29/11/2025
PEST INFORMATION NO. 10 🌱CORN BROWN SPOT🌱
🔍 Ano ang Corn Brown Spot?
Ang Corn Brown Spot ay isang sakit sa dahon ng mais na dulot ng fungus. Umaatake ito sa lahat ng yugto ng halaman ngunit pinakamapinsala kapag basa ang panahon at mahina ang kalusugan ng tanim. Maaari itong magdulot ng pagbagsak ng ani lalo na kung lumala ang impeksiyon.
Mga Sintomas
1. Maliit at bilog hanggang pahabang kayumangging mantsa sa dahon
2. Ang mga mantsa ay maaaring kumalat at magdikit-dikit
3. Nagsisimula sa mababang dahon at unti-unting pataas
4. Ang matinding impeksiyon ay nagdudulot ng pagkakalbo ng dahon at mahinang pagbubutil
Kailan Lumalaganap ang Brown Spot?
-Mas mabilis kumalat ang sakit kapag:
1. Maulan at mataas ang halumigmig
2. Makapal ang pagtatanim at mahina ang sirkulasyon ng hangin
3. Mababa ang sustansiya ng lupa (kulang sa potash)
4. May naiwang inpektadong dayami o crop residues
5. Stress ang tanim (kulang sa abono, sobrang tubig, pesteng insekto)
Paraan ng Pagkalat
1. Hangin at ulan na nagdadala ng spores
2. Mga damo at volunteer corn na nagiging host
3. Impeksiyong galing sa mga natirang halaman sa lupa
4. Kontaminadong kagamitan o binhi
Pamamahala at Pagkontrol
🌱 A. Cultural Management
1. Gumamit ng resistant/tolerant varieties kung available.
2. Crop rotation ng 2–3 taon gamit ang hindi host tulad ng legume, root crops, o gulay.
3.Tamang distansya ng pagtatanim upang magkaroon ng maayos na airflow.
4. Balanced fertilization
-Iwasan ang sobrang nitrogen
-Dagdagan ng potassium (K) para sa matibay na dahon
5. Linis bukid – alisin at sunugin ang mga inpektadong tanim at dayami.
6. Iwasan ang overwatering at overhead irrigation.
7. Ayusin ang drainage upang hindi mababad ang ugat.
🌿 B. Sanitation at Field Hygiene
1. Paglinis ng tools at equipment bago at pagkatapos gamitin.
2. Pag-alis ng volunteer corn at mga damong maaaring pagmulan ng fungus.
🧪 C. Chemical Management
1. Gamitin lamang kung malala ang kondisyon at mabilis ang pagkalat.
🔍Pag-iwas
📌Gumamit ng certified clean seeds.
📌Dagdagan ang organic matter sa lupa (compost o mulch).
📌Sundin ang crop rotation.
📌Panatilihin ang maayos na drainage at linis-bukid.