05/05/2026
Magkakaroon po ng Libreng RBS o Random Blood Sugar Testing para sa mga Senior Citizen ng ating barangay.
Anu ba ang RBS o Random Blood Sugar Testing
- ito ay isang pagsusuri para malaman ang lebel ng glucose o asukal sa dugo sa tiyak na pagkakataon
- ito ay mabisang gawin 2 oras pagkatapos kumain
Ang Random Blood Sugar test ay isang simpleng paraan upang malaman kung mayroon kang diabetes. Bagama’t hindi ito ang iminumungkahing paraan dahil ang mga doktor sa bansa ay kadalasang nagrerekomenda ng Fasting Blood Sugar at glycosylated hemoglobin (HbA1c) tests upang ma-diagnose ang diabetes, ito ay isa pa ring diagnostic tool.