Tuguegarao Licensing Center

Tuguegarao Licensing Center This is the Official Page of LTO - Tuguegarao Licensing Center.

PUBLIC ADVISORY: FREE THEORETICAL DRIVING COURSE (TDC) - SCHEDULE UPDATEGood news, TUGUEGARAO CITY residents!The Land Tr...
01/09/2026

PUBLIC ADVISORY: FREE THEORETICAL DRIVING COURSE (TDC) - SCHEDULE UPDATE

Good news, TUGUEGARAO CITY residents!

The Land Transportation Office - Tuguegarao Licensing Center, in partnership with LGU TUGUEGARAO CITY, Cagayan, will conduct a FREE Theoretical Driving Course (TDC).

TAKE NOTE: 200 SLOTS ONLY (FIRST COME FIRST SERVE)

NEW SCHEDULE:
September 12,2026 - Free Theoretical Driving Course Seminar (LECTURE DAY)

September 19, 2026 - CARAVAN VENUE: Ugac Sur Gymnasium, Tuguegarao City, Cagayan

WHO CAN JOIN:
This activity is EXCLUSIVE FOR RESIDENTS OF TUGUEGARAO CITY ONLY.

HOW TO JOIN:
1. Pre-register on or before September 11, 2026.
Register here: https://forms.gle/WjQ5PCovqRNKv2xx5

2. Bring all required documents on the day of the seminar. (Please refer to the attached image for the list of requirements)

REMINDER:
The TDC is a required seminar by LTO for applicants of Student Permits and Driver’s Licenses. This 2-day course will teach you road safety, road discipline, and traffic rules and regulations.

Let’s take this opportunity to become more responsible and disciplined drivers!

For inquiries, please message the Tuguegarao Licensing Center page.

01/09/2026

π‹π“πŽ, 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ 𝐍𝐆 𝐉𝐄𝐄𝐏 𝐀𝐓 ππ‘πˆππ€πƒπŽππ† π’π€π’π€πŠπ˜π€π πŒπ€π“π€ππŽπ’ πŒπ€π’π€ππ†πŠπŽπ“ 𝐒𝐀 π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 𝐒𝐀 πŒπ€π‘πˆπŠπˆππ€ π‚πˆπ“π˜; πŒπ†π€ π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ 𝐀𝐓 π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Muling umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos matukoy ang mga sangkot sa insidente ng road rage sa A. Bonifacio patungong C-5 sa Marikina City, na nagresulta sa agarang pag-iisyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong mga may-ari at itinalagang drayber ng isang jeepney at isang pribadong sasakyan.

Batay sa video ng insidenteng nakarating sa ahensya, makikitang magkalapit na bumibiyahe ang isang pribadong sasakyan at isang jeepney sa kahabaan ng A. Bonifacio habang papalapit sa C-5, Marikina City. Kalaunan, bumaba mula sa kanilang mga sasakyan ang mga drayber, kasama ang ilan sa kanilang mga pasahero, at nasangkot sa pisikal na komprontasyon sa gitna ng kalsada.

Dahil dito, inatasan ang rehistradong mga may-ari at itinalagang drayber ng dalawang sasakyan na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO at magsumite ng kanilang sinumpaang paliwanag kaugnay ng mga paglabag na tinukoy sa kanilang mga SCO, kabilang ang Reckless Driving, Obstruction of Traffic, at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle, bukod pa sa iba pang paglabag na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Samantala, isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang mga lisensya ng mga itinalagang drayber at inatasang agad itong isuko sa IID.

Inilagay na rin sa alarm status ang dalawang sasakyang sangkot habang nagpapatuloy ang kaukulang proseso at imbestigasyon ng ahensya.

β€œHindi natin kukunsintihin ang anumang uri ng karahasan at kaguluhan sa kalsada. Hindi lisensya ang galit para bumaba ng sasakyan at makipagsagutan o makipagsuntukan sa gitna ng kalsada, lalo na kung nalalagay sa panganib ang ibang motorista. Ang mga sangkot sa insidenteng ito ay haharap sa kaukulang pananagutan,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

Binigyang-diin ng LTO na ang kalsada ay para sa lahat at hindi lugar para sa anumang uri ng karahasan o iresponsableng pagkilos. Patuloy na paiigtingin ng ahensya ang mga hakbang laban sa mga paglabag na maaaring magbanta sa kaligtasan at kaayusan sa mga pampublikong lansangan.

ππ”πˆπ‹πƒπˆππ† 𝐁𝐄𝐓𝐓𝐄𝐑 π€π’π’π„π’π’πŽπ‘π’, ππ‘π„ππ€π‘πˆππ† 𝐁𝐄𝐓𝐓𝐄𝐑 πƒπ‘πˆπ•π„π‘π’: π‹π“πŽ π‘πŸŽπŸ 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐍𝐆𝐓𝐇𝐄𝐍𝐒 πƒπ‘πˆπ•πˆππ† π’πŠπˆπ‹π‹π’ 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐑𝐒In its continuing commitme...
01/09/2026

ππ”πˆπ‹πƒπˆππ† 𝐁𝐄𝐓𝐓𝐄𝐑 π€π’π’π„π’π’πŽπ‘π’, ππ‘π„ππ€π‘πˆππ† 𝐁𝐄𝐓𝐓𝐄𝐑 πƒπ‘πˆπ•π„π‘π’: π‹π“πŽ π‘πŸŽπŸ 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐍𝐆𝐓𝐇𝐄𝐍𝐒 πƒπ‘πˆπ•πˆππ† π’πŠπˆπ‹π‹π’ 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐑𝐒

In its continuing commitment to promote competent drivers and safer roads, the Land Transportation Office Region 02 (LTO R02) conducted the Orientation Seminar for Alternate Driving Skills Raters – Batch 1 on August 28, 2026, at Hotel Carmelita, Diversion Road, Tuguegarao City, Cagayan.

The activity brought together participants from various LTO District and Extension Offices (DOs/EOs) to enhance their knowledge and skills in conducting proper, fair, and reliable driving assessments. Engr. Eztela Buscas and Mr. Arvin Zinampan, serving as Subject Matter Experts (SMEs), shared their expertise on driving skills assessment, safety standards, evaluation procedures, and proper reporting.

Acting Regional Director Geronimo C. Santos welcomed the participants and emphasized the importance of continuous learning and capability-building in ensuring quality and efficient service to the motoring public. Also present during the activity was Acting Chief of the Administrative Division Atty. Ma. Lorely L. Canapi.

The seminar concluded with closing remarks from Chief, Financial Management Division Annie N. Peralta, who encouraged the participants to apply their learnings and continue upholding professionalism in the performance of their duties.

More than just a training activity, the seminar reflects LTO R02’s continuing efforts to strengthen the competence of its personnel and ensure that driving assessments are conducted with fairness, consistency, and integrity. Better-trained assessors help develop better-prepared drivers, bringing the agency one step closer to achieving safer roads and safer communities throughout the Region.

This initiative also supports the continuing direction of the Department of Transportation (DOTr), under Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez, and the Land Transportation Office, under Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, in strengthening road safety programs and improving services for the Filipino motoring public.

31/08/2026

π‘π„π‚πŠπ‹π„π’π’ 𝐍𝐀 ππ€π†ππ€ππ€π“π€πŠππŽ 𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 π’ππŽπ‘π“π’ 𝐂𝐀𝐑 𝐒𝐀 π’πŠπ˜π–π€π˜, 𝐀𝐆𝐀𝐃 πˆππˆππ€π†-π”π“πŽπ’ 𝐍𝐈 π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π… 𝐍𝐀 𝐈-π€π‹π€π‘πŒπ€ 𝐀𝐍𝐆 πŒπ†π€ π’π€π’π€πŠπ˜π€π 𝐀𝐓 π’π”π’ππ„ππƒπˆπ‡πˆπ 𝐀𝐍𝐆 π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πƒπ‘π€π˜ππ„π‘

Naglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, laban sa mga sangkot na drayber at rehistradong may-ari ng dalawang sports car matapos makarating sa ahensya ang video na nagpapakita ng delikadong pagmamaneho sa Skyway.

Batay sa viral video na ipinost sa page na β€œAuto Vision,” kapwa makikitang nagpapalit ng linya ang dalawang sasakyan at tumatawid sa solid white line habang binabaybay ang Skyway. Napansin din na hindi gumamit ng wastong signal light ang mga drayber bago lumipat mula sa isang linya patungo sa kabilang linya, na maaaring magdulot ng panganib sa iba pang motorista.

