City Veterinarian's Office - Trece Martires City

City Veterinarian's Office - Trece Martires City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Veterinarian's Office - Trece Martires City, Government Organization, Agriculture Building, City Hall Compound, Governor's Drive, Barangay San Agustin, Trece Martires.

01/04/2026

📢 PUBLIC ADVISORY

Pursuant to Proclamation No. 1006 issued by Malacañang Palace, the following dates are hereby observed in connection with the Holy Week 2026:

📌April 2 (Thursday) – Maundy Thursday (Regular Holiday)
📌April 3 (Friday) – Good Friday (Regular Holiday)
📌April 4 (Saturday) – Black Saturday (Special Non-Working Holiday)

Please be advised that April 1 (Holy Wednesday) is not declared a holiday. However, a half-day work-from-home arrangement shall be implemented from 8:00 A.M. to 12:00 noon, pursuant to the directive of the Office of the President.

Further, April 5 (Sunday) is not a declared holiday.

The public is enjoined to be guided accordingly.

Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa matagumpay na Veterinary Medical M...
30/03/2026

Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa matagumpay na Veterinary Medical Mission na ginanap noong ika-26 ng Marso, 2026 sa Brgy. Inocencio Covered Court bilang pagdiriwang ng Rabies Awareness Month.

Naibahagi dito ang mga mahahalagang serbisyo para sa mga alagang a*o at pusa gaya ng libreng anti-rabies vaccination, deworming, konsultasyon, at spay and neuter drive. Salamat sa dedikasyon ng mga students at volunteer veterinarians mula sa Cavite State Univ. - College of Veterinary Medicine and Biomedical Sciences at mga private clinics, katuwang ang Office of the City Agriculturist at pamunuan ng Brgy. Inocencio.

Ito ay patunay ng ating malasakit sa kalusugan ng mga hayop at ang ating hangarin para sa isang ligtas na komunidad. Maraming salamat!

Abangan ang mga susunod na schedule para sa libreng serbisyong pangkalusugan para sa inyong mga alaga.

27/03/2026

📢 PUBLIC ANNOUNCEMENT

In accordance with Memorandum Circular No. 114 issued by the Office of the President dated March 6, 2026 and in support of the national government’s call to conserve energy and reduce fuel consumption due to rising global oil prices, the City Government of Trece Martires will implement a Four-Day Work Week Schedule beginning March 9, 2026.

✅ New Office Hours:
Monday to Thursday: 7:00 A.M. – 6:00 P.M.
Friday: Non-Working Day

The public is advised to schedule all visits and transactions from Monday to Thursday during the stated office hours.

We encourage everyone to plan their transactions accordingly.

Thank you for your cooperation.

Magandang araw! 🐾Para sa mga treceños na hindi pa nakakapagparehistro ng mga alaga, maaari pa rin kayong mag walk-in sa ...
24/03/2026

Magandang araw! 🐾

Para sa mga treceños na hindi pa nakakapagparehistro ng mga alaga, maaari pa rin kayong mag walk-in sa darating na Veterinary Medical Mission sa Covered Court ng Brgy. Inocencio sa March 26, 2026 (8am) para sa:
✔️ Consultation
✔️ Deworming
✔️ Anti-rabies vaccination

📌 Paalala:
Magdala ng valid ID para sa verification.

⚠️ Limitadong slots lamang ang nakalaan para sa anti-rabies vaccination at deworming, kaya maagang magtungo sa event upang maka-avail ng libreng serbisyo.

Maraming salamat! 🐶🐱



🐾 LIBRENG KAPON PARA SA A*O AT PUSA! 🐶🐱Bilang bahagi ng Rabies Awareness Month 2026, magkakaroon ng Veterinary Medical M...
11/03/2026

🐾 LIBRENG KAPON PARA SA A*O AT PUSA! 🐶🐱
Bilang bahagi ng Rabies Awareness Month 2026, magkakaroon ng Veterinary Medical Mission na may FREE Spay & Neuter, Anti-Rabies Vaccination, Deworming at Consultation.

