Mahal Kong Binangonan

  • Home
  • Mahal Kong Binangonan

Mahal Kong Binangonan The official page of the Municipality of Binangonan under the leadership of Mayor Rhea Ynares.
(4)

Mahalagang hakbang para sa mga magkasintahan ang Pre-Marriage Counseling at Orientation dahil nagsisilbi itong gabay upa...
25/05/2026

Mahalagang hakbang para sa mga magkasintahan ang Pre-Marriage Counseling at Orientation dahil nagsisilbi itong gabay upang mas mapatatag ang kanilang ugnayan, maunawaan ang mga kaakibat na responsibilidad ng pag-aasawa, at makapagtatag ng matibay na pundasyon para sa panghabambuhay na pagsasama.

Sa pangunguna ng Local Population Office, isinagawa ang Pre-Marriage Counseling and Orientation sa 5th Floor ng New Municipal Hall.

Bukod sa pagiging isa sa mga kinakailangang hakbang bago ma-isyuhan ng marriage license, mahalaga rin ang naturang counseling dahil tinatalakay dito ang mga usaping dapat paghandaan ng magkasintahan.

Kabilang din ang konsepto ng void marriages o mga kasalang itinuturing na walang bisa sa ilalim ng batas, kahit na ito ay naisagawa o nairehistro.

ℹ️ Ilan sa mga halimbawa ng void marriages:
• Kasal na isinagawa nang walang legal na kapasidad, tulad ng menor de edad na walang kaukulang pahintulot o hindi pa legal na edad para magpakasal.
• Bigamous marriages o kasal kung saan ang isa sa mga partido ay kasal pa sa ibang tao.
• Incestuous marriages o pag-aasawa sa pagitan ng mga taong may ipinagbabawal na relasyon ayon sa batas.
• Mga kasal na walang pahintulot ng magkabilang panig o isinagawa nang walang tunay na pagsang-ayon.
• Kasalang isinagawa ng taong walang legal na awtoridad na magkasal.

Sa pamamagitan ng mga ganitong talakayan, mas napapalalim ang pag-unawa ng mga magkasintahan hindi lamang sa pag-ibig, kundi pati na rin sa legal at moral na bigat ng pagpapakasal.

ℹ️ Requirements for Marriage License:
🔗https://www.facebook.com/share/p/1HdGP1bd7y/

ℹ️ Para sa iba pang impormasyon, magtungo lamang sa tanggapan ng Local Population Office sa New Municipal Building o bisitahin ang kanilang page:
🔗https://www.facebook.com/share/1HT41aRLjG/


💙

Ang Pamahalaang Bayan ay taos-pusong bumabati kay Kagawad Rex Certeza ng Barangay Pila-Pila sa kanyang Kaarawan.Nawa’y p...
24/05/2026

Ang Pamahalaang Bayan ay taos-pusong bumabati kay Kagawad Rex Certeza ng Barangay Pila-Pila sa kanyang Kaarawan.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng lakas, inspirasyon, at malasakit sa paglilingkod sa mga mamamayan sa ating bayan.

Mabuhay po kayo, Kagawad!


💙

TINGNAN | SPAGHETTI WIRES CLEARING SA CALUMPANG ⚠️Matagumpay na naisagawa ang spaghetti wires clearing operation sa Brgy...
24/05/2026

TINGNAN | SPAGHETTI WIRES CLEARING SA CALUMPANG ⚠️

Matagumpay na naisagawa ang spaghetti wires clearing operation sa Brgy. Calumpang sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan, katuwang ang mga telco providers at Engineering Office.

Layunin ng operasyong ito na tanggalin ang mga nakalaylay na kable, gayundin ang pagrereorganisa ng mga linya ng kuryente at komunikasyon sa lugar. Sa pamamagitan nito, nababawasan ang panganib ng aksidente — lalo na sa mga motorista, malalaking truck, mga pedestrian, at residente.