Dahil sa ipinakitang agresibong pagmamaneho, agad na ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang pagsasagawa ng kaukulang aksyon at inatasan ang mga sangkot na drayber na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office, para sa pagdinig sa Setyembre 7, 2026. Inatasan din silang magsumite ng kanilang mga sinumpaang salaysay, kalakip ang mga kaukulang dokumentong maaaring sumuporta sa kanilang pahayag kung bakit hindi dapat managot ang mga itinalagang drayber sa mga paglabag na nakasaad sa SCO, kabilang ang Reckless Driving at Signals on Starting, Stopping or Turning, partikular sa kabiguang magbigay ng wastong signal habang nagpapalit ng linya.

Inatasan din ang mga sangkot na drayber na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa pagsususpinde o tuluyang pagbawi ng kanilang mga lisensya sa pagmamaneho.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, kinakailangang isuko ng ng mga sangkot na drayber ang kanilang lisensya a pagmamaneho at isasailalim ang mga ito sa 90-araw na preventive suspension. Bukod dito, inilagay rin sa alarm status ang dalawang sasakyan na sangkot sa insidente.

β€œHindi sukatan ng batas ang presyo ng sasakyan. Mamahalin man o hindi, pare-pareho ang batas na kailangang sundin. Walang lugar ang espesyal na pagtrato sa sinumang lumalabag sa batas-trapiko. Haharap sila sa LTO at sasailalim sa nararapat na aksyon alinsunod sa batas," saad ni Asec. Lacanilao.

Muling ipinapaalala ng LTO na anuman ang uri, modelo o halaga ng sasakyan, kailangang sundin ng bawat motorista ang mga batas at regulasyon sa lansangan. Patuloy na paiigtingin ng ahensya ang pagpapatupad ng batas-trapiko upang mapanatili ang kaligtasan sa kalsada, at agad na aaksyunan ang bawat paglabag upang matiyak na walang sinumang makaiiwas sa kaukulang pananagutan.

πŒπ€ππ€ππ†π€ππˆπ 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆-πŽπŽπ•π„π‘π“π€πŠπ„ 𝐍𝐆 ππ€πŒππ€π’π€π‡π„π‘πŽππ† 𝐁𝐔𝐒, πˆππ€πŠπ’π˜π”ππ€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π’π‚πŽ πˆππˆπ‹π€ππ€π’, π‹πˆπ’π„ππ˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ 𝐀𝐓 𝐁𝐔𝐒 ...
31/08/2026

πŒπ€ππ€ππ†π€ππˆπ 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆-πŽπŽπ•π„π‘π“π€πŠπ„ 𝐍𝐆 ππ€πŒππ€π’π€π‡π„π‘πŽππ† 𝐁𝐔𝐒, πˆππ€πŠπ’π˜π”ππ€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π’π‚πŽ πˆππˆπ‹π€ππ€π’, π‹πˆπ’π„ππ˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ 𝐀𝐓 𝐁𝐔𝐒 πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Sa ilalim ng pamumuno ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na umaksyon ang ahensya at nagpalabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at itinalagang drayber ng isang pampasaherong bus kaugnay ng isang insidenteng namataang mapanganib ang pagmamaneho.

Batay sa video na nakarating sa ahensya at nagsilbing batayan ng imbestigasyon, makikitang mapanganib na nag-overtake ang naturang bus at tumawid sa solid yellow lane na nagsisilbing traffic sign na nagbabawal sa pag-overtake at pagdaan sa kabilang linya.

Dahil sa malinaw na paglabag ng drayber, inaatasan ito na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office para sa pagdinig sa Setyembre 4, 2026, at magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag, kalakip ang mga dokumento na maaaring sumuporta sa kanilang paliwanag hinggil sa insidente.

Inaatasan ang drayber na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat maharap sa mga kaukulang paglabag sa ilalim ng R.A. 4136 na nakasaad sa SCO, kabilang ang Reckless Driving, Disregarding Traffic Sign, at Driving Against Traffic, gayundin kung bakit hindi dapat suspindihin o tuluyang bawiin ang kanyang lisensya dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Samantala, kinakailangan din ipaliwanag ng rehistradong may-ari kung bakit hindi siya dapat managot sa mga paglabag na Employing Reckless, Insolent, and Arrogant Driver, at Breach of Franchise Conditions.

Isinailalim na rin sa alarm status ang naturang bus habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Kinakailangan namang isuko ng driver ang kanyang lisensya sa pagmamaneho sa IID, na isasailalim sa 90-araw na preventive suspension.

"Hindi namin palalampasin ang ganitong mapanganib na pagmamaneho, lalo na sa pampasaherong bus. Kung hindi kayang sumunod sa batas-trapiko, haharap sa pananagutan, ipatutupad namin ang nararapat na parusa,” saad ni Asec. Lacanilao.

