Cagayan Valley AMIA - CREATE

Cagayan Valley AMIA - CREATE AMIA is a flagship program of the Department of Agriculture for climate adaptation and mitigation.

Coordinated and managed by the Climate-Resilient Agriculture Office (DA-CRAO).

🌦️🚜 10-DAY FARM WEATHER OUTLOOK AND ADVISORYπŸ“ Region II (Cagayan Valley)πŸ“… August 24 – September 2, 2026Farmers, fisherfo...
26/08/2026

🌦️🚜 10-DAY FARM WEATHER OUTLOOK AND ADVISORY
πŸ“ Region II (Cagayan Valley)
πŸ“… August 24 – September 2, 2026

Farmers, fisherfolk, and agricultural stakeholders are encouraged to remain vigilant and monitor weather conditions throughout the outlook period. Weather disturbances may bring intermittent rains and thunderstorms that could affect farming activities in some areas of the region.

🌱 Farm Advisory:
βœ… Regularly inspect crops and farm facilities for possible weather-related damage.
βœ… Ensure drainage canals and waterways are free from obstructions to minimize flooding and waterlogging.
βœ… Suspend pesticide application during rainy or windy conditions.
βœ… Secure farm structures, livestock shelters, and agricultural equipment.
βœ… Schedule field operations during favorable weather conditions and avoid outdoor activities during thunderstorms.
Timely access to weather and climate information is essential for effective farm planning, crop protection, and risk reduction. Stay updated with the latest forecasts and advisories from DOST-PAGASA and local government authorities.
🌾 Stay informed. Be prepared. Protect your crops and livelihood.

🚨 HEADS UP, KA-AMIA! 🌧️πŸŒͺ️Patuloy nating bantayan ang galaw ng Tropical Cyclone "MAYMAY" (Kujira) na maaaring magdala ng ...
06/08/2026

🚨 HEADS UP, KA-AMIA! 🌧️πŸŒͺ️
Patuloy nating bantayan ang galaw ng Tropical Cyclone "MAYMAY" (Kujira) na maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa ilang bahagi ng Cagayan Valley.
🌾 Mga magsasaka, maging AMIAhanda!
βœ… I-secure ang mga pananim, kagamitan, at pasilidad sa sakahan.
βœ… Linisin ang mga kanal at tiyaking maayos ang daluyan ng tubig.
βœ… Iwasan muna ang pag-aani, pagpapatuyo ng ani, at iba pang gawaing-bukid habang may masamang panahon.
βœ… Ilipat sa ligtas na lugar ang mga alagang hayop at makinarya kung kinakailangan.
βœ… Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather updates at advisories.
πŸ“Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 ang umiiral sa mainland Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.
πŸ’š Ang maagap na paghahanda ay susi sa ligtas at matatag na pagsasaka.

🌦️ HEADS UP, KA-AMIA! 🌾Narito ang Seasonal Climate Outlook (August 2026 – January 2027) batay sa pinakahuling pagtataya ...
06/08/2026

🌦️ HEADS UP, KA-AMIA! 🌾

Narito ang Seasonal Climate Outlook (August 2026 – January 2027) batay sa pinakahuling pagtataya ng DOST-PAGASA.

🌧️ Mga pangunahing inaasahan:

Mahina hanggang katamtamang El NiΓ±o ang kasalukuyang nararanasan at inaasahang lalakas hanggang sa mga susunod na buwan.
Malapit sa normal hanggang mas mababa sa normal ang inaasahang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa sa mga huling buwan ng taon, habang may mga lugar na maaaring makaranas ng above-normal rainfall.
🌑️ Bahagyang mas mainit hanggang mas mainit kaysa karaniwan ang temperatura sa karamihan ng mga lugar.
πŸŒ€ Tinatayang 7 hanggang 11 tropical cyclones ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Agosto 2026 hanggang Enero 2027.

βœ… Mga Paalala sa mga Magsasaka:
β€’ Planuhin ang iskedyul ng pagtatanim at pag-aani batay sa inaasahang lagay ng panahon.
β€’ Magpatupad ng mga climate-resilient farming practices tulad ng water conservation, crop diversification, at tamang pamamahala ng lupa.
β€’ Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather advisories ng PAGASA at ng Department of Agriculture upang makagawa ng maagap at tamang desisyon sa pagsasaka.

