Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Torrijos

Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Torrijos Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Torrijos, Public & Government Service, Torrijos.

23/03/2026
23/03/2026

🌬️☀️ Hanggang sa Muli, Amihan!

The Northeast Monsoon has officially ended, marking the transition to the warm and dry season. Warmer days ahead, but occasional thunderstorms may still occur. The public is advised to take precautionary measures to minimize heat stress and optimize the daily use of water for personal and domestic consumption.

READ MORE HERE: https://bit.ly/2026NEMTermination

23/03/2026
Manatiling handa sa banta ng lindol. Makiisa sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa March 12, 2026...
25/02/2026

Manatiling handa sa banta ng lindol. Makiisa sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa March 12, 2026, 3:30 P.M. Sabay-sabay tayong mag-duck, cover, and hold!

23/02/2026

ULAT PANAHON (4PM, 23 Pebrero 2026)

PANGKALAHATANG LAGAY:
Ang Amihan (Northeast Monsoon) ay nakakaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon. Ang Easterlies naman ay nakakaapekto sa ibang bahagi ng bansa.

Lagay ng Panahon:

Mindanao, Silangang Visayas, Palawan, Albay, Sorsogon, at Masbate
Magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na ulan at pagkulog at pagkidlat dahil sa Easterlies.
Posibleng magkaroon ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang minsan ay malakas na ulan.

Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon
Magiging bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan na may panaka-nakang mahinang ulan dahil sa Amihan.
Walang inaasahang malaking epekto.

Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa
Magiging bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o pagkulog at pagