ng ating samahan.

πŸ“… Petsa: Hunyo 05, 2026
πŸ•“ Oras: Alas-4 ng Hapon
πŸ“ Lugar: Cabuloan Barangay Hall

Ang inyong pagdalo at pakikilahok ay mahalaga upang matiyak ang tagumpay ng ating mga programang pangkabuhayan.

Maraming salamat at inaasahan ang inyong pakikiisa!

Mga ka-barangay muli magkakaroon po ng Power Interruption sa Sabado, ika - 06 ng Hunyo 2026. Mula alas 5 ng umaga hangga...
03/06/2026

Mga ka-barangay muli magkakaroon po ng Power Interruption sa Sabado, ika - 06 ng Hunyo 2026.
Mula alas 5 ng umaga hanggang alas 2 ng hapon.

Tayo po ay magcharge na ng mga gamit, ilaw, cellphone at iba pang rechargeables bilang paghahanda.

Maraming Salamat po. πŸ™πŸ»

NOTICE OF SCHEDULED POWER INTERRUPTION BY THE NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES (NGCP)

DATE: June 6, 2026 (Saturday)
TIME: 05:00AM - 02:00PM

PURPOSE: To facilitate the tapping of Umingan line to Nagsaaag-Tumana 69kV transmission line simultaneous with corrective works at Nagsaag substation and maintenance works along Nagsaag-Umingan 69kV transmission line.

AFFECTED AREAS:
URDANETA CITY - Brgys. Bactad East, Bayaoas, Bolaoen, Cabuloan, Camanang, Casantaan, Consolacion, Dilan-Paurido, Macalong, Nancayasan, Nancalobasaan (Riverside), Palina East, Palina West, PT Orata, part of Poblacion (Ambrosio St., Alonzo St., part of Aruego St., Aguinaldo St., Caviganan St., Consejo St., Magic Mall, Urdaneta City Cultural and Sports Complex) Sta. Lucia, Sto. Domingo and Tipuso
ASINGAN - Brgys. Ariston East, Ariston West, Baro, Bantog, Cabalitian, Calepaan (Riverside), Carosucan Norte, Carosucan Sur, Domanpot, Dupac, Macalong, Poblacion East, Poblacion West, Sanchez, San Vicente East and San Vicente West
BALUNGAO - Entire Municipality
NATIVIDAD - Entire Municipality
ROSALES - Entire Municipality
SAN MANUEL - Brgys. San Juan and San Vicente (Sitio An-Anonas, Bato and Pao)
SAN NICOLAS - Entire Municipality
SAN QUINTIN - Entire Municipality
STA. MARIA - Entire Municipality
SANTO TOMAS - Entire Municipality
TAYUG - Entire Municipality
UMINGAN - Entire Municipality
VILLASIS - Entire Municipality except Brgy. La Paz

NGCP may energize the lines earlier than or as scheduled, so please consider all lines and equipment energized at all times for safety precaution. We sincerely apologize for any inconvenience brought by the said power interruption

πŸ“£ A*O MO, TALI MOMay nahuli po ulit na a*o kahapon sa ating Barangay Kung kayo ang may-ari nito o may kakilala kayong na...
02/06/2026

πŸ“£ A*O MO, TALI MO

May nahuli po ulit na a*o kahapon sa ating Barangay

Kung kayo ang may-ari nito o may kakilala kayong nagmamay-ari, maaari po itong i-claim sa ating Barangay Hall.

Maraming Salamat. πŸ™πŸ»

mga ka-barangay na miyembro ng Kalipi, bukas na po ito. Kayo po ay makilahok para sa gaganaping Eleksiyon.
01/06/2026

mga ka-barangay na miyembro ng Kalipi, bukas na po ito.

Kayo po ay makilahok para sa gaganaping Eleksiyon.

Magandang araw po!
Inaanyayahan po ang lahat ng miyembro ng KALIPI na makiisa at makilahok sa gaganaping:
KALIPI ELECTION 2026
πŸ“ Barangay Hall
πŸ“… June 02, 2026
πŸ•œ 1:30 PM

Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang makapili ng mga magiging pinuno na maglilingkod para sa kapakanan ng samahan.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdalo.

Bago pa man ang opisyal na pagsisimula ng Brigada Eskwela 2026, noong Mayo 30, 2026 ay agad nang nagpaabot ng suporta at...
01/06/2026

Bago pa man ang opisyal na pagsisimula ng Brigada Eskwela 2026, noong Mayo 30, 2026 ay agad nang nagpaabot ng suporta at pakikiisa ang Pamahalaang Barangay sa paghahanda ng ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at boluntaryong pagtutulungan, nagsimula nang makibahagi ang mga opisyal at mga katuwang ng barangay sa iba't ibang gawaing naglalayong mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng kapaligiran ng paaralan.

Ang maagang pakikilahok na ito ay patunay ng ating matibay na diwa ng bayanihan at malasakit sa edukasyon ng ating mga kabataan. Sa pagkakaisa ng paaralan, barangay, at komunidad, masisiguro nating magiging handa at maayos ang pagbabalik-eskwela ng bawat mag-aaral.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng naglaan ng oras, lakas, at suporta.

Patuloy nating isabuhay ang pagtutulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan.

πŸ“£ A*O MO, TALI MOMay nahuli pong a*o kagabi ang ating mga CVO. Kung kayo ang may-ari nito o may kakilala kayong may-ari,...
01/06/2026

πŸ“£ A*O MO, TALI MO

May nahuli pong a*o kagabi ang ating mga CVO. Kung kayo ang may-ari nito o may kakilala kayong may-ari, maaari po itong i-claim sa ating Barangay Hall.

Maraming Salamat. πŸ™πŸ»

Maligayang Kaarawan sa Ating mga Senior Citizens na May Birthday Celebrators para sa Buwan ng Mayo! πŸŽ‚πŸŽ‰Sa pagtatapos ng b...
01/06/2026

Maligayang Kaarawan sa Ating mga Senior Citizens na May Birthday Celebrators para sa Buwan ng Mayo! πŸŽ‚πŸŽ‰

Sa pagtatapos ng buwan ng Mayo, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pagbati sa lahat ng ating mga mahal na Senior Citizens na nagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan 2nd half ng Mayo.

Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, kapayapaan ng isip, at masaganang pagpapala. Maraming salamat sa inyong mga karanasan, karunungan, at walang sawang paggabay na nagsisilbing inspirasyon sa ating komunidad.

Hangad namin ang marami pang masasayang kaarawan na inyong maipagdiriwang kasama ang inyong mga mahal sa buhay.

Muli, maligayang kaarawan at mabuhay ang ating mga Senior Citizens! πŸ™πŸ»

29/05/2026

Magandang araw po!
Inaanyayahan po ang lahat ng miyembro ng KALIPI na makiisa at makilahok sa gaganaping:
KALIPI ELECTION 2026
πŸ“ Barangay Hall
πŸ“… June 02, 2026
πŸ•œ 1:30 PM

Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang makapili ng mga magiging pinuno na maglilingkod para sa kapakanan ng samahan.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdalo.

28/05/2026
Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga taong tumulong, nakibahagi, at nagpuyat sa paghahanda para sa evaluation ngay...
26/05/2026

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga taong tumulong, nakibahagi, at nagpuyat sa paghahanda para sa evaluation ngayong araw. Ang inyong sipag, tiyaga, dedikasyon, at pagtutulungan ay naging malaking bahagi upang maging maayos at matagumpay ang lahat.

Maraming salamat sa oras, pagod, at sakripisyong inyong ibinigay. Hindi matatawaran ang inyong suporta at malasakit para sa ikabubuti ng ating barangay.

Nawa’y maging inspirasyon ang tagumpay na ito upang lalo pa tayong magkaisa at magtulungan sa mga susunod pang gawain.

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!

Address

Brgy. Cabuloan
Urdaneta
2428

Telephone

+639693611002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap Lakay Danny Ildefonso Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category