Atty. Gareth Saludares-Urbi Law Office

Atty. Gareth Saludares-Urbi Law Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Atty. Gareth Saludares-Urbi Law Office, Notary public, HITC Bldg., #154 Tuliao St., Caritan Norte, Tuguegarao City.

Mas mainam ang may alam.
08/06/2026

Mas mainam ang may alam.

Rights of adjacent land owners to cut-off branches of trees

Marriage and property regime.
07/06/2026

Marriage and property regime.

Ever wondered what really happens to your assets when you get marri...

Words are not just words. Freedom of speech is not a license to destroy someone's name.
06/06/2026

Words are not just words. Freedom of speech is not a license to destroy someone's name.

Enjoy the videos and music you love, upload original content, and share it all with friends, family, and the world on YouTube.

05/06/2026

Checkpoint sa mga nakamotor, ating alamin.

04/06/2026

Quorum and voting requirements sa Senado.

Mahalagang alamin.
03/06/2026

Mahalagang alamin.

Isa sa mga karaniwang maling paniniwala ay kapag kasal na ang isang tao, awtomatikong may kalahating pagmamay-ari na ang kaniyang asawa sa lahat ng kaniyang ari-arian. Sa katotohanan, hindi lahat ng property ng mag-asawa ay awtomatikong pag-aari nilang pareho.

Sa ilalim ng batas, mahalagang alamin kung kailan at paano nakuha ang isang ari-arian, pati na rin ang property regime na umiiral sa kanilang kasal.

📌 Ano ang Property Regime?

Ito ang nagtatakda kung paano pagmamay-arian, pamamahalaan, at hahatiin ng mag-asawa ang kanilang mga ari-arian. Narito ang mga karaniwang umiiral sa Pilipinas:

✔️ Absolute Community of Property (ACP)
-Para sa mga ikinasal: Noong o pagkatapos ng August 3, 1988 (kung walang prenuptial agreement).
-Paano ang hatian: Lahat ng ari-arian na dala ninyo bago ikasal at ang mga makukuha ninyo habang kasal ay pagsasaluhan ninyong dalawa, maliban sa ilang eksklusibong exception na itinatakda ng batas (gaya ng mana o donasyon).

✔️ Conjugal Partnership of Gains (CPG)
-Para sa mga ikinasal: Bago ang August 3, 1988 (kung walang prenup).
-Paano ang hatian: Ang ari-ariang pagmamay-ari na bago ang kasal ay nananatiling eksklusibong kanila. Ngunit ang mga kita, bunga, at ari-ariang nakuha habang kasal sa pamamagitan ng trabaho o pagsisikap ay nagiging conjugal (pag-aari ng mag-asawa).

✔️ Complete Separation of Property (CSP)
-Paano ang hatian: Kung ang mag-asawa ay nagkasundo sa pamamagitan ng isang valid na prenuptial agreement bago ang kasal na hiwalay ang kanilang ari-arian. Walang pakialamanan sa kani-kanilang ari-arian, kita, at utang.

📌 Alin ang mga ari-arian na Karaniwang Nananatiling EKSKLUSIBO (Hindi Co-owned)?

Kahit kasal ang isang tao, nananatiling sa kaniya lang ang property kung ito ay:
1. Mana (Inheritance): Ang mana na natanggap mula sa mga magulang o kamag-anak habang kasal ay hindi awtomatikong kasama sa pag-aari ng asawa.
2. Donasyon: Ang mga ari-ariang natanggap bilang donasyon na partikular na ibinigay lamang sa isang asawa.
3. Bago Ikinasal (Para sa CPG): Kung ang kasal ay bago ang August 3, 1988, ang ari-arian bago ikasal ay hindi pag-aari ng asawa.
4. May Nakaraang Pamilya (Para sa ACP): Kung ang isang tao ay may anak sa unang relasyon, ang mga ari-ariang nakuha niya bago ang ikalawang kasal ay nananatiling eksklusibo sa kaniya para protektahan ang kaniyang mga anak.

📌 Bakit mahalagang malaman ito bago makipagtransaksyon?

1. Sa Pagbebentang Lupa: Maaaring kailanganin o hindi kailanganin ang pirma ng asawa (spousal consent) depende sa kung exclusive o community property ang ibinebenta.
2. Sa Extrajudicial Settlement (EJS): Mahalagang matukoy kung sino talaga ang may legal na karapatan sa ari-arian upang maiwasan ang void o kanseladong bentahan.
3. Sa Paghahati (Legal Separation/Annulment): Malaking usapin kung ano ang hahatiin kapag naghiwalay o kapag may namayapa na.

Hindi sapat na tingnan lamang kung kasal ang nakasulat sa titulo (e.g., "married to..."). Mahalagang suriin ang pinagmulan ng ari-arian at petsa ng pag-acquire nito.

Bago pumasok sa bentahan, pagmamana, o anumang transaksyon sa ari-arian, masuri muna ang legal na katayuan nito upang maiwasan ang aberya at demanda sa hinaharap.

