18/10/2026
𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗣𝗔𝗬𝗢𝗨𝗧: 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜!
Matagumpay na naisagawa noong nakaraang Oktubre 11 ang pamamahagi ng Educational Assistance mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Bantug. Aabot sa 52 na college students mula sa ating barangay ang nabigyan ng tulong pinansyal upang makasuporta sa kanilang pag-aaral at mga gastusin sa eskwelahan. Ang programang ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng ating SK na umalalay sa mga kabataang nangangarap at nagsisikap.