Kapag hindi ito regular na inaayos ang spaghetti wires, maaari itong magdulot ng signal interference, power interruptions, at mas mataas na risk ng electrical hazards tulad ng short circuit at sunog. Kaya mahalaga ang regular na line clearing at coordination ng utilities upang masig**ong stable at safe ang serbisyo.

Lubos na pasasalamat sa ating mga telco partners na patuloy na kaisa ng LGU sa ganitong mga hakbang. Magpapatuloy po ang clearing operations sa iba’t ibang barangay para sa mas ligtas at maayos na 💙

Dumulog kay Mayor Rhea ang mga kasapi ng Calumpang Cooperative upang pag-usapan ang kanilang mga gawain para mapanatilin...
24/05/2026

Dumulog kay Mayor Rhea ang mga kasapi ng Calumpang Cooperative upang pag-usapan ang kanilang mga gawain para mapanatiling organisado ang samahan at higit pang mapabuti ang serbisyong naibibigay sa kanilang mga kabarangay.

Ipinaalam din nila ang ilang suhestyon at pangangailangan na makatutulong sa mga patuloy na operasyon ng kooperatiba. Kabilang din sa mga naibahagi ang mga kasalukuyang hamon na kanilang kinahaharap at mga hakbang sa pagtugon sa mga ito.

Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ang mga samahan na kaisa sa pagtataguyod ng pagkakaisa, kaayusan, at mga programang may direktang kaugnayan sa kaunlaran ng komunidad.


💙

Nagtipon ang Binangonan Child Development Teachers and Workers Association para sa isang pagpupulong na nakatuon sa patu...
24/05/2026

Nagtipon ang Binangonan Child Development Teachers and Workers Association para sa isang pagpupulong na nakatuon sa patuloy na pagpapalakas ng mga programa para sa Early Childhood Care and Development (ECCD) sa bayan.

Tinalakay ang Calendar of Activities para sa School Year 2026–2027 na inilatag ng ECCD Council, na magsisilbing gabay sa maayos, organisado, at tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programa sa mga Child Development Centers.

Binigyang-diin din ang mga probisyon ng Republic Act No. 12199 o ang Early Childhood Care and Development System Act. Ang batas na ito ay isang hakbang ng pamahalaan upang higit pang palakasin ang sistema ng maagang edukasyon at pangangalaga sa mga batang edad 0–8.

Sa ilalim ng batas, pinagtitibay ang isang mas komprehensibo at integrated na ECCD System na sumasaklaw sa edukasyon, kalusugan, nutrisyon, at maagang interbensyon para sa mga batang may espesyal na pangangailangan. Inilalapit din nito ang mga pangunahing tungkulin sa mga LGU upang masig**ong ang serbisyo ay abot-kamay at naaayon sa pangangailangan ng bawat komunidad.

Importanteng bahagi rin ng RA 12199 ang pagpapalakas sa hanay ng Child Development Teachers at Workers, kabilang ang mas malinaw na pamantayan, propesyonalisasyon, at suporta sa kanilang patuloy na pagsasanay. Sa ganitong paraan, kinikilala ng batas ang kanilang papel bilang unang g**o ng mga bata.

Katuwang ang DepEd at DILG, layunin ng batas na tiyaking ang bawat batang Pilipino ay mabibigyan ng ligtas, maayos, at dekalidad na pundasyon sa kanilang unang yugto ng pagkatuto.


