Mayor Lee Roy Ventura Villasor, CE

Mayor Lee Roy Ventura Villasor, CE
(6)

Pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa ilalim ng tanggapan ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE ang pagsas...
30/05/2026

Pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa ilalim ng tanggapan ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE ang pagsasagawa ng SK Governance Exemplars for Meaningful Service (GEMS) Orientation and Evaluation kahapon, Mayo 29, 2026, sa SKMF Building and Digital Learning Hub sa Poblacion, Tulunan.

Sa pangangasiwa ni Local Youth Development Officer Mark Godspell Traviรฑa, layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang transparency, accountability, at youth leadership sa lokal na pamamahala sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman at gabay sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan. Nagsilbi rin itong pagkakataon upang suriin ang implementasyon ng mga programa at proyekto ng SK at matiyak ang kanilang pagsunod sa mga umiiral na patakaran at pamantayan.

Matapos ang orientation at evaluation, isinagawa naman ang 2nd Quarterly Meeting ng Sangguniang Kabataan Municipal Federation (SKMF) kung saan pinangunahan ni SKMF President Coleen O. Dela Cruz, RN ang halalan para sa mga bakanteng posisyon sa organisasyon.

Batay sa resulta ng eleksyon, nahalal sina Kim Tababa bilang Vice President, Arnold Abehon bilang Secretary, Louresh Babe Padernilla bilang Auditor, Michael James Pimentel bilang Public Information Officer (P.I.O.), at April Babe Panes bilang Sergeant-at-Arms.

Nasaksihan ang nasabing halalan nina Oliver Corral mula sa Municipal Local Government Operations Office (MLGOO), Election Officer Gideon Falcis ng Commission on Elections (COMELEC), LYDO Traviรฑa, at Executive Secretary Jeric C. Ardina na nagsilbing kinatawan ni Mayor Villasor sa aktibidad.

Lubos namang nagpasalamat sina LYDO Traviรฑa at SKMF President Dela Cruz sa lahat ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan mula sa 29 barangay ng bayan na dumalo at aktibong nakibahagi sa mga isinagawang aktibidad.

Ipinapakita lamang nito ang patuloy na pagkakaisa, aktibong partisipasyon, at dedikasyon ng mga kabataang lider ng Tulunan sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at makabuluhang paglilingkod sa kanilang mga komunidad. Kaakibat nito ang patuloy na suporta ng pamunuan ni Mayor Villasor sa pagpapaunlad ng kakayahan at pamumuno ng mga kabataan tungo sa mas progresibo at responsableng henerasyon ng mga Tulunense.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: LYDO_Traviรฑa
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: LYDO_Traviรฑa

Patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay ng suporta sa...
30/05/2026

Patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay ng suporta sa mga magsasaka upang mapataas ang kanilang produksyon at mapabuti ang kanilang kabuhayan.

Kaugnay nito, umabot sa 189 na magsasakang kasapi ng Minapan Farmers Association ang nakinabang sa pamamahagi ng In**ed Palay Seeds mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Program ng Department of Agriculture (DA) PhilRice, sa pamamagitan ng Binhi E-Padala Community Registration and Information System, kahapon, Mayo 29, 2026.

Pinangasiwaan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMAg) sa pamumuno ni Municipal Agriculturist April Joy S. Lines, RAgr., ang naturang distribusyon kung saan kabuoang 476 na bags ng in**ed na binhi ang ipinamahagi sa asosasyon upang magamit ng mga benepisyaryo sa darating na panahon ng pagtatanim.

Malugod namang tinanggap ng mga magsasaka ang mga binhing palay na inaasahang makatutulong sa pagpapataas ng kanilang ani at produksyon. Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na matulungan ang mga magsasaka sa pagharap sa mga hamon sa sektor ng agrikultura at matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa komunidad.

Patuloy namang nagsisikap ang Lokal na Pamahalaan ng Tulunan sa pangunguna ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE na maihatid ang iba't ibang programang pang-agrikultura sa mga kwalipikadong magsasaka ng bayan. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan, layunin nitong mapalakas ang produksyon ng agrikultura at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasakang siyang pangunahing pinagkukunan ng pagkain at suplay sa bayan.