📅 March 26, 2026
📍 Brgy. Inocencio Covered Court
📣 OPEN TO ALL TRECENO PET OWNERS!

Para sa kapon, magpre-register sa link na ito:
https://forms.gle/MfKupyjJmsXZwKd56

Rabies Awareness Month 2026 🐾

Alagang Responsable, Komunidad Protektado!

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month, hatid ng City Government of Trece Martires, katuwang ang Office of the City Veterinarian at Office of the City Agriculturist ang Veterinary Medical Mission para sa ating mga alagang hayop.

🐶🐱 LIBRENG KAPON PARA SA A*O AT PUSA!

Mayroon ding libreng deworming at konsultasyon.

📌 Para makasali sa libreng kapon, i-click ang pre-registration link.

https://forms.gle/MfKupyjJmsXZwKd56

Siguraduhing nakarehistro ang inyong mga alaga upang mapabilang sa mga mabibigyan ng libreng serbisyo.

04/03/2026

Pet Consultation and Deworming 🐾
Konsultasyon at Pagbabakuna laban sa rabies para sa mas maayos na pangangalaga ng ating mga alagang hayop.

Libreng serbisyo para sa mga Treceños, konsultasyon, pagpupurga at pagbabakuna para sa mga alaga. Iparehistro lamang po sa aming opisina ang inyong mga alaga upang ma-avail ang mga libreng serbisyo. Bukas po ang aming opisina Lunes hanggang Biyernes 8:00AM-5:00PM.

📌 Schedule:
~ Walk-in Anti-Rabies Vaccination: Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00-4:00pm
~ Consultation at Deworming: By Appointment

Maaring magiwan ng mensashe sa aming page para sa appointment.

"Dahil pamilya ang turing natin sa kanila, nararapat lang ang tamang konsultasyon at pag-aaruga."

04/03/2026

Field Consultation Day 💚
Masusing pagsusuri at paggamot sa mga alagang hayop sa bukid para sa mas ligtas at produktibong pag-aalaga.

Ang aming opisina ay nagbibigay ng libreng serbisyong pangbeterinaryo para sa mga magsasakang Treceños. Mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa Office of the City Veterinarian o mag-iwan ng mensahe sa aming page.



March is Rabies Awareness Month!Rabies-Free na Pusa't A*o, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino!Ang City Government ng Trece...
04/03/2026

March is Rabies Awareness Month!
Rabies-Free na Pusa't A*o, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino!

Ang City Government ng Trece Martires ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month. Idinaraos ang ito upang ipaalala sa publiko ang panganib ng rabies at kung paano ito maiiwasan. Hinihikayat ang pagpapabakuna ng mga alagang hayop upang maiwasan ang rabies.

Alagang bakunado, Pamilyang protektado!

📣📣📣
08/01/2026

📣📣📣

Huwag Gumamit ng Rapid Test Kits para sa Rabies

Pinapayuhan ng Bureau of Animal Industry (BAI), alinsunod sa World Organisation for Animal Health (WOAH), ang publiko na huwag tangkilikin ang mga hindi beripikado at hindi rehistradong “Rapid Test Kits” para sa rabies. Sa ngayon, wala pang rabies test kits na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) sa Pilipinas. Ang mga test na ito, na gumagamit ng laway o dugo at nangangakong may resulta agad, ay hindi maaasahan at hindi ligtas gamitin para malaman kung may rabies ang isang hayop.

Nauunawaan ng BAI ang pagmamahal ng mga pet owner sa kanilang mga alaga at ang kagustuhan na makakuha agad ng sagot kapag may nangyaring kagat o kapag may napansing kakaibang sakit sa hayop. Pero pagdating sa rabies, isang sakit na halos palaging ikinakamamatay kapag may sintomas na, napakahalaga na tama at sigurado ang resulta.

Ayon sa mga pag-aaral, hindi palaging lumalabas ang rabies virus sa laway ng hayop. Dahil dito, ang rapid test kits ay maaaring magbigay ng maling negatibong resulta (‘False Negative Results’), na parang walang rabies ang hayop kahit mayroon talaga. Delikado ito dahil maaaring maantala ang agarang gamutan na kailangan para mailigtas ang taong nakagat.