💙

𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗧𝗛𝗘 𝗟𝗘𝗚𝗔𝗖𝗬: 𝗥𝗘𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥. 𝗔𝗗𝗩𝗔𝗡𝗖𝗘. 𝗔𝗖𝗧. 🕯️Sa bawat ilaw na ating sinindihan, may alaalang pinahahalagahan, may buhay n...
24/05/2026

𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗧𝗛𝗘 𝗟𝗘𝗚𝗔𝗖𝗬: 𝗥𝗘𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥. 𝗔𝗗𝗩𝗔𝗡𝗖𝗘. 𝗔𝗖𝗧. 🕯️

Sa bawat ilaw na ating sinindihan, may alaalang pinahahalagahan, may buhay na kinikilala, at may pag-asang patuloy na ipinaglalaban. 🙏🏼

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan kahapon sa paggunita ng 2026 International AIDS Candlelight Memorial sa pamamagitan ng isang Candlelight Activity na may temang “Light the Legacy: Remember. Advance. Act. Keeping the Light Alive.” Sa liwanag ng bawat kandila, sama-samang inalala ang mga pumanaw dahil sa AIDS at ipinakita ang ating suporta at pag-unawa sa mga taong nabubuhay na may HIV. Sapagkat higit sa anumang sakit o kalagayan, sila ay mga taong may mga kuwento, mga pangarap, at mahalagang bahagi ng komunidad.

Kasabay nito, nagkaroon din ng 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗩 𝘀𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝘁𝗲𝘀𝘁𝗶𝗻𝗴 para sa mga nais magpasuri.

Ang HIV awareness ay tungkol sa pag-unawa, paggalang, at paglaban ng stigma. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas nagiging ligtas, maalam, at maalaga ang ating komunidad para sa lahat.

Makibahagi. Makinig. Magbigay-liwanag. Dahil sa bawat buhay ay may halaga. ✨



💙

Proteksyon para sa alagang hayop, kaligtasan para sa buong komunidad. 🐶🐱Matagumpay na natapos ng Agriculture Office – An...
23/05/2026

Proteksyon para sa alagang hayop, kaligtasan para sa buong komunidad. 🐶🐱

Matagumpay na natapos ng Agriculture Office – Animal Welfare Unit ang kanilang pag-iikot sa iba’t ibang barangay para sa Free Anti-Rabies Vaccination Program para sa mga alagang a*o at pusa.

Noong Mayo 19 at 20, umabot sa kabuuang 682 na alagang hayop ang nabigyan ng libreng bakuna sa mga barangay ng Pila-Pila, Limbon-Limbon, at Ithan.

Ang anti-rabies vaccine ay mahalagang proteksyon hindi lamang para sa mga alaga, kundi pati na rin sa mga tao, dahil ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na maaaring maipasa sa pamamagitan ng kagat o kalmot ng hayop.

💡 ?

• Ang rabies ay 100% preventable sa pamamagitan ng bakuna, ngunit 100% fatal kapag lumitaw na ang sintomas.
• Karaniwang nirerekomenda ang taunang bakuna para sa mga a*o at pusa upang mapanatili ang kanilang proteksyon.
• Kahit indoor pets, kailangan pa rin ng anti-rabies vaccination dahil maaari pa rin silang ma-expose sa ibang hayop.

Patuloy na hinihikayat ang bawat isa na maging responsableng fur parent at makiisa sa mga programang naglalayong mapanatili ang kaligtasan, kalusugan, at kaayusan ng ating pamayanan. 🐶🐱

📌 Mag-abang po lamang sa susunod na iskedyul ng pagbabakuna. Narito po ang page ng Agriculture Office:
🔗 https://www.facebook.com/binangonanagriculture


💙

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝗣𝗔𝗬𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗚 𝗙𝗨𝗘𝗟 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗜𝗗𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗖𝗢𝗡𝗗 𝗕𝗔𝗧𝗖𝗛 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗥𝗜𝗘𝗦📢 Magandang balita po para sa ating...
23/05/2026

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝗣𝗔𝗬𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗚 𝗙𝗨𝗘𝗟 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗜𝗗𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗖𝗢𝗡𝗗 𝗕𝗔𝗧𝗖𝗛 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗥𝗜𝗘𝗦

📢 Magandang balita po para sa ating mga tricycle drivers: 𝗺𝗮𝘆𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗽𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝟭,𝟯𝟬𝟬 𝗾𝘂𝗮𝗹𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱 𝗯𝗲𝗻𝗲𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗰𝗵 𝗻𝗴 𝗧𝗢𝗗𝗔 𝗙𝘂𝗲𝗹 𝗦𝘂𝗯𝘀𝗶𝗱𝘆.

