04/09/2026
BUNGA NG SERBISYONG MAY PUSO
CATAGGAMAN NUEVO, MULING NAGTATAAS NG BANDILA SA PROBINSYA NG CAGAYAN!
Mula sa tagumpay noong nakaraang taon, muling pinatunayan ng Barangay Local Government Unit of Cataggaman Nuevo na ang tunay na kahusayan sa pamamahala ay bunga ng sipag, pagkakaisa, at serbisyong may puso.
Sa 2026 Excellence Award for Governance and Leadership Search for BESTS, buong pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang pagkilala sa CATAGGAMAN NUEVO BILANG PROVINCIAL WINNER sa mga sumusunod na kategorya:
🏆 Most Outstanding Barangay
🏆 Most Outstanding Barangay Executive (Punong Barangay) – Hon. Waldo L. Zingapan
🏆 Most Outstanding Sangguniang Barangay-Barangay Kagawads
🏆 Most Outstanding Barangay Secretary – John Paulo D. Calagui
🏆 Most Outstanding Barangay Tanod – Individual Category – Barangay Chief Tanod Dante B. Bassig
🏆 Most Outstanding Barangay Tanod – Team Category
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang isang parangal—ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at walang sawang paglilingkod ng buong barangay.
Mula sa pagkilala, tuloy ang pag-angat. Mula sa Provincial Winner, handa na tayong muling humakbang sa Regional Stage.
Good luck, Cataggaman Nuevo, sa Regional Assessment. Dalhin natin ang ating Serbisyong May Puso at ipakita ang galing ng Cataggaman Nuevo sa buong rehiyon dos!
PARA SA CATAGGAMAN NUEVO. PARA SA SERBISYONG MAY PUSO. PARA SA KARANGALAN NG ATING BARANGAY.