Muling nagpapaalala ang LTO sa lahat ng motorista na mahigpit na sumunod sa batas-trapiko at iwasan ang anumang uri ng mapanganib na pagmamaneho. Patuloy na magsasagawa ng kaukulang aksyon ang ahensya laban sa mga lalabag upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

Samantala, patuloy hinihikayat ng LTO ang publiko na iulat ang mga nasasaksihang paglabag sa opisyal na page na I-report mo kay LTO Chief o sa website na https://ireportmokayltochief.ph/ para sa maagap na imbestigasyon ng ahensya. Dahil sa LTO, bawat ulat ng paglabag, may aksyon.

31/08/2026

π’π€π’π€πŠπ˜π€ππ† ππ€π‡π”π‹πˆ-π‚π€πŒ 𝐒𝐀 ππˆπ†π‹π€π€ππ† ππ€π†π‹πˆπŠπŽ ππ€π“π”ππ†πŽ 𝐒𝐀 π„π—πˆπ“ 𝐋𝐀𝐍𝐄 𝐒𝐀 𝐒𝐋𝐄𝐗, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ 𝐍𝐆 π’π‚πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari at itinalagang drayber ng isang sasakyan matapos itong mamataang nagsagawa ng biglaang pagliko patungo sa exit lane habang bumibiyahe sa South Luzon Expressway (SLEX).

Batay sa video na nakarating sa LTO, makikitang biglaang lumiko ang naturang sasakyan patungo sa exit lane, isang maniobrang maaaring magdulot ng panganib hindi lamang sa mga sakay nito kundi maging sa iba pang kasabay na motorista sa kalsada.

Dahil dito, inatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at itinalagang drayber na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) sa itinakdang pagdinig at magsumite ng kanilang sinumpaang paliwanag kaugnay ng mga paglabag na tinukoy sa SCO.

Kabilang sa mga paglabag na iniimbestigahan ay ang Reckless Driving at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle, gayundin ang iba pang paglabag na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Samantala, agad na isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver’s license ng itinalagang drayber at inatasang isuko ito sa IID habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Inilagay rin sa alarm status ang naturang sasakyan.

β€œHindi puwedeng basta na lamang gumawa ng biglaang maniobra sa kalsada nang hindi iniisip ang maaaring mangyari sa ibang motorista. Isang maling desisyon lamang ay maaaring humantong sa aksidente at maglagay sa panganib sa buhay ng iba. Kaya dapat malinaw sa bawat drayber na ang pagmamaneho ay may kaakibat na responsibilidad,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

Tiniyak ng LTO na patuloy nitong ipatutupad ang mga umiiral na batas at regulasyon laban sa mga mapanganib at iresponsableng gawain sa lansangan. Binigyang-diin ng ahensya na ang bawat desisyong ginagawa sa likod ng manibela ay may direktang epekto sa kaligtasan hindi lamang ng drayber kundi maging ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

π‹π“πŽ, π”πŒπ€πŠπ’π˜πŽπ 𝐒𝐀 π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 𝐍𝐀 πŠπˆππ€π’π€ππ†πŠπ”π“π€π 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πƒπ‘πˆπ•π„π‘ 𝐍𝐆 π“π€π—πˆ 𝐀𝐓 π“π‘π”π‚πŠ; π’π‚πŽ πˆππˆπ‹π€ππ€π’, πŒπ†π€ π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠ...
31/08/2026

π‹π“πŽ, π”πŒπ€πŠπ’π˜πŽπ 𝐒𝐀 π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 𝐍𝐀 πŠπˆππ€π’π€ππ†πŠπ”π“π€π 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πƒπ‘πˆπ•π„π‘ 𝐍𝐆 π“π€π—πˆ 𝐀𝐓 π“π‘π”π‚πŠ; π’π‚πŽ πˆππˆπ‹π€ππ€π’, πŒπ†π€ π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Agad na kumilos ang Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos makarating sa ahensya ang viral video ng isang road rage incident na kinasangkutan ng isang taxi at isang truck. Dahil dito, naglabas ang LTO ng Show Cause Order (SCO) laban sa dalawang driver at kanilang mga rehistradong may-ari.

Batay sa video na inilabas ng page na β€œThe Visor,” makikita ang tatlong indibidwal na sakay ng truck na sabay-sabay na umaatake at nananakit sa isang taxi driver sa gitna ng kalsada. Sa naturang pangyayari, nakapuwesto rin ang truck sa paraang nakahahadlang sa maayos na daloy ng trapiko.