🔗 𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡: https://drive.google.com/file/d/1e6Wn7DOwICIwYUNtmk03dYdXpL_HfOuV/view?usp=drivesdk

Gayunpaman, 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗮 𝗽𝗼 𝘀𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗶𝘀𝗸𝗲𝗱𝘆𝘂𝗹 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘆𝗼𝘂𝘁. Minabuti lamang po na ilabas na ang listahan upang agad ninyong malaman kung kasama kayo at makapaghanda nang maaga.

Nauunawaan po namin ang paghihintay ng marami para sa update, kaya’t tiniyak po namin na sa sandaling maaprubahan at maipabatid ng mga kinauukulan ang opisyal na iskedyul, agad po namin itong ibabahagi sa inyo.

✅ Habang naghihintay ng oras at date ng payout, maaari na pong ihanda ang 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗼𝗸𝘂𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼:

• Orihinal na driver’s license
• Photocopy ng driver’s license (may tatlong specimen signatures)

👉 PAALALA: Tiyaking 𝗩𝗔𝗟𝗜𝗗 at 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗘𝗫𝗣𝗜𝗥𝗘𝗗 ang inyong lisensya. Siguraduhin ding 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗧𝗨𝗚𝗠𝗔 ang pangalan sa listahan at sa inyong lisensya.

📃 Kung ang address sa inyong driver’s license ay 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗭𝗔𝗟, kinakailangan ding 𝗺𝗮𝗴𝗱𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝘂𝗺𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱:

• Isang valid ID na may address sa Binangonan o alinmang lugar sa loob ng Rizal
• Photocopy (back-to-back) ng nasabing valid ID na may tatlong specimen signatures

Hinihiling po namin ang inyong kaunting pasensya at pang-unawa habang tinatapos ang mga kinakailangang proseso. Makakaasa po kayo na hindi namin palalagpasin ang anumang mahalagang impormasyon at agad po namin kayong bibigyan ng update sa oras na maging available ang schedule ng payout.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa.


💙

TINGNAN | CLEARING OPERATIONS SA BILIBIRAN AT SAN CARLOS ⚠️Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Bayan na mapanatili ang...
23/05/2026

TINGNAN | CLEARING OPERATIONS SA BILIBIRAN AT SAN CARLOS ⚠️

Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Bayan na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng trapiko sa mga lansangan ng Binangonan.

Kaugnay nito, muling nagsagawa ng road clearing operations ang ating Traffic Management Group (TMG) sa mga barangay ng Bilibiran at San Carlos upang alisin ang mga sasakyang ilegal na nakaparada sa mga pangunahing kalsada at pampublikong daanan.

⚠️ Ano ang clamping?

• Ang clamping ay paglalagay ng wheel clamp o lock device sa sasakyan na lumabag sa mga umiiral na ordinansa sa trapiko, lalo na sa ilegal na pagparada.
• Layunin nitong pigilan muna ang paggalaw ng sasakyan hanggang sa makumpleto ng may-ari ang kaukulang proseso at multa.
• Karaniwang ipinapatupad ito sa mga sasakyang nakahahadlang sa daloy ng trapiko o nakaparada sa mga itinakdang No Parking zones.

Patuloy na hinihikayat ang lahat ng motorista na maging responsable sa pagparada ng kanilang sasakyan at sumunod sa mga batas at regulasyon sa kalsada. Sa simpleng pagsunod sa tamang paradahan, malaki ang maitutulong natin sa pagpapanatili ng kaayusan at mas maayos na biyahe para sa buong komunidad.


