31/05/2026
WANTED SA KASONG R**E, NASAKOTE NG CAGAYANO COPS MATAPOS ANG ISANG DEKADANG PAGTATAGO SA BATAS SA ILOCOS SUR
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan – Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang isang wanted person na pinaghahanap ng halos isang dekada kaugnay ng kasong r**e sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Sorioan, Salcedo, Ilocos Sur nitong Mayo 31, 2026.
Kinilala ang naaresto na si aka Ray, 75 taong gulang, biyudo, senior citizen, at residente ng Allacapan, Cagayan.
Isinagawa ang operasyon ng Joint Manhunt Charlie Tracker Team ng Allacapan Police Station sa pangunguna ni PCPT VICENTE ORQUIA, JR, Chief of Police, katuwang ang Salcedo Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Cagayan PPO, Philippine Highway Patrol Team-Cagayan, at 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.
Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Branch 33, Ballesteros, Cagayan para sa kasong R**e in Relation to Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na walang inirekomendang piyansa.
Bago dinala sa himpilan ng pulisya, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine. Isinailalim din sa dokumentasyon ang akusado bago iharap sa hukuman na nagpalabas ng warrant of arrest. Gumamit ang mga operatiba ng Alternative Recording Device upang matiyak ang maayos, legal, at transparent na pagsasagawa ng operasyon.
Ayon sa ulat, kabilang ang naarestong akusado sa baseline list ng mga wanted person na may matagal nang nakabinbing warrant of arrest at isa sa mga prayoridad na target ng manhunt operations ng Cagayan Police Provincial Office.
Pinuri naman ni Cagayan PPO Provincial Director PCOL MARDITO G ANGULUAN ang matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng wanted person.
“Ang pagkakaarestong ito ay patunay ng walang humpay na dedikasyon at pagtutulungan ng ating mga kapulisan at partner units sa pagpapatupad ng batas. Walang lugar ang mga nagtatago sa hustisya. Patuloy nating tutugisin ang mga may kinakaharap na kaso upang mapanagot sa kanilang mga paglabag at maihatid ang hustisya para sa mga biktima,” pahayag ni PD ANGULUAN.
Patuloy namang pinaigting ng Cagayan Police Provincial Office ang kanilang manhunt operations upang matunton at maaresto ang iba pang indibidwal na may kinahaharap na kaso sa batas. Hinikayat din nito ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga wanted person upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad at mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na komunidad.
Press Release No. 0531-033
Authority: PCOL MARDITO G ANGULUAN
Provincial Director, Cagayan PPO
Releaser: PCPT SHIELA JOY FRONDA
Chief, PIO, Cagayan PPO
Hotline: 09175233562 09534363668
Email Add: [email protected] /
[email protected]
Date: May 31, 2026