03/09/2026
Kasalukuyang dumadalo si Vice Mayor Pastor Ross Resuello sa ginaganap na 3rd Quarter 2026 National Executive Board (NEB) Meeting & 3rd Conference of the Academy of Presiding Officers (A.P.O.) ng Vice Mayors' League of the Philippines (VMLP) sa Manila Hotel, Manila City nitong Setyembre 2–4, 2026.
Layunin ng naturang pagtitipon ang mas pinalakas at mas epektibong pagpapatakbo ng mga sangguniang panlungsod at pambayan sa buong bansa sa tulong ng patuloy na pag-aaral at palitan ng mga kaisipan.