DepEd Tayo San Jose ES - Batangas Province

DepEd Tayo San Jose ES - Batangas Province San Jose Elementary School is a government institution that promote quality Education and safe learning environment.

MOVING -UP CEREMONY OF KINDERGARTEN 2025-2026Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ang isinagawa ng San Jose Element...
30/03/2026

MOVING -UP CEREMONY OF KINDERGARTEN 2025-2026

Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ang isinagawa ng San Jose Elementary School para sa Moving Up Ceremony ng ating mga batang Kindergarten! ๐ŸŽ“๐ŸŒˆ

Sa murang edad, ipinamalas ninyo ang inyong kasipagan, tapang, at kahandaan na tumuntong sa susunod na yugto ng pagkatuto. Kayo ang munting bituin na patuloy na magniningning sa hinaharap. โญ

Taos-pusong pagbati sa ating mga batang nagsipag-angat! Pasasalamat din sa mga g**o at magulang na naging gabay at inspirasyon sa kanilang unang hakbang sa edukasyon.

Tuloy-tuloy lang sa pag-abot ng inyong mga pangarap! ๐Ÿ’–๐Ÿ“š

RECOGNITION DAY 2025-2026Isang mainit at taos-pusong pagbati sa lahat ng mga mag-aaral ng San Jose Elementary School na ...
30/03/2026

RECOGNITION DAY 2025-2026

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa lahat ng mga mag-aaral ng San Jose Elementary School na nagkamit ng karangalan at Special Awards sa ating Recognition Day! ๐Ÿ…โœจ

Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral. Kayo ay nagsisilbing inspirasyon sa inyong kapwa mag-aaral at patunay na ang pagsusumikap ay may magandang bunga.

Pagpupugay rin sa mga magulang at g**o na naging gabay at katuwang sa bawat hakbang tungo sa inyong tagumpay.

Ipagpatuloy ninyo ang inyong kahusayan at nawaโ€™y magsilbi kayong huwaran sa iba. Muli, pagbati sa inyong lahat! ๐ŸŽ‰๐Ÿ“š

Isang taos-pusong pagbati sa matagumpay na pagdiriwang ng ika-29 na Taunang Pagtatapos ng San Jose Elementary School! ๐ŸŽ“โœจ...
30/03/2026

Isang taos-pusong pagbati sa matagumpay na pagdiriwang ng ika-29 na Taunang Pagtatapos ng San Jose Elementary School! ๐ŸŽ“โœจ

Sa temang โ€œPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao,โ€ ipinamalas ng ating mga nagsipagtapos ang kanilang sipag, tiyaga, at kahandaan sa panibagong yugto ng kanilang buhay.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga g**o na walang sawang gumabay at humubog sa kaalaman at pagkatao ng mga mag-aaral, sa mga magulang na naging katuwang sa bawat hakbang ng tagumpay, at sa mga panauhin na nakiisa sa makabuluhang okasyong ito.

Isang espesyal na pasasalamat kay Gng. Milagrosa I. Hechanova sa kanyang makabuluhan at nagbibigay-inspirasyong mensahe para sa mga nagsipagtapos at kanilang mga magulang.

Muli, pagbati sa Batch 2026! Nawaโ€™y magsilbi kayong ilaw at pag-asa ng ating bayan. ๐ŸŒŸ

WINS ( Wash In School) MonitoringTaos-pusong pasasalamat kay Nurse Jaja at sa kanyang  kasama  sa masusing pagmomonitor ...
19/03/2026

WINS ( Wash In School) Monitoring

Taos-pusong pasasalamat kay Nurse Jaja at sa kanyang kasama sa masusing pagmomonitor ng WINS (Wash in Schools). Dahil sa inyong dedikasyon , walang sawang suporta,at patuloy na paggabay sa wakas ay nakamit na rin ng ating paaralan ang 3 Stars! ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ

Ang tagumpay na ito ay patunay ng sama-samang pagkilos para sa kalinisan, kalusugan, at kaligtasan ng bawat mag-aaral. Maraming salamat sa inyong malasakit at patuloy na paggabay! ๐Ÿ’™

Isang mainit at mapagpalang pagbati!Ang buong pamilya ng San Jose Elementary School, sa pamumuno ng ating mga g**o at ka...
11/03/2026

Isang mainit at mapagpalang pagbati!

