13/05/2025
From the deepest part of my heart, taos-puso po akong nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo na naging bahagi ng paglalakbay na ito.
Running for City Councilor of Tuguegarao was never just about winning a seat, it was about standing up for the people I love, for the values we believe in, and for the kind of leadership rooted in compassion, integrity, and genuine service.
Bagama’t hindi natin nakuha ang inaasam na resulta, ang aking puso ay punong-puno ng pasasalamat. Sa bawat volunteer, supporter, at kaibigan maraming salamat po sa inyong oras, pagod, panalangin, at walang sawang paniniwala. You stood beside me with so much heart, and for that, I will be forever grateful. Your encouragement became my strength during the most difficult days. Kayo ang nagsilbing inspirasyon at dahilan kung bakit nanatili akong matatag. Hindi ko ito nilakad mag isa, kayo ang aking mga kasama sa pangarap at sa laban na ito para sa isang makatarungan at makataong pamahalaan. This journey has taught me so much. Mas lalo kong nakita ang kagandahan at tibay ng ating komunidad,ang tunay na diwa ng bayanihan, ang malasakit sa isa’t isa, at ang tapang ng bawat Tuguegaraoeño. And while this chapter has closed, my commitment to serve lives on. Hindi man ako nabigyan ng pagkakataong makaupo, hindi nito pinapawi ang aking hangarin na patuloy na maglingkod sa anumang paraan na kaya ko.
Congratulations din po sa lahat ng nanalo. May you lead with wisdom, humility, and a heart that listens. Ang tagumpay ninyo ay tagumpay din ng buong Tuguegarao. I am hopeful that together, lahat tayo, kahit anong kulay o panig, we can work toward a city that is more inclusive, more compassionate, and more united.
This is not goodbye, it’s a promise. Pangako na ako’y magpapatuloy sa paglilingkod, sa pakikinig, at sa pagbibigay ng tinig sa mga nangangailangan. Ang pagmamahal ko sa ating lungsod ay nananatiling buo at masigasig.
Maraming, maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta, paniniwala, at pagmamahal. Hindi ito ang wakas, kundi simula pa lamang ng mas masigasig, mas bukal sa loob na paglilingkod. Together, let us keep dreaming, keep building, and keep believing. Para sa bayan. Para sa Tuguegarao. Para sa ating lahat.