25/10/2026
KASALUKUYAN: Nagsimula na ang pitong araw na eco-tour guiding training ng 24 senior citizens sa City of Ilagan, Isabela ngayong Linggo, Oktubre 25, sa Ilagan City Hotel and Convention Center.
Ilan sa mga mahahalagang bahagi ng pitong araw na training na magtatapos sa Oktubre 31 ay ang pag-aaral sa Gender and Development Tourism, tungkulin ng isang tour guide, Filipino Brand of Service Excellence at iba pa.
Bilang bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026, pinalalawig nito na dapat ang sektor ng nakatatanda ay bahagi at may ambag pa rin sa pagsulong ng ekonomiya sa pamamagitan ng turismo dahil sa kanilang kaalaman, kagalingan at kahusayan para ituro at ipakilala sa nakababatang henerasyon at sa iba pang sektor at lahi ang mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.
Ang aktibidad ay sa kolaborasyon ng National Commission of Senior Citizens - Region II, Department of Tourism - Region 02, Provincial Tourism Office of Isabela at ng Lokal na Pamahalaan ng Siyudad ng Ilagan sa pamamagitan ng City Tourism Office, Office for Senior Citizens Affairs at Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Inc. - Ilagan Chapter.