💙

Sowing seeds of change. ✨Isinagawa noong Mayo 21, 2026 sa New Government Center, Brgy. Calumpang ang Arbor Day Tree Plan...
23/05/2026

Sowing seeds of change. ✨

Isinagawa noong Mayo 21, 2026 sa New Government Center, Brgy. Calumpang ang Arbor Day Tree Planting Activity at Clean-Up Drive sa pangunguna ng MENRO), katuwang ang PESO. 🍃♻️

Ang aktibidad ay alinsunod sa Municipal Ordinance No. 023, S. 2023 na nag-i-institutionalize ng Arbor Day sa Bayan ng Binangonan. Layunin nitong hikayatin ang hands-on involvement ng iba’t ibang sektor — partikular ng mga kabataan, scholars, at SPES beneficiaries — sa regular na tree planting at pangangalaga ng kalikasan, kabilang ang pagtatanim ng hindi bababa sa sampung (10) punla bawat taon.

Bahagi rin ito ng pinalalakas na adbokasiya ng DILG sa ilalim ng mga programang KALINISAN sa Bagong Pilipinas Program (MC 2024-001) at Barangay at Kalinisan Day o BARKADA (MC 2023-133). Layunin ng mga programang ito ang policy integration ng mga weekly clean-up drives sa mga barangay bilang hakbang tungo sa mas malinis, mas ligtas, at mas maayos na mga pamayanan.

Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang responsibilidad ng iilan, kundi isang sama-samang tungkulin ng bawat mamamayan. Mula sa simpleng pagtatanim at paglilinis, umuusbong ang mas malalim na diwa ng malasakit sa ating kapaligiran at sa susunod na mga henerasyon. 🌱


💙

📣 LIBRENG SCHOOL BAG AT SCHOOL SUPPLIES, KUMPLETO NA. Unti-unti nang dumarating ang tulong para sa ating mga bata 📚🎒 Mga...
22/05/2026

📣 LIBRENG SCHOOL BAG AT SCHOOL SUPPLIES, KUMPLETO NA. Unti-unti nang dumarating ang tulong para sa ating mga bata 📚🎒 Mga mahal, isa pong masayang balita para sa ating lahat. 💙

Ngayong araw ay sinimulan na natin ang unloading ng mga school supplies na ipamamahagi para sa ating mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 sa mga pampublikong paaralan dito sa ating bayan. ✏️📖

Matagal na po nating pangarap at pinaplano na magkaroon ng ganitong klaseng suporta para sa ating mga kabataan at mga magulang. At ngayon, unti-unti na po natin itong naisasakatuparan — hindi dahil kailangan lang gawin, kundi dahil gusto nating makatulong at gusto nating maramdaman ng bawat pamilya na kasama sila sa ating mga iniisip at pinahahalagahan.

Alam po natin na sa panahon ngayon, malaking bagay na ang kahit simpleng dagdag-gabay para sa pag-aaral ng ating mga anak. Kaya naman sa simpleng paraan na ito, nais nating mapagaan kahit papaano ang paghahanda ng bawat pamilya ngayong nalalapit na ang balik-eskwela. 💙

‼️ Ang listahan ng mga makakatanggap ay manggagaling mismo sa mga paaralan upang masig**o ang maayos, patas, at organisadong distribusyon (June 1–5). Sa mga paaralan din mismo isasagawa ang pamamahagi upang direktang makarating sa ating mga estudyante ang tulong na ito.

Sa ngayon ay maingat pa nating inaayos ang lahat upang matiyak na magiging maayos ang lahat. Kaya naman humihingi po kami ng kaunting pasensya at pang-unawa habang tinatapos ang mga paghahanda. 💪🏼🙏🏽

Dahan-dahan man, tuloy-tuloy po nating pinaparamdam na ang edukasyon at kapakanan ng ating mga kabataan ay mahalaga. At hangga’t kaya natin, sisikapin ng Pamahalaang Bayan na mas marami pa ang maabot ng mga serbisyong tunay na may puso at malasakit.


💙

Address

Manila East Road

1940

Telephone

+639560785183

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mahal Kong Binangonan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share