πŸ’š Ang tamang impormasyon ay susi sa ligtas, produktibo, at matatag na agrikultura.

🚨 HEADS UP, KA-AMIA! 🌧️πŸŒͺ️Patuloy nating bantayan ang galaw ng Tropical Cyclone "MAYMAY" (Kujira) na maaaring magdala ng ...
06/08/2026

🚨 HEADS UP, KA-AMIA! 🌧️πŸŒͺ️
Patuloy nating bantayan ang galaw ng Tropical Cyclone "MAYMAY" (Kujira) na maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa ilang bahagi ng Cagayan Valley.
🌾 Mga magsasaka, maging AMIAhanda!
βœ… I-secure ang mga pananim, kagamitan, at pasilidad sa sakahan.
βœ… Linisin ang mga kanal at tiyaking maayos ang daluyan ng tubig.
βœ… Iwasan muna ang pag-aani, pagpapatuyo ng ani, at iba pang gawaing-bukid habang may masamang panahon.
βœ… Ilipat sa ligtas na lugar ang mga alagang hayop at makinarya kung kinakailangan.
βœ… Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather updates at advisories.
πŸ“Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 ang umiiral sa mainland Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.
πŸ’š Ang maagap na paghahanda ay susi sa ligtas at matatag na pagsasaka

πŸ“’ HEADS UP, KA-AMIA! πŸŒ§οΈπŸ‘¨β€πŸŒΎPatuloy nating bantayan ang Tropical Storm "MAYMAY" na kasalukuyang kumikilos pahilaga, taglay...
05/08/2026

πŸ“’ HEADS UP, KA-AMIA! πŸŒ§οΈπŸ‘¨β€πŸŒΎ

Patuloy nating bantayan ang Tropical Storm "MAYMAY" na kasalukuyang kumikilos pahilaga, taglay ang lakas ng hanging 75 km/h at pagbugsong hanggang 90 km/h. Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mainland Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya, kaya asahan ang malalakas na pag-ulan sa ilang lugar.

🌾 Paalala sa ating mga Ka-AMIA:
βœ… Siguraduhing ligtas ang mga pananim, makinarya, at iba pang kagamitang pangbukid.
βœ… Linisin ang mga kanal at tiyaking maayos ang daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha.
βœ… Ilipat ang mga alagang hayop sa ligtas na lugar kung kinakailangan.
βœ… Iwasan muna ang mga gawaing pangbukid habang may malakas na ulan at hangin.
βœ… Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na ulat mula sa PAGASA at Department of Agriculture.

🌱 Ang kahandaan ngayon ay susi sa pagprotekta sa ating kabuhayan bukas.

Maging alerto, maging handa, at mag-ingat, Ka-AMIA! πŸ’š

🌧️ SPECIAL FARM WEATHER OUTLOOK AND ADVISORYCagayan Valley RegionπŸ“… Agosto 5, 2026 | 2:00 PMPatuloy na kumikilos pahilaga...
05/08/2026

🌧️ SPECIAL FARM WEATHER OUTLOOK AND ADVISORY
Cagayan Valley Region
πŸ“… Agosto 5, 2026 | 2:00 PM

Patuloy na kumikilos pahilagang-kanluran ang Tropical Storm "MAYMAY" (KUJIRA) na may lakas ng hangin na 75 km/h at pagbugsong hanggang 90 km/h. Inaasahan pa rin ang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon.

⚠️ Mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Region 2:
πŸ“ Mainland Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya

πŸ‘¨β€πŸŒΎ Paalala sa ating mga magsasaka:
🌾 Ipagpaliban muna ang mga gawaing pangbukid kung may malakas na ulan at hangin.
🚜 Ilagay sa ligtas na lugar ang mga makinarya, kagamitan, at mga naaning pananim.
πŸ’§ Linisin ang mga kanal at tiyaking maayos ang daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha sa mga taniman.
πŸ„ Ilipat ang mga alagang hayop sa ligtas at mataas na lugar kung kinakailangan.
πŸ“± Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na ulat at babala mula sa PAGASA at Department of Agriculture.