Para sa kaligtasan ng lahat, ginagamit ng BAI ang pinaka-maaasahang (‘Gold Standard’) paraan ng pagsusuri para sa rabies, ang Direct Fluorescent Antibody Test (DFAT), kasama ang dRIT at PCR. Sinusuri ng mga ito ang tisyu ng utak ng hayop at nagbibigay ng tiyak na resulta. Bagama’t nangangailangan itong patay na ang hayop, ito lamang ang mga pamamaraang siguradong nakapagkukumpirma ng rabies.

Pinaaalalahanan din ng BAI ang publiko sa Republic Act No. 9482 o Anti-Rabies Act of 2007, na nagsasaad ng regular na bakuna kontra rabies, responsableng pag-aalaga ng mga hayop at agarang pagkonsulta sa lisensiyadong beterinaryo kapag may insidente ng kagat.

Ang pagpapatest sa rabies gamit ang tamang pamamaraan ay ginagawa ng libre sa BAI-Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory (ADDRL) at sa mga Regional Animal Disease Diagnosis Laboratory (RADDL). Para sa kaligtasan ng lahat, pinapayuhan ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang City o Municipal Veterinarian (LGU) para sa tamang paghawak at pagpapadala ng sample. Tanging mga sinanay na tao lamang ang dapat kumuha ng specimen upang maiwasan ang aksidenteng pagkahawa.

Tumatanggap ang BAI-ADDRL ng mga wastong naendorso na sample 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.

Mariing pinaaalalahanan ng BAI ang lahat na huwag mag-diagnose sa bahay at huwag umasa sa rapid test kits o iba pang hindi beripikadong test. Para sa kaligtasan ng inyong pamilya at ng komunidad, laging kumunsulta sa isang lisensiyadong beterinaryo. # # #

📢 LIBRENG DISINFECTANT PARA SA REHISTRADONG BACKYARD SWINE FARMS!Isinagawa ng Office of the City Veterinarian at Office ...
19/12/2025

📢 LIBRENG DISINFECTANT PARA SA REHISTRADONG BACKYARD SWINE FARMS!
Isinagawa ng Office of the City Veterinarian at Office of the City Agriculturist ang pamamahagi ng disinfectant sa mga rehistradong backyard swine farmers bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kalusugan ng ating mga alagang baboy at maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ito ay kabilang sa mga programang hatid ng City Government of Trece Martires sa pamumuno ng ating butihing Mayor Gemma Buendia Lubigan at Vice Mayor Bobby Montehermoso kasama ang12th Sangguniang Panlungsod upang masiguro ang tamang sanitasyon at biosecurity na makatutulong sa kabuhayan ng ating mga magbababoy at masiguro ang ligtas na produksyon ng karne sa ating komunidad.
📌 PAALALA:
Alinsunod sa City Ordinance No. 2024-518, obligado ang lahat ng backyard swine farmers na HINDI PA REHISTRADO na magparehistro na sa kani-kanilang Barangay upang:
✔️ Makasama sa mga programa at tulong mula sa City Government
✔️ Makatulong sa mas maayos na monitoring at disease prevention
🤝 Makipagtulungan tayo para sa ligtas, malusog, at masaganang paghahayupan sa ating bayan.
Para sa pagpaparehistro, makipag-ugnayan sa tanggapan ng inyong barangay. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni lamang po sa aming opisina.

13/10/2025

Tandaan:

Ang kaligtasan ng ating mga alaga ay bahagi ng ating kaligtasan.
Maging handa. Maging alerto. Isama sa disaster plan ang ating mga hayop.

Isang paalala mula sa City Government of Trece Martires sa pamumuno ni Mayor Gemma Buendia Lubigan, Vice Mayor Bobby Montehermoso kasama ang 12th Sangguniang Panlungsod.

Address

Agriculture Building, City Hall Compound, Governor's Drive, Barangay San Agustin
Trece Martires
4109

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Veterinarian's Office - Trece Martires City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share