28/08/2026
β±πππ-πππππππ ππππππππππ ππππππππππ πππππππ ππππ ππ πππππππ
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng National Housing Authority (NHA) Cagayan/Kalinga/Apayao/Batanes (CAKB) District Office sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan upang maisulong ang mga housing initiatives para sa mga pamilyang nangangailangan ng ligtas at maayos na tahanan.
Sa isang pagpupulong kasama si Gov. Egay Aglipay, inilahad ng NHA CAKB District Office Team na pinangunahan ni DM Rellie Buton, RSW, ang apat na panukalang proyekto sa pabahay para sa mga munisipalidad ng Calayan, Iguig, Camalaniugan, at Solana, na may kabuuang tinatayang halaga na β±165 milyon.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga kinakailangang hakbang at posibleng suporta upang maisulong ang mga proyekto, kabilang ang paghahanap ng kaukulang pondo at pakikipag-ugnayan sa mga concerned national government agencies.
Nagpahayag naman si Gov. Aglipay ng kanyang suporta sa mga housing initiatives at nangakong makikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya at national government officials upang makatulong sa pagsusulong ng mga panukalang proyekto.
Samantala, ibinahagi rin ng NHA CAKB District Office ang Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA bilang isa sa mga available na programa ng Ahensya para sa mga kwalipikadong pamilyang nasiraan o nawalan ng tahanan dahil sa natural o iba pang sakuna at emergency situations, alinsunod sa umiiral na guidelines at assessment ng NHA.
Sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon ng NHA at mga lokal na pamahalaan, layunin ng Ahensya na maisulong hindi lamang ang pangmatagalang housing projects kundi maging ang mga programang nagbibigay ng agarang housing assistance sa mga pamilyang higit na nangangailangan.