Ipinapakita lamang ng naturang programa ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga magsasaka bilang mahalagang katuwang sa pagtataguyod ng seguridad sa pagkain at kaunlaran ng lokal na ekonomiya.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: OMAg_Tacuyan
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: OMAg_Tacuyan

Pinulong ngayong araw, Mayo 30, 2026, ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE ang mga residente ng Purok 13, Barangay Dungos ka...
30/05/2026

Pinulong ngayong araw, Mayo 30, 2026, ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE ang mga residente ng Purok 13, Barangay Dungos kaugnay ng nakatakdang pagsasagawa ng dredging at desilting activities sa kanilang lugar gamit ang amphibious excavator na ipinagamit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato.

Sa isinagawang pagpupulong, binigyang-diin ng alkalde ang mga kinakailangang paghahanda bago dumating ang nasabing kagamitan, kabilang ang koordinasyon ng mga residente at ang mga hakbang upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at wastong pangangalaga sa amphibious excavator habang ginagamit sa proyekto.

Ayon kay Mayor Villasor, mahalaga ang pakikiisa at kooperasyon ng komunidad upang maging maayos at matagumpay ang implementasyon ng dredging at desilting activities na naglalayong mapabuti ang daloy ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa lugar.

Lubos naman ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Tulunan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato sa muling pagpapagamit ng amphibious excavator para sa nasabing proyekto. Nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Villasor kay Governor Emmylou Lala Taliรฑo-Mendoza sa tiwalang ipinagkaloob at sa pagbibigay ng pahintulot na magamit ang naturang kagamitan upang makatulong sa pagtugon sa suliranin ng pagbaha sa bayan.

Ang dredging at desilting activities ay bahagi ng patuloy na hakbang ng pamahalaang lokal upang mapanatili ang maayos na daluyan ng tubig at mabawasan ang epekto ng malalakas na pag-ulan, lalo na sa mga lugar na madalas makaranas ng pagbaha.

Patuloy namang nagsusumikap ang pamunuan ni Mayor Villasor na makahanap at makapagpatupad ng mga pangmatagalang solusyon sa mga hamong kinakaharap ng bayan, kabilang na ang pagbaha, upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Tulunense.

Nasa pagpupulong din ang ilang miyembro ng advisory council at mga opisyal mula sa barangay Dungos.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: MO
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: MO

Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Tulunan ang pamamahagi ng kagamitan para sa Brigada Eskwela na magagamit ng 43 pa...
30/05/2026

Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Tulunan ang pamamahagi ng kagamitan para sa Brigada Eskwela na magagamit ng 43 pampublikong paaralan sa bayan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa School Year 2026-2027.

Sa pamamagitan ng Local School Board Section sa ilalim ng tanggapan ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE, inihatid ng mga kawani ng nasabing tanggapan simula kahapon, Mayo 29, 2026, katuwang ang General Services Office (GSO), ang mga pintura, paint brush, at paint roller sa mga paaralan sa bayan, kabilang na ang mga nasa malalayong lugar.

Layunin ng pamamahaging ito na masuportahan ang mga aktibidad ng Brigada Eskwela at matiyak na maayos, malinis, at handa ang mga paaralan sa pagdating ng mga mag-aaral sa pasukan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga district supervisors, school heads, at mga g**o sa natanggap na kagamitan na pinondohan sa ilalim ng Special Education Fund (SEF) 2026, lalo na't magsisimula na ang Brigada Eskwela sa Lunes, Hunyo 1.

Ang Special Education Fund (SEF) ay pondong inilaan para sa mga programang sumusuporta sa pagpapabuti at pagpapanatili ng mga pasilidad ng pampublikong paaralan sa bayan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Villasor sa Local School Board Section sa pangunguna ni Focal Person Lynnette Diane P. Pagunaling at sa mga kawani nito para sa aktibo at mabilis na paghahatid ng mga kinakailangang kagamitan sa mga paaralan.

Patuloy namang binibigyang prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ng Tulunan ang sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng iba't ibang programa at suporta upang mapangalagaan ang karapatan at maisulong ang kaunlaran ng kabataang Tulunense. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at ng sektor ng edukasyon, inaasahang magiging matagumpay ang paghahanda ng mga paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.

Samantala, ipinababatid naman ng Local School Board Section na ang pamamahagi ay magpapatuloy sa Lunes, Hunyo 1, 2026.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: LSB_Edombingo
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: LSB_Edombingo

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐’๐ข๐ซ ๐ƒ๐ž๐ง๐ง๐ข๐ฌ!๐ŸŽ‚๐ŸฅณNawa'y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa iyong...
30/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐’๐ข๐ซ ๐ƒ๐ž๐ง๐ง๐ข๐ฌ!๐ŸŽ‚๐Ÿฅณ

Nawa'y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa iyong buhay at paglilingkod. Maraming salamat sa iyong dedikasyon at malasakit sa paghahatid ng mga serbisyong nagbibigay-opurtunidad sa ating mga kababayan.

