16/04/2026
Serving support from the kitchen to the court! 🏐🧑🍳
Kasabay ng pagdiriwang ng Trainees’ Day sa TESDA RTC Region 2, masaya nating naiabot ang mga volleyball balls para sa mga Cookery NCII trainees. Personal nating ibinigay ang munting handog na ito kina Sir Aris Gauang at Sir Patrick Massalang para lalong pasiglahin ang sports at camaraderie sa kanilang center.
Hindi lang sa pagluluto may galing, pati na rin sa laro!
Katuwang ninyo kami sa bawat "serve" at hakbang tungo sa tagumpay! Keep on serving!