Tuguegarao City Information Office

Tuguegarao City Information Office Official page of the Tuguegarao City Government

City Library Office, patuloy ang mga programa at serbisyo upang maisulong ang literacy, edukasyon at community engagemen...
13/04/2026

City Library Office, patuloy ang mga programa at serbisyo upang maisulong ang literacy, edukasyon at community engagement.

Iprinisinta ng City Library Office ang kanilang mga programa at serbisyo upang maisulong ang literacy, edukasyon at community engagement kasabay ng isinagawang Flag Raising Ceremony sa City Hall Grounds ngayong araw, ika-13 ng Abril, 2026.

Ayon kay City Librarian Editha Maramag, umabot sa 176 onsite clients ang kanilang naserbisyuhan simula noong Enero kung saan nabigyan ang mga ito ng access sa mga reading materials.

Nakipag-ugnayan rin ang City Library Office sa Cagayan Provincial Learning and Resources Center para sa pagsasagawa ng Family Literacy and Library Instruction Program sa pakikipagtulungan sa apat na Barangay Day Care Centers na kinabibilanhan ng Annafunan West, Linao Norte, at Linao East A at B kung saan umabot sa 164 na mga bata ang dumalo.

Isinailalim ang mga ito sa storytelling sessions, guided reading at basic library orientation kung saan kapwa ang mga bata at kanilang mga magulang ang nakinabang sa interactive at educational activities.

Inilapit din ng CLO sa pamamagitan ng pagdalo sa Barangay People's Day ang kanilang mga library services sa mga Tuguegaraoeño.

Samantala, ibinahagi rin ni Tuguegarao City Information Officer Wilma Estolas ang naging accomplishments ng Tuguegarao City Information Office simula noong Oktubre noong nakaraang taon hanggang Marso 2026.

Dito, ang mga aktibidad ng Tuguegarao City Government tulad ng pagsasagawa ng Civil Wedding, pag-courtesy call ng mga bisita sa tanggapan ni Tuguegarao City Mayor Maila Rosario S. Ting Que, SP Sessions, Mai-Kumustahan sa Eskwelahan, pay-out activities, turn over ng mga bahay sa ilalim ng Bahayanihan Project at marami pang iba ay naipaabot sa publiko sa pamamagitan ng social media posting.

Inumpisahan na rin nitong Pebrero ang operasyon ng Tele-radyo at ang mga programa ng TCG sa mga media entities sa lungsod tulad ng XFM Tuguegarao, Bombo Radyo Tuguegarao at RBC Cable Master System.

Samantala, iginawad naman nina Chief of Staff Atty Renz Angelo Umambong, City Administrator Juanito Calubaquib at LNB President Restituto Ramirez ang Plaque of Appreciation mula sa Philippine Statistics Authority Region 2 kay City Civil Registry Head Carolina Calucag matapos itong tanghalin bilang Top 8 in the ten batches of CVRS 101 and 201 Training Program na isinagawa sa PSA Central Office noong nakaraang taon.

Sa naging mensahe naman ni City Administrator Calubaquib para sa mga kawani ng TCG, sinabi nito na patuloy lang ang pagtratrabaho para sa ikakabuti ng syudad ng Tuguegarao. Kasabay nito ng pag-anunsyo ng pagkakaroon ng midyear bonus sa susunod na buwan.

13/04/2026

USAPANG LEGAL
April 13, 2026

13/04/2026

ULAT SA SIYUDAD
April 13, 2026

Kulay ng Tuguegarao City nagliyab sa grand opening ng CAVRAA 2026Tumingkad ang kulay ng delegasyon ng Tuguegarao City at...
13/04/2026

Kulay ng Tuguegarao City nagliyab sa grand opening ng CAVRAA 2026

Tumingkad ang kulay ng delegasyon ng Tuguegarao City at nagningning ang bandera nito sa grand opening ng Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) 2026 sa Santiago Sports Complex, City of Santiago, Isabela.

Ipinaramdam ng 723 delegates ang kanilang game face bitbit ang pride, grit, at championship focus na handang ipamalas sa iba’t-ibang sporting events.

Handa nang sumabak sa matitinding matchups ang mga atletang Tuguegaraoeño, armado ng puspusang training, solid conditioning, at team chemistry na inaasahang magbibigay ng edge sa bawat laro.