Hangad namin ang higit pang biyaya at tagumpay para sa iyo.

Happy Birthday, Sir Den!๐Ÿ’™๐Ÿ’›

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office

Natanggap na ng mga higit na nangangailangang nakatatanda mula sa 29 na barangay ng bayan ang kanilang Second Quarter So...
29/05/2026

Natanggap na ng mga higit na nangangailangang nakatatanda mula sa 29 na barangay ng bayan ang kanilang Second Quarter Social Pension sa isinagawang payout na nagsimula kahapon, Mayo 28 at nagtapos ngayong araw, Mayo 29, 2026.

Umabot sa kabuoang P12,804,000 ang pondong inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 4,268 kwalipikadong senior citizens sa bayan, kung saan bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig-P3,000 bilang social pension para sa mga buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo.

Naging maayos ang pamamahagi ng social pension sa pangangasiwa ng DSWD Region XII Field Office katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Treasurerโ€™s Office (PTO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Office for Senior Citizens Affairs (OSCA).

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Lee Roy V. Villasor, CE sa lahat ng tanggapang naging kabahagi ng matagumpay na distribusyon ng social pension, kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Emmylou โ€œLalaโ€ J. Taliรฑo-Mendoza na patuloy na nagbibigay ng suporta at pagkalinga sa mga nakatatanda sa bayan.

Ayon sa alkalde, malaking tulong ang natanggap na pension ng mga lolo at lola upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, partikular sa pagbili ng gamot, pagkain, at iba pang mahahalagang gastusin.

Dagdag pa niya, ang patuloy na implementasyon ng Social Pension Program ay patunay ng malasakit ng pamahalaan sa kapakanan ng mga senior citizens at pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon sa lipunan. Ipinakikita rin nito ang sama-samang pagsisikap ng pambansa, panlalawigan, at lokal na pamahalaan upang matiyak na ang mga nakatatanda ay nakatatanggap ng sapat na suporta at serbisyong nararapat para sa kanila.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: OSCA_Arzaga
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: OSCA_Arzaga

Patuloy na pinaiigting ng pamahalaan ang pagsasaayos ng mga kalsada sa bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga motoris...
29/05/2026

Patuloy na pinaiigting ng pamahalaan ang pagsasaayos ng mga kalsada sa bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at mapadali ang pagbiyahe ng mga mamamayan.

Kaugnay nito, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office (PEO), katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Tulunan sa pamamagitan ng Municipal Engineering Office (MEO), ang pagsasagawa ng road rehabilitation sa mga barangay ng Banayal at Bituan sa ilalim ng LGU Development Fund (DF) 2025 Reversion at DF 2026.

Layunin ng naturang aktibidad na maiwasan ang mga aksidente sa daan at mapabilis ang transportasyon ng mga residente, lalo na sa mga lugar na madalas naaapektuhan ng masamang panahon at patuloy na pagdami ng mga sasakyang dumaraan.

Binigyang-diin ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE, na malaking tulong ang suporta ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapaunlad ng imprastraktura sa bayan. Aniya, mahalaga ang agarang pagsasaayos ng mga kalsada lalo na ngayong panahon ng tag-ulan upang matiyak ang ligtas at maayos na pagbiyahe ng mga mamamayan at ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng kalakalan at mga pangunahing serbisyo.

Ang naturang proyekto ay bahagi ng patuloy na hangarin ng pamunuan ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliรฑo-Mendoza na mapabuti ang kondisyon ng mga lansangan sa lalawigan at mapalakas ang konektibidad ng mga komunidad.

Sa patuloy na pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Lokal ng Tulunan, inaasahang higit pang mapapabuti ang sistema ng transportasyon sa bayan na magbibigay-daan sa mas mabilis na pag-unlad at mas mataas na kalidad ng serbisyo para sa mga mamamayan.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: MEO_Mayo
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: MEO_Mayo

๐Ÿ’ƒ๐ŸŽถ ๐—ž๐—œ๐—ง๐—”๐—ž๐—œ๐—ง๐—ฆ ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”-๐—ญ๐—จ๐— ๐—•๐—”! ๐ŸŽถ๐Ÿ’ƒMga minamahal na Tulunense, tara na't sumayaw at sumabay sa tugtog ng mga musikang ma...
29/05/2026

๐Ÿ’ƒ๐ŸŽถ ๐—ž๐—œ๐—ง๐—”๐—ž๐—œ๐—ง๐—ฆ ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”-๐—ญ๐—จ๐— ๐—•๐—”! ๐ŸŽถ๐Ÿ’ƒ

Mga minamahal na Tulunense, tara na't sumayaw at sumabay sa tugtog ng mga musikang magbibigay-sigla sa ating lahat! ๐Ÿ”ฅ

๐Ÿ—“ ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐Ÿฏ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
โฐ ๐Ÿฑ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„
๐Ÿ“ ๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฎ๐—น๐—น

Halinaโ€™t magsaya, gumalaw, at sumabay sa indak para sa mas malusog na pangangatawan at positibong pamumuhay!