Samantala, sa hiwalay na video na nakarating sa ahensya, makikitang naghagis ng isang bagay ang taxi driver at ilang ulit na hinampas ng tubo ang windshield ng truck. Matapos nito, hinabol niya ang mga sakay ng truck habang dala pa rin ang tubo at nakipagtalo sa driver nito. Nagpatuloy ang komprontasyon hanggang sa hampasin niya ang pintuan sa bahagi ng driver, na nagresulta sa pagkabasag ng salamin nito.

Dahil sa ipinakitang pag-uugali ng mga sangkot na driver sa kalsada, agad na nagsagawa ng kaukulang aksyon ang LTO. Kinakailangan nilang humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office para sa pagdinig sa Setyembre 7, 2026 at magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay o paliwanag, kalakip ang mga dokumentong maaaring sumuporta sa kanilang panig kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga dapat nilang ipaliwanag ay kung bakit hindi sila dapat managot sa mga paglabag na nakasaad sa SCO. Kailangang ipaliwanag ng truck driver kung bakit hindi siya dapat managot sa paglabag na Obstruction of Traffic, gayundin kung bakit hindi dapat ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle ang dalawang driver, na maaaring humantong sa pagsuspinde o pagbawi ng kanilang mga lisensya sa pagmamaneho.

Samantala, kinakailangan ding ipaliwanag ng rehistradong may-ari o operator ng taxi kung bakit hindi siya dapat managot sa paglabag na Employing Reckless, Insolent, Discourteous or Arrogant Drivers kaugnay ng pag-uugali ng kanyang driver.

Kasabay ng pagpapalabas ng SCO, kinakailangang isuko ng mga sangkot na driver ang kanilang mga lisensya sa IID at ipatutupad ang 90-araw na preventive suspension. Inilagay din sa alarm status ang truck at pampasaherong taxi habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

β€œAng lisensya sa pagmamaneho ay hindi pribilehiyong dapat napupunta sa mga taong walang kontrol sa sarili at ginagawang lugar ng karahasan ang kalsada. Hindi ito katanggap-tanggap. Hindi namin kukunsintihin ang ganitong marahas na pag-uugali at sisiguraduhin naming mananagot ang mga sangkot,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

Muling ipinapaalala ng LTO na mahigpit nitong ipatutupad ang mga patakaran laban sa road rage at anumang uri ng karahasan sa kalsada. Hinihikayat ang lahat ng motorista na pairalin ang disiplina, pagpipigil sa sarili at paggalang sa kapwa. Sa halip na makipagtalo o gumanti, manatiling kalmado at unahin ang kaligtasan ng lahat. Ang motoristang pinagkalooban ng lisensya ay inaasahang may disiplina.

ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π‡π„π‘πŽπ„π’ πƒπ€π˜Ang Land Transportation Office (LTO) ay nakikiisa sa paggunita ng Araw ng mga Bayani ngayong Agosto 3...
31/08/2026

ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π‡π„π‘πŽπ„π’ πƒπ€π˜

Ang Land Transportation Office (LTO) ay nakikiisa sa paggunita ng Araw ng mga Bayani ngayong Agosto 31 bilang pagkilala at pagbibigay-pugay sa mga magigiting na Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay at paglilingkod para sa bayan.

Kaugnay nito, sarado ang lahat ng tanggapan ng LTO sa buong bansa ngayong araw, Agosto 31, 2026 bilang pagtalima sa naturang pambansang paggunita.

Magbabalik ang regular na operasyon ng lahat ng tanggapan ng LTO sa Setyembre 1, 2026.

Para sa iba pang anunsyo at mahahalagang impormasyon, manatiling nakasubaybay sa opisyal na social media accounts ng LTO.

Maraming salamat at Maligayang Araw ng mga Bayani! πŸ‡΅πŸ‡­

31/08/2026

π‹π“πŽ, 𝐍𝐀𝐆-πˆπ’π˜π” 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 π‘πˆπƒπ„π‘ 𝐍𝐀 ππ”πŒπ€π’πŽπŠ 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐑-𝐅𝐑𝐄𝐄 π™πŽππ„ 𝐀𝐓 πŠπ€π‹π€π”ππ€π π€π˜ ππ€πŠπ€ππ€ππ†π†π€ 𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐑𝐔𝐍𝐍𝐄𝐑 𝐒𝐀 πŒπ€πŠπ€π“πˆ π‚πˆπ“π˜; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Muling umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos magsagawa ng mabilis na imbestigasyon at maglabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at itinalagang rider ng motorsiklong sangkot sa viral na insidenteng naganap sa Ayala Avenue, Makati City noong Agosto 30.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng LTO, nasangkot ang rider sa insidente kung saan dalawang runner ang nabangga habang isinasagawa ang mga aktibidad sa lugar na itinalagang car-free zone.