Target ng delegasyon na makapagtala ng panalo sa bawat event, mag-dominate sa kanilang mga laban, at makasungkit ng medals para sa lungsod.

Buo naman ang suporta ni Mayor Maila Ting-Que sa delegasyon."The fiery spirit of our athletes will surely be felt in the CAVRAA Meet 2026! All the best, my dear children, mama Maila’s support is always with you. Go for gold and bring pride to our city!"

Samantala, dumalo rin sa grand opening at nagpakita ng suporta sa mga atleta ang 10th City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Ross Resuello kasama sina OIC SDS Dr. Jonathan Fronda, Assistant SDS Atty. Jeremy Maramag, at iba pang mga opisyal ng City Government at ng SDO Tuguegarao.

First three golds nasungkit ng Tuguegarao City Chess Team!Maagang nagparamdam ng lakas ang Tuguegarao City matapos kumam...
12/04/2026

First three golds nasungkit ng Tuguegarao City Chess Team!

Maagang nagparamdam ng lakas ang Tuguegarao City matapos kumamada ng unang tatlong gintong medalya sa Chess Event sa CAVRAA Meet 2026.

Pinangunahan nina Demitri Romulo Razote at Juancho Ferrer ang gold haul sa rapid chess team category habang nakuha naman nila Joash Alton Gumiran at Romulo Dimitry Razote ang gold sa Individual rapid category.

Sa ilalim ng gabay ni Coach Joey Calubaquib, ipinakita ng chess team ang solid opening, matibay na mindgame control, at clinical endgame ex*****on na naghatid ng unang tatlong ginto para sa lungsod.

12/04/2026

Bumida ang Metropolitan Tuguegarao Water District (MTWD) sa Juana, Magpasikat Ka!.

Nagpamalas ng isang performance na hindi lamang umawit at sumayaw kundi nagkuwento rin ng women empowerment!

Disclaimer: No copyright infringement intended. We do not own the music. We are claiming a fair use of all the materials used in the content of this video. For entertainment purposes only. All rights and credits belong to the rightful owners.

11/04/2026

Natural na charm at authenticity.

Ito naman ang naging asset ng Fruit Vendor Association na umani ng palakpakan mula sa manonood.

Ang kanilang performance ay naging patunay na ang sipag at talento ng mga fruit vendors ay hindi lamang nasa palengke kundi maaari ring magningning sa entablado ng sining at kompetisyon ng Juana, Magpasikat Ka!.

Disclaimer: No copyright infringement intended. We do not own the music. We are claiming a fair use of all the materials used in the content of this video. For entertainment purposes only. All rights and credits belong to the rightful owners.

11/04/2026

Age is just a number!

Ito ang muling pinatunayan ng Tuguegarao City Women’s Club sa kanilang swabe at energizing dance performance sa Juana, Magpasikat Ka!, kung saan ipinamalas nila ang husay, confidence, at walang kupas na stage presence na umani ng sigla at palakpakan mula sa manonood!

Disclaimer: No copyright infringement intended. We do not own the music. We are claiming a fair use of all the materials used in the content of this video. For entertainment purposes only. All rights and credits belong to the rightful owners.

Naitala ng Tuguegarao City Girls Volleyball Team-Elementary Level ang isang dominanteng panalo matapos walisin ang Cauay...
11/04/2026

Naitala ng Tuguegarao City Girls Volleyball Team-Elementary Level ang isang dominanteng panalo matapos walisin ang Cauayan City sa straight sets, 2-0, sa elimination round.

Mula sa unang serve hanggang sa huling palo, kontrolado ng koponan ang takbo ng laro sa pamamagitan ng matitibay na depensa at mabilis na opensiba at hindi binigyan ng puwang ang kanilang kalaban.

11/04/2026

Naghatid ng umaapaw na enerhiya at sigla ang mga kababaihan ng Commission on Audit Region 02 sa kanilang performance sa Juana, Magpasikat Ka!.
Tampok ang isang pagtatanghal na punong-puno ng buhay, kumpiyansa, at kahanga-hangang stage presence na naglagay sa kanila sa 3rd place!

Disclaimer: No copyright infringement intended. We do not own the music. We are claiming a fair use of all the materials used in the content of this video. For entertainment purposes only. All rights and credits belong to the rightful owners.

Address

Tuguegarao City
3500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tuguegarao City Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category