Ang buong pamilya ng San Jose Elementary School, sa pamumuno ng ating mga g**o at katuwang ang mga mag-aaral, ay malugod na nagpapaabot ng aming taos-pusong pasasalamat kay Hon. Fernando R. Rocafort, PLNB President / Board Member, sa kaniyang mahalagang donasyon na mga desk fans at nebulizer.

Ang biyayang ito ay naging posible sa pamamagitan ng aktibong inisyatibo at malasakit ng ating masipag na Kapt. Roberto A. Mendoza.

Malaking tulong ang mga kagamitang ito upang masig**o ang kaginhawaan ng ating mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan at upang maging handa ang ating klinika sa mga pangangailangang medikal. Ang inyong patuloy na suporta sa sektor ng edukasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa amin na higit pang pagbutihin ang paglilingkod sa ating mga kabataan.

Muli, maraming salamat sa inyong serbisyong may puso at tunay na malasakit sa mga Batang San Jose!

Mabuhay po kayo!

"Kaisa ang San Jose Elementary School sa pagdiriwang ng National Womenโ€™s Month 2026! ๐Ÿ’œNgayong buwan ng Marso, ang aming ...
11/03/2026

"Kaisa ang San Jose Elementary School sa pagdiriwang ng National Womenโ€™s Month 2026! ๐Ÿ’œ

Ngayong buwan ng Marso, ang aming mga g**o at mag-aaral ay magkakapit-bisig sa pagsusuot ng kulay Purple tuwing Miyerkules bilang simbolo ng ating suporta sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian. Sa temang 'Lead Like the Babaylans, Filipinas!', layunin nating itanim sa isipan ng bawat kabataan ang kahalagahan ng boses at kakayahan ng mga kababaihan sa ating lipunan.




"

MFPTA Reading and Feeding ProgramTaos-pusong pasasalamat ang ipinababatid ng mga g**o sa pamumuno ni Mr. Eufrocino C. Er...
27/02/2026

MFPTA Reading and Feeding Program

Taos-pusong pasasalamat ang ipinababatid ng mga g**o sa pamumuno ni Mr. Eufrocino C. Erna, Ulong G**o III ng paaralan, mga magulang sa pangunguna ni PTA President Julie E. Andal at kanyang mga masisipag at maaasahang kasamahan at mga mag-aaral sa lahat ng nagsagawa ng MFPTA (Tuy) Reading and Feeding Program sa San Jose Elementary School sa inisyatibo ni Mr. Norman Apacible, Municipal PTA President, at sa lahat ng kanyang masisipag at mapagkalingang kasamahan. Nagpapasalamat din po kami sa pagbisita ni Dr. Ronaldo L. Sevilla, TUY Sub-office Public Schools District Supervisor at sa kanyang kasamang dalawang school heads na sina Sir . Nino Viaro at Sir Noel Aseremo.

Ang inyong malasakit, oras, at sakripisyo ay nagsilbing inspirasyon at pag-asa sa aming mga mag-aaral. Hindi lamang tiyan ang nabusog, kundi pati ang isipan at puso ay napagyaman sa pamamagitan ng pagbasa at wastong nutrisyon.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pakikiisa para sa kinabukasan ng mga batang San Jose ES. Tunay na ang pagtutulungan ay susi sa mas maliwanag na bukas! ๐Ÿ’™๐Ÿ“š๐ŸŽ

World's Thinking Day
25/02/2026

World's Thinking Day

โค๏ธ The Hearts in Harmony: Express, Connect, Celebrate!โค๏ธ โค๏ธ Valentine's Day 2026 Celebration โค๏ธ ๐ŸŒน Sa simpleng paraan, na...
13/02/2026

โค๏ธ The Hearts in Harmony: Express, Connect, Celebrate!โค๏ธ
โค๏ธ Valentine's Day 2026 Celebration โค๏ธ

๐ŸŒน Sa simpleng paraan, naipadama ang wagas na pagmamahal!