Dahil sa insidenteng ito, inaatasan ang rehistradong may-ari at rider na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO para sa isasagawang pagdinig sa Setyembre 8, 2026. Kinakailangan nilang magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag, kalakip ang mga kaukulang dokumentong maaaring magsuporta sa kanilang isusumiteng paliwanag kaugnay ng mga alegasyon laban sa kanila.

Maaaring maharap ang rider sa mga paglabag na Reckless Driving at Disregarding Traffic Signs, gayundin sa pagsuspinde o pagbawi ng kanyang driver’s license dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Samantala, isinailalim na sa alarm ang sangkot na sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Isasailalim din sa alarm ang kanyang driver’s license at kinakailangang isuko ito sa IID, kung saan ito ay papatawan ng preventive suspension sa loob ng 90 araw.

β€œKung may malinaw na pagbabawal, dapat malinaw din ang pagsunod. Sa nangyari sa Makati, hindi namin hahayaang mauwi sa wala ang isang paglabag na nagdulot ng panganib sa mga taong dapat ay ligtas na gumagamit ng kalsada,” pahayag ni Asec. Lacanilao

Sa huli, muling ipinapaalala ng LTO na patuloy nitong binabantayan ang mga paglabag sa kalsada at agad na kumikilos sa mga insidenteng nakaaapekto sa kaligtasan ng publiko. Hinihikayat ng ahensya ang lahat ng motorista na laging maging responsable at disiplinado sa pagmamaneho upang maiwasan ang anumang aksidenteng maaaring magdulot ng pinsala sa ating sarili, gayundin sa kapwa motorista.

π“πˆππ†ππ€π: APAT NA β€˜PATOK’ JEEPNEY NA MAY PEKENG LISENSYA, ILEGAL NA MODIFICATION AT IMPROVISED PLATE, HINULI AT INIMPOUND...
28/08/2026

π“πˆππ†ππ€π: APAT NA β€˜PATOK’ JEEPNEY NA MAY PEKENG LISENSYA, ILEGAL NA MODIFICATION AT IMPROVISED PLATE, HINULI AT INIMPOUND NG LTO

Alinsunod sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao na paigtingin ang pagpapatupad ng mga batas-trapiko at tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada, apat na pampasaherong jeepney, na karaniwang tinatawag na β€œPatok” ang nahuli at isinailalim sa kustodiya ng ahensya sa isinagawang enforcement operation ng Law Enforcement Service (LES) noong Agosto 25.

Nagsagawa ng pinaigting na enforcement operation ang mga law enforcement officers mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi sa kahabaan ng Marcos Highway at Sumulong Highway.

Sa inspeksyon, natukoy ang iba’t ibang paglabag ng apat na Public Utility Jeepney (PUJ), kabilang ang defective parts and accessories, unauthorized modification, paggamit ng spurious driver’s license, inappropriate driver’s license, at paggamit ng unauthorized improvised plate number.

Dahil sa mga naturang paglabag, agad na isinailalim sa kaukulang enforcement action ang apat na nasabing jeepney at dinala sa impounding facility para sa kaukulang proseso.

β€œSimple lang naman ang gusto natin, makauwi nang ligtas ang lahat ng bumibiyahe. Kaya hindi natin palalampasin ang mga paglabag na maaaring magsapanganib sa buhay ng ating mga motorista at pasahero,” ani Asec. Lacanilao.

Muling iginiit ni Asec. Lacanilao na walang puwang sa kalsada ang mga sasakyang hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan at mga batas-trapiko, lalo na ang mga paglabag na maaaring maglagay sa panganib sa buhay at kaligtasan ng mga motorista, pasahero, at iba pang gumagamit ng lansangan.

Patuloy ang LTO sa pagpapaigting ng mga operasyon laban sa mga mapanganib at ilegal na sasakyan tungo sa pagsusulong ng mas ligtas, maayos, at disiplinadong sistema ng transportasyon para sa lahat.

Address

San Gabriel
Tuguegarao City
3500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tuguegarao Licensing Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share