🌱 Ang Department of Agriculture Regional Field Office No. 02, sa pamamagitan ng CC-AMIA Program, ay patuloy na nagbibigay ng napapanahon at mapagkakatiwalaang impormasyon upang matulungan ang ating mga magsasaka na makapaghanda at mabawasan ang epekto ng matinding panahon.

🌿 Maging alerto, maging handa, at sama-sama nating pangalagaan ang ating mga pananim, alagang hayop, at kabuhayan.

🌧️ ESPESYAL NA ULAT PANAHON PARA SA MGA MAGSASAKA 🌾Cagayan Valley RegionAgosto 5, 2026 | 11:00 AMPatuloy na kumikilos pa...
05/08/2026

🌧️ ESPESYAL NA ULAT PANAHON PARA SA MGA MAGSASAKA 🌾
Cagayan Valley Region
Agosto 5, 2026 | 11:00 AM

Patuloy na kumikilos pahilaga ang Tropical Storm "MAYMAY" (KUJIRA) sa bilis na 10 km/h, na may lakas ng hangin na 65 km/h at pagbugsong hanggang 80 km/h. Inaasahan pa rin ang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon.

⚠️ Mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Region 2:
πŸ“ Mainland Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya

πŸ‘¨β€πŸŒΎ Paalala sa ating mga magsasaka:
βœ… Ipagpaliban muna ang mga gawaing pangbukid kung may malakas na ulan o hangin.
βœ… Siguraduhing ligtas ang mga naaning pananim, binhi, pataba, at makinarya.
βœ… Patibayin ang mga greenhouse, kulungan ng mga hayop, at iba pang pasilidad sa bukid.
βœ… Linisin ang mga kanal at tiyaking maayos ang daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha.
βœ… Ilipat ang mga alagang hayop sa mas mataas at ligtas na lugar kung kinakailangan.
βœ… Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa PAGASA at Department of Agriculture.

🌱 Ang Department of Agriculture Regional Field Office No. 02, sa pamamagitan ng CC-AMIA Program, ay patuloy na naghahatid ng napapanahong impormasyon upang matulungan ang ating mga magsasaka na makapaghanda at maprotektahan ang kanilang kabuhayan laban sa epekto ng matinding panahon.

🌾 Maging alerto, maging handa, at unahin ang kaligtasan ng inyong pamilya, pananim, at mga alagang hayop mga ka-AMIA.

🌧️ ESPESYAL NA ULAT PANAHON PARA SA MGA MAGSASAKA🌾Cagayan Valley RegionAgosto 5, 2026 | 8:00 AMPatuloy na mabagal na kum...
05/08/2026

🌧️ ESPESYAL NA ULAT PANAHON PARA SA MGA MAGSASAKA
🌾
Cagayan Valley Region
Agosto 5, 2026 | 8:00 AM

Patuloy na mabagal na kumikilos pakanluranang Tropical Storm "MAYMAY" (KUJIRA) at maaaring magdala ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon.

⚠️ Mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Region 2:
πŸ“ Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya

πŸ‘¨β€πŸŒΎ Paalala sa ating mga magsasaka:
βœ… Siguraduhing ligtas at maayos na nakatabi ang mga naaning pananim, makinarya, at iba pang kagamitang pang-agrikultura.
βœ… Patibayin ang mga greenhouse, kulungan ng hayop, at iba pang pasilidad sa bukid.
βœ… Linisin at tiyaking maayos ang mga kanal at daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha.
βœ… Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na ulat ng panahon at iwasan ang mga gawaing pangbukid habang may malakas na ulan at hangin.

Sa pamamagitan ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 – CC-AMIA Program, patuloy tayong naghahatid ng napapanahon at mapagkakatiwalaang impormasyon upang matulungan ang ating mga magsasaka na makapaghanda at mabawasan ang epekto ng mga panganib dulot ng klima.

🌱 Maging alerto, maging handa, at laging unahin ang kaligtasan mga ka-AMIA!

Address

Tuguegarao City

Telephone

+639175655156

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cagayan Valley AMIA - CREATE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share