30/05/2026
ANG SABADO AY PARA SA BARKADA
Patuloy sa pakikiisa ang mga barangay sa Barangay sa Kalinisan Day o BARKADA, alinsunod sa pinaigting na programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Tuwing Sabado, sa halip na gumala, bitbit ng mga opisyal at manggagawa ng barangay ang mga walis, pala, at sako ng basura. Makikita sa mga larawan mula sa iba’t ibang barangay na masayang nagbayanihan ang mga barangay officials at workers upang linisin ang mga baradong kanal, tabing-kalsada, at mga pampublikong lugar sa kanilang mga nasasakupan.
Layunin ng programang BARKADA na mapanatili ang kalinisan upang maiwasan ang mga sakit at mapaganda ang kapaligiran ng bawat komunidad. Hinihikayat ang lahat na makiisa at maki-“BARKADA” tuwing Sabado, dahil ang malinis na kapaligiran ang unang hakbang tungo sa isang maunlad at masiglang barangay.