โœจ Sama-sayaw Zumba Dance Activities, tara na, mga Tulunense! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’







โœ๏ธ๐—ง๐จ ๐— ๐š๐ฑ๐ข๐ฆ๐ข๐ณ๐ž ๐—œ๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐—ข๐ฎ๐ญ๐ซ๐ž๐š๐œ๐ก

Patuloy na inilalapit ng pamahalaang lokal ng Tulunan ang mga programa at serbisyong may kaugnayan sa hanapbuhay at kapa...
29/05/2026

Patuloy na inilalapit ng pamahalaang lokal ng Tulunan ang mga programa at serbisyong may kaugnayan sa hanapbuhay at kapakanan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO) sa pamumuno ni Designated PESO/PODO Manager Dennis Peter C. Ortizo.

Kaugnay nito, isa ang PESO sa mga tanggapang naghatid ng serbisyo sa mga residente ng Barangay Daig kahapon, Mayo 28, 2026. Katuwang ang mga kawani ng tanggapan, nagsagawa sila ng pamamahagi ng mga flyers, paglista ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa barangay, at pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga programa, proyekto, at aktibidad ng PESO na maaaring mapakinabangan ng mga mamamayan.

Layunin ng nasabing hakbang na mapalawak ang kamalayan ng publiko sa mga serbisyong iniaalok ng tanggapan at matiyak na mas marami pang residente ang mabibigyan ng oportunidad sa trabaho, pagsasanay, at iba pang kaugnay na programa.

Samantala, kamakailan lamang ay dumalo rin si Designated PESO/PODO Manager Ortizo kasama ang kaniyang mga kawani sa Regional OFW Help Desk Office (OHDO) Congress 2026. Ang kanilang pakikilahok sa nasabing pagtitipon ay bahagi ng pagpapaigting ng kaalaman at kakayahan ng tanggapan sa pagbibigay ng serbisyo at suporta sa mga OFW at kanilang mga pamilya.

Ayon sa tanggapan, mahalaga ang patuloy na pagpapalawak ng impormasyon at paglinang ng mga mekanismo upang mas mapahusay ang paghahatid ng serbisyo sa publiko, alinsunod sa layunin ng pamunuan ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE na maihatid sa bawat mamamayan ang nararapat na serbisyo, oportunidad, at kaalaman tungo sa mas maunlad at inklusibong pamayanan.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: PESO_Latumbo
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: PESO_Latumbo

Nakiisa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Tulunan sa isinagawang Sambayang sa Plaz...
29/05/2026

Nakiisa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Tulunan sa isinagawang Sambayang sa Plaza kamakailan bilang paggunita sa Eid'l Adha o Feast of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim sa bayan.

Sa buong oras ng naturang aktibidad, nakaantabay ang MDRRMO personnel upang tiyakin ang kaligtasan at kahandaan sa anomang emergency na maaaring mangyari, bilang bahagi ng kanilang tungkulin sa pagbibigay ng agarang pagtugon sa mga mamamayan.

Samantala, patuloy rin ang isinasagawang rescue operations ng tanggapan para sa mga insidente ng aksidente sa daan, gayundin ang pinaigting na patient transport services upang matiyak na mabibigyan ng kaukulang tulong at agarang serbisyong medikal ang mga nangangailangan.

Ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa adhikain ng liderato ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE na maghatid ng maagap, episyente, at maaasahang serbisyong pang-emergency para sa kapakanan ng bawat Tulunense.

Patunay lamang ito ng dedikasyon ng MDRRMO sa pagpapanatili ng kaligtasan at kapakanan ng mamamayan sa pamamagitan ng patuloy na kahandaan at mabilis na pagtugon sa anomang sitwasyon.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: MDRRMO-SAR_Go
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: MDRRMO-SAR_Go

Address

Tulunan
9403

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Lee Roy Ventura Villasor, CE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share