14/01/2026
๐๐ ๐๐ฉ๐ ๐ซ๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐๐๐๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ง๐ ๐๐.๐-๐, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฆ๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ง๐, ๐๐๐ ๐๐ฒ๐๐ง
๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ โ Pormal na ipinamahagi ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) ang dalawampung (20) heads ng upgraded buffalo sa Bagu Coconut Planters Association sa Barangay Bagu, Pamplona, Cagayan noong Enero 12, 2026.
Ang nasabing proyekto, na may kabuuang halaga na P2.2 milyon, ay naisakatuparan sa ilalim ng Livestock Economic Enterprise Development (LEED) Program ng ahensya. Layunin nitong palakasin at pasiglahin ang industriya ng dairy o paggagatas sa nasabing komunidad.
Pinangunahan ang distribusyon ni Dr. Giovani Tumaliuan, kinatawan ng DA RFO 2 Livestock Program. Sa kanyang mensahe, tiniyak niya ang patuloy na agapay ng kagawaran sa kanilang samahan.
"Kami po sa DA RFO 2 Livestock Program ay buong pusong sumusuporta sa inyong asosasyon," pahayag ni Dr. Tumaliuan.
Dinaluhan din ang aktibidad ni Municipal Agriculturist Engr. Maxon Panaga na nagpaabot ng pasasalamat sa DA RFO 2. Nangako rin ito ng suporta upang mas mapalago ang sektor ng agrikultura sa bayan.
"Maraming salamat sa DA RFO 2 sa suporta sa aming mga FCAs. Sa ngalan ng Lokal na Pamahalaan ng Pamplona, susuportahan namin ang mga proyekto ng DA RFO 2 at tutulong sa mga magsasaka para mas mapabuti ang sektor ng agrikultura dito sa aming bayan," ani Engr. Panaga.
Labis naman ang pasasalamat ni Mr. Jay-ar Echenique, Pangulo ng Bagu Coconut Planters Association, dahil sa tulong na hatid ng mga kalabaw sa kanilang kabuhayan. Binigyang-diin niya na hindi lamang sa produksyon ng gatas makatutulong ang mga hayop, kundi pati na rin sa paggawa ng organikong pataba.
"Malaking tulong ang mga kalabaw na ito sa aming kabuhayan. Hindi lang sa gatas kundi magagamit na rin namin ang dumi ng kalabaw sa paggawa ng organic na abono. Thank you sa DA RFO 2," wika ni Echanigue.
Ang pamamahagi ng mga upgraded buffalo ay inaasahang magiging susi sa pagpapalawak ng produksyon ng gatas sa lalawigan.
๐๐๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ธ๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐ ๐ฟ. ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฒ๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฎ (๐๐ถ๐๐ฒ๐๐๐ผ๐ฐ๐ธ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ)