02/06/2026
ANO, TARA? 🏃♂️💨
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Bayan ng Unisan, hatid ng Pamahalaang Bayan ng Unisan ang OmaRUNkada 2026—isang masaya at makabuluhang fun run para sa lahat. Kitakits on June 28, 2026 sa Unisan Central Elementary School, Brgy. F. de Jesus, Unisan, Quezon.
Bahagi rin ng aktibidad na ito ang pagtalima ng Lokal na Pamahalaan sa DILG Memorandum Circular No. 2026-008 na naglalayong isulong ang aktibo at malusog na pamumuhay para sa ating mamamayan.
Baguhan man o bihasang mananakbo, may nakalaang kategorya para sa iyo!
Choose Your Challenge:
• 3K | 5K | 10K | 16K
Race Inclusions: Every registration comes with a high-quality full sublimation singlet, race bib, finisher metal medal, and a loot bag. Plus, 16K runners get an exclusive finisher shirt!
Registration Rates:
Early Bird (June 2-6, 2026)
3K- P500
5K- P700
10K- P900
16K- P1,150
Tweety Bird (June 7-20,2026)
3K- P550
5K- P750
10K- P950
16K- P1,200
Angry Bird (June 21, 2026)
3K- P650
5K- P850
10K- P1,050
16K- P1,400
Huwag magpahuli! Magregister na at maging bahagi ng pinakaaabangang fun run sa Unisan! 🏃♂️🏃♀️✨
For Walk in registration you may Visit:
📍LGU Unisan Tourism office or look for Ms. Ma. Yren Grace Valler (Monday-Friday 8:00 am- 5:00pm)
📍PUQUESHIRT BUILDING at 6A Mabini Brgy. San Diego Poblacion Gumaca Quezon (Monday-Friday 9:00 am- 4:00pm)
For Online Registration:
Secure your slots on the registration Link below:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdK6NvkhDbhVRBuenl7Wki8m6CxQkPyJfJWYhZ0lbSmB1jt4Q/viewform?usp=header
Kasama ang inyong pamilya, mga kaibigan, at barkada, makitakbo, makisaya, at makiisa!
Ang aktibidad na ito ay handog ng Pamahalaang Bayan ng Unisan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Jose Mumar P. Veluz, Pangalawang Punong Bayan Filomena M. Cabutihan, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, katuwang ang PUQUERPACE Project, bilang bahagi ng pagsusulong ng aktibo at malusog na pamumuhay para sa mga Unisanin. 🏃♂️🏃♀️