DISCLAIMER: This post by Hablero Law Office is for informational purposes only and does not constitute legal advice. No attorney-client relationship is formed by interacting with this content.










Classroom set-up: Are the words "bobo" and "tanga" uttered by a teacher during a class constitute child abuse and can he...
02/06/2026

Classroom set-up:

Are the words "bobo" and "tanga" uttered by a teacher during a class constitute child abuse and can he/she be held administratively liable? - Yes.

78.6K likes, 2294 comments. “Child abuse ng teacher sa student”

01/06/2026

Violation of Anti-VAWC Act

For the awareness of all married couples.
31/05/2026

For the awareness of all married couples.

Nagpasya ang na ang mga kilos ng isang asawa na lumilikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak, kanilang mga anak, at mga anak sa labas ng kasal ay maaaring ituring na “grossly abusive conduct” o labis na mapang-abusong pag-uugali sa ilalim ng Family Code at maaaring magsilbing batayan para sa legal separation.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., pinagbigyan ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang petisyon para sa legal separation na inihain ng isang asawa laban sa kanyang kabiyak matapos ituring na grossly abusive conduct sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code ang mga kilos nito.

Ikinasal ang mag-asawa noong 2003 at nagkaroon ng dalawang anak. Pero nakaranas ang asawang lalaki ng iba’t ibang mapang-abusong pag-uugali mula sa kanyang kabiyak. Ayon sa kanya, kontrolado nito ang kanilang pananalapi at tumangging magbigay ng tulong pinansiyal kahit kailangan niyang magpagamot ng matinding sakit ng ngipin at sumailalim sa root canal procedure.

Sa isang salu-salo, sinabi umano ng kanyang kabiyak sa kanilang mga kaibigan na nais nitong putulin ang kanyang ari dahil hindi na sila nagtatalik. Inakusahan din niya ang asawa ng pagkukuwento tungkol sa kanya sa pamilya at mga kaibigan habang binabaluktot ang mga pangyayari para mapalabas siyang masama.

Tumanggi rin umano ang kanyang kabiyak na sumailalim sa marriage counseling, pinagbawalan siyang makipagkita sa kanyang mga kaibigan, minanipula ang kanilang mga anak para pilitin siyang magbigay ng mas malaking suportang pinansiyal, at nananatili ang “controlling” na ugali sa buong panahon ng kanilang pagsasama.

Pinagbigyan ng Regional Trial Court (RTC) ang petisyon para sa legal separation pero binaliktad ito ng Court of Appeals matapos nitong ituring na karaniwang alitan lamang ng mag-asawa ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang pasya ng RTC at nilinaw na ang mga gawaing itinuturing “grossly abusive conduct,” na isang batayan para sa legal separation sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code, ay kinabibilangan ng mga kilos ng isang asawa na lumilikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak o mga anak.

Binigyang-diin din ng Korte Suprema na kinakailangang suriin ng mga hukuman ang bawat kaso batay sa kani-kanilang mga pangyayari at ebidensiyang iniharap.

Bagaman hindi pinahihintulutan ng Family Code ang absolute divorce, maaaring legal na maghiwalay ang mag-asawa sa pamamagitan ng utos ng hukuman nang hindi napapawalang-bisa ang kanilang kasal. Hindi tulad ng deklarasyon na walang bisa ang kasal, ang legal separation ay hindi pumuputol sa bigkis ng pag-aasawa.

Kabilang sa mga batayan para sa legal separation sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code ang paulit-ulit na pisikal na pananakit o grossly abusive conduct laban sa asawa, kanilang anak, o anak ng asawa.

Dagdag pa ng Korte Suprema, ang interpretasyong ito ay naaayon sa tungkulin ng Estado sa ilalim ng Konstitusyon na pangalagaan ang kasal bilang pangunahing institusyong panlipunan.

Sa kasong ito, napag-alaman ng Korte Suprema na ang pinagsama-samang kilos ng asawa ay lumikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak. Napilitan umano ang asawa na palaging sumunod sa kagustuhan ng kanyang kabiyak, at nabigo rin ang kanyang mga pagsisikap na ayusin ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng counseling at iba pang mga hakbang. Pinagtibay rin ng mga testigo ang “controlling” na ugali ng asawa, na sumuporta sa konklusyon na may umiiral na mapanganib na kalagayan sa kanilang tahanan. Dahil dito, nagpasya ang Korte Suprema na may sapat na dahilan ang asawa para humiling ng reassignment sa ibang lalawigan para makalayo sa sitwasyon sa kanilang bahay.

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang legal separation at ibinalik ang kaso sa RTC para sa pagbuwag at paghahati ng ari-arian ng mag-asawa. Inatasan din nito ang RTC na magpasya ukol sa kustodiya at suporta para sa kanilang mga anak.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166927

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164913

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164917

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

HITC Bldg., #154 Tuliao St., Caritan Norte
Tuguegarao City
3500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Gareth Saludares-Urbi Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category