21/10/2026
๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐ฝ: ๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ฟ๐๐๐ฃ๐๐๐๐, ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐ง๐ค๐ฉ๐๐ ๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐๐
Noong ika-15 ng Oktubre 2026, isinagawa ng Komisyon sa Karapatang Pantao Rehiyon II (CHR RO2), katuwang ang Provincial Jail ng Nueva Vizcaya, ang aktibidad na โMga Tinig sa Loobโ sa Nueva Vizcaya Provincial Jail, Bayombong, bilang pakikiisa sa 2026 National Correctional Consciousness Week (NACOCOW).
Ang aktibidad ay isang advocacy at konsultasyon kasama ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL). Layunin nitong pakinggan ang kanilang mga tinig at pananaw, at ipaalala na ang dignidad at karapatan ng bawat tao ay nananatili kahit sila ay pinagkaitan ng kalayaan.
Bahagi ito ng kampanyang Bantay Bilangguan, na naglalayong itaguyod ang pagtatatag ng National Preventive Mechanism (NPM) upang maiwasan ang torture at iba pang anyo ng pang-aabuso sa mga lugar ng detensyon.
Nagsimula ang programa sa mensahe ng pagtanggap ni Provincial Jail Warden Carmelo B. Andrada, kasunod ang mensaheng inspirasyonal ni OIC-Regional Director Atty. Cecilia Melad-Lazaro, LLM.
โ
BANTAYAN โ Bakit Kailangan ang NPM? Ipinaliwanag ni Chief Carlito A. Agustin, JD ng Investigation Division kung bakit mahalaga ang NPM sa pag-iwas sa torture at iba pang pang-aabuso sa mga lugar ng detensyon.
Ipinakilala rin ni Atty. Marie Grace Divina R. Marcos, Attorney IV ng CHR RO2, ang Legal Clinic Caravan ng Komisyon. Layunin ng inisyatibong ito na ilapit sa mga PDL ang legal na impormasyon at tulong, upang mas maunawaan nila ang kanilang mga karapatan at ang mga hakbang na maaari nilang gawin kaugnay ng kanilang kalagayan.
โ
PAKINGGAN โ Tinig ng PDL. Pinangunahan ni Special Investigator II Josephine Leah A. Bulauan, JD ang talakayan hinggil sa mga mabubuting gawain, mga kondisyong kailangang pagbutihin, at mga rekomendasyon upang higit na maprotektahan ang karapatan at dignidad ng mga PDL.
โ
MAKILAHOK โ Pirma para sa Preso. Inilahad ni Special Investigator I Ferdinand T. Almazan ang kampanya, at nilinaw na boluntaryo ang pakikilahok.
Ipinakilala rin ni Atty. Marie Grace Divina R. Marcos, Attorney IV ng CHR RO2, ang Legal Clinic Caravan ng Komisyon. Layunin ng inisyatibong ito na ilapit sa mga Persons Deprived of Liberty ang legal na impormasyon at tulong, upang mas maunawaan nila ang kanilang mga karapatan at ang mga hakbang na maaari nilang gawin kaugnay ng kanilang kalagayan.
Patunay ito na ang pagtataguyod ng karapatang pantao ay hindi lamang pakikinig, kundi pagbibigay rin ng aktuwal na suporta at gabay sa mga nangangailangan nito.
Pinasalamatan ng CHR RO2 si Provincial Jail Warden Carmelo B. Andrada at ang buong pamunuan at kawani ng Nueva Vizcaya Provincial Jail, gayundin ang lahat ng PDL na nakilahok at nagbahagi ng kanilang mga pananaw.
Ang pagprotekta sa dignidad ng mga PDL ay sama-samang pananagutan ng lahat.
Bantayan ang karapatan. Pakinggan ang boses. Pigilan ang pang-aabuso.
Sa tanglaw ng dignidad, walang anino ng pang-aabuso.