08/11/2025
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐๐ผ: ๐ ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐ด๐ผ, ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด, ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐!
Ang pagiging handa ay ang pinakamabisang pananggalang laban sa pinsalang dulot ng bagyo. Narito ang mahahalagang hakbang na dapat gawin ng bawat pamilya.
1. Tiyaking may laman itong sapat na pagkain (hindi madaling mapanis), tubig, gamot, flashlight, baterya, first-aid kit, at mga mahahalagang dokumento. Ito ang emergency bag na dadalhin agad kung sakaling kailanganing lumikas.
2. Makinig o manood sa radyo/telebisyon at sumubaybay sa opisyal na social media accounts para sa mga weather bulletin at advisory mula sa PAGASA at lokal na pamahalaan.
3. Itaas ang mga importanteng gamit, appliances, at muwebles upang hindi maabot at masira ng baha.
4. Huwag kalimutang isama at tiyakin ang kaligtasan ng inyong mga alaga (a*o, pusa, manok, baka, at iba pa) bago sumapit ang bagyo.
5. Siguraduhin na matibay at nakakandado ang mga bintana at pinto. Ayusin at itali ang mga bubong na may kalawang o maluwag na yero upang hindi tangayin ng malakas na hangin.
6. Kapag inabisuhan ng kinauukulan, agad na lumikas sa itinakdang evacuation center.