15/04/2026
π’ PAUNAWA NG EMERGENCY WATER INTERRUPTION
Minamahal naming mga Kostumer,
Nais po naming ipaalam na kasalukuyang nararanasan ang isang Emergency Water Interruption ngayong araw, Miyerkules, Abril 15, 2026, simula nitong alas-9:00 ng umaga.
DAHILAN: Ayon sa pagsusuri ng aming technical team, nagkaroon ng mekanikal na problema ang ating Pump and Motor. Dahil sa laki ng sira, ang pagsasaayos nito ay posibleng tumagal ng 24-36 oras.
PANSAMANTALANG SOLUSYON:
Pansamantalang ang Banga Pump muna ang magpapadaloy ng tubig sa mga apektadong lugar.
SCHEDULE NG PAGKAKAROON NG TUBIG:
Upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makapag-ipon, magkakaroon ng suplay ng tubig sa mga apektadong barangay sa mga sumusunod na oras:
Simula: Alas-9:00 ng gabi (Ngayong gabi)
Hanggang: Alas-4:00 ng umaga (Bukas)
MGA APEKTADONG LUGAR:
Barangay Sampaloc
Barangay Caloocan
Barangay Leynes
Barangay Balas
Barangay Buco
PAALALA:
Hinihikayat po namin ang lahat na magtipid at mag-imbak ng sapat na tubig sa oras na bumalik ang suplay mamayang gabi. Inaasahang magbabalik ang normal na operasyon at suplay sa Biyernes, Abril 17, 2026.
Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang naidudulot nito. Para sa mga katanungan o paglilinaw, maaari po kayong mag-message dito sa aming page o tumawag sa:
π Hotline: 0921-785-7588
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.