Nakiisa ang mga g**o, at mag-aaral ng San Jose Elementary School sa pagdiriwang ng Valentine's day sa pamamagitan ng pagsusuot ng iba't-ibang kulay ng damit na ayon sa kanilang heart status. Masasayang ngiti ang masisilayan sa bawat isa. Nagbigayan ng mga makukulay na Valentineโ€™s cards ang mga mag-aaral sa kapwa mag-aaral at maging sa kanilang mga g**o. Sa Wall of Love, bumuhos ang mga mensahe ng pasasalamat at pagkakaibiganโ€”patunay na ang tunay na diwa ng Araw ng mga Puso ay nasa puso ng bawat isa.

๐Ÿ“ฃ Early Registration | 2nd WeekMaraming salamat po sa mga pumunta at nakiisa sa ikalawang linggo ng Early Registration.P...
07/02/2026

๐Ÿ“ฃ Early Registration | 2nd Week

Maraming salamat po sa mga pumunta at nakiisa sa ikalawang linggo ng Early Registration.
Patuloy po naming inaanyayahan ang mga magulang at mag-aaral na kabilang sa incoming Kinder, Grade 1, Transferees, at Balik-Aral na magtungo sa paaralan at magparehistro sa mga susunod na Sabado hanggang Pebrero 27.
Ang maagang pagpaparehistro ay mahalaga sa maayos na paghahanda ng paaralan para sa darating na panuruang taon.

๐Ÿ“ Early Registration โ€“ Unang LinggoMaaga mang magpatala, sigurado namang handa! Inaanyayahan ang lahat ng magulang at ma...
31/01/2026

๐Ÿ“ Early Registration โ€“ Unang Linggo

Maaga mang magpatala, sigurado namang handa! Inaanyayahan ang lahat ng magulang at mag-aaral na makiisa sa Early Registration. ๐Ÿ‘๐Ÿ“š

๐Ÿ“ข PATALASTAS | EARLY REGISTRATION for S.Y. 2026-2027๐Ÿ“ข๐ŸŽ’๐Ÿ“š Magpalista na! Mag-enroll nang Maaga! ๐Ÿ“š๐ŸŽ’Inaanyayahan ang lahat n...
26/01/2026

๐Ÿ“ข PATALASTAS | EARLY REGISTRATION for S.Y. 2026-2027๐Ÿ“ข

๐ŸŽ’๐Ÿ“š Magpalista na! Mag-enroll nang Maaga! ๐Ÿ“š๐ŸŽ’

Inaanyayahan ang lahat ng magulang at mag-aaral na makiisa sa Early Registration para sa darating na panuruang taon na gaganapin mula Enero 31 hanggang Pebrero 27.

โœ… Libre ang pagpaparehistro
โœ… Para sa mga papasok sa Kindergarten, Grade 1, at mga transferees
โœ… Siguradong slot para sa darating na pasukan

๐Ÿ“ Magtungo lamang sa paaralan at dalhin ang mga kinakailangang dokumento.
Huwag palampasin ang pagkakataonโ€”ang maagang pagpaparehistro ay hakbang tungo sa maayos at handang kinabukasan ng ating mga mag-aaral!

๐Ÿ“Œ Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa tanggapan ng paaralan.

๐Ÿ‘‰ Magparehistro na at maging handa sa bagong taon ng pagkatuto! โœจ๐Ÿ“–

Address

San Jose
Tuy
4214

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo San Jose ES - Batangas Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo San Jose ES - Batangas Province:

Share