Office of the Municipal Agriculturist II-Pamplona

Office of the Municipal Agriculturist II-Pamplona Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Office of the Municipal Agriculturist II-Pamplona, Government Organization, Tuguegarao City.

AGRI BALITA!Ikinagagalak namin na ang Barangay Bidduang na kasalukuyang pinamumunuan ni Hon. Juliet M. Baccay ay matagum...
26/11/2021

AGRI BALITA!

Ikinagagalak namin na ang Barangay Bidduang na kasalukuyang pinamumunuan ni Hon. Juliet M. Baccay ay matagumpay na nasungkit ang pangatlong pwesto (3rd Place) sa "Best Barangay Implementer of Anti Rabies Act of 2007 (RA 9482)" na sinalihan ng 10 barangay sa ibat ibang Munisipalidad sa Probinsya ng Cagayan.

Ito ay ginanap sa Cagayan Breeding Station sa Nararagan, Ballesteros, Cagayan ngayong araw ng Byernes taong kasalukuyan.

Sila ay nakatanggap ng plake ng pagkilala at Cash Award.

Naway maging modelo ito sa lahat ng barangay dito sa bayan ng Pamplona.

17/08/2020

DA-RFO 02 MULING INABISUHAN ANG PUBLIKO TUNGKOL SA ASF

Muling inaabisuhan ng Department of Agriculture - Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) ang publiko na mag-ingat sa African Swine Fever (ASF).

Ito ay pagkatapos na nakapagtala ng bagong kaso ng ASF sa apat na bayan ng Isabela tulad ng Quezon, Roxas, Aurora at Luna.

Ipinahayag ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo sa kanyang radio program, Director’s Hour, sa DZDA ngayong araw, na ang ASF ay naitala noong huling yugto ng Hulyo sa Quezon at sumunod na rin ang iba pang mga bayan.

“Sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, nagsagawa tayo kaagad ng blood sampling at culling ng mga apektadong baboy,” ani Edillo. “Sa ngayon ay umaabot na sa 432 heads ang culled.”

Sinabi nito na sa apat na bayan, walong barangays ang apektado at kinabibilangan ng pitumpot siyam na magsasaka.

Ayon naman kay Dr. Manuel Galang Jr., Veterinarian III, ang mga kaso ng ASF ay posibleng nag-ugat sa hindi pagpapatupad ng farm bio-security measures ng mga nag-aalaga ng baboy.

“Ibig sabihin nito na mayroon pa ring virus sa ating lugar kung kaya’t patuloy sana ang epektibong pagpapatupad ng mga checkpoint protocols sa buong rehiyon,” aniya.

Ipinapayo din nito sa mga nag-aalaga ng baboy na hindi magpakain ng tira-tira o swill feeding at siguraduhing malinis ang pag-aalagaan sa lahat ng pagkakataon.

Idinagdag pa ni Galang na ipinagbabawal ang pagbenta ng karne mula sa may sakit na baboy at paggamit nito sa paggawa ng processed meat tulad ng tocino, longganisa at iba pa.

Sinabi pa nito na kanila ring minamanmanan ang mga bayan ng Mallig, Ramon at Echague na posibleng apektado ng ASF dahil sa mga ulat na natatanggap sa tulong ng Provincial Government ng Isabela.

Sa ngayon ay patuloy ang maigting na pakikipag-ugnayan ng DA-RFO 02 sa mga lokal na pamahalaan at livestock raisers para sa pagsasagawa ng blood sampling at surveillance.

Samantala, ipinaalam ni Edillo na tapos na ang distribusyon ng unang batch ng indemnification fund sa mga apektadong magsasaka na nagkakalahalaga ng P5.7 milyon.

Aniya, umaabot na sa 1,156 ang nabigyan ng indemnification sa kabuuang 2,758 na depopulated hogs at kinabibilangan ng 189 sa 430 na magsasaka.

Nakikiusap din siya sa mga nakasama sa second batch na antayin lamang ang release ng pondo mula sa DA Central Office na nagkakahalaga ng mahigit walong milyong piso.

Ayon pa kay Edillo, nakipag-ugnayan na rin ang DA-RFO 02 sa Central Office at Bureau of Animal Industry (BAI) para maalis na ang mga lugar na apektado ng ASF sa infected o red zone tungo sa buffer o pink zone.

Ayon sa polisiya, ang mga lugar na mapatunayang wala ng kaso pagkatapos ng sunud-sunod na tatlong blood sampling na magnegatibo ay maaari ng ideklarang ASF free.

28/07/2020

Sa lahat po ng MAFC Officers, hinihingi po namin ang inyong kooperasyon para sa pagkolekta ng mga resibo ng ating mga mahal na magsasaka ng Pamplona at maaring hanggang lunes na po ang huling pagpasa dto sa aming opisina para sa masterlisting.
Salamat

AGRI UPDATE!Sa mga magsasaka na may malawak na taniman ng niyog na hindi pa naka avail ng Cash Assistance mula sa PCA ( ...
22/07/2020

AGRI UPDATE!
Sa mga magsasaka na may malawak na taniman ng niyog na hindi pa naka avail ng Cash Assistance mula sa PCA ( Philippine Coconut Authority) , may 60 hectares pa na allocated ng PCA para sa Pamplona. Mangyari lamang po na bumisita sa aming opisina para sa karagdagang impormasyon.

22/07/2020

PAALALA mga Ka-Agri
Isumite na po ninyo ang mga opisyal na resibo ng urea na inyong nabili sa mga farm supply na sertipikado ng Fertilizer and Pesticide Authority sa inyong mga Barangay Kagawad o di kaya sa mga Presidente ng Asosasyon na inyong kinabibilangan hanggang biyernes para po mapabilang kayo sa masterlist ng mga makakakuha ng abono
Salamat

18/07/2020

FYI KA-AGRI
Mga mahal po naming magsasaka ng Pamplona, maaari na kayong magsumite ng resibo ng nabili nyong abono na urea sa aming opisina sa Lunes, July 19, 2020 para masimulan na ang pagmasterlist ng mga benepisyaryo ng Abono.
Paalala lamang po na dapat ang farm supply na napagbilhan nyo ng abono ay rehistrado sa DTI at FPA (Fertilizer and Pesticide Authority)

10/07/2020

FYI mga Ka-Agri
May mga available po tayong seedling ng Kamatis at Sili na ready na pong itanim para sa mga interasado po at may handa pagtatamnan, maaari po kayong bumisita dto sa aming opisina..
Farming mga KA-Agri

Joint Seedling Production Project of DA Cagayan Valley, Pamplona National School of Fisheries and LGU Pamplona in ensuri...
01/07/2020

Joint Seedling Production Project of DA Cagayan Valley, Pamplona National School of Fisheries and LGU Pamplona in ensuring food security amid pandemic.. Everybody is qualified to avail.

Still a lot more available at PNSF, signify your request at PNSF or at the office.

01/07/2020
28/06/2020
Agri Updates! Kasalukuyang ipinapamahagi ng aming Opisina katuwang ang DA-RFO 02 Staff, Provincial Agriculture Office St...
25/06/2020

Agri Updates!

Kasalukuyang ipinapamahagi ng aming Opisina katuwang ang DA-RFO 02 Staff, Provincial Agriculture Office Staff at Landbank of the Philippines ang 2nd batch ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa ating mga magsasaka.
to the group

Address

Tuguegarao City
3522

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Municipal Agriculturist II-Pamplona posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Office of the Municipal Agriculturist II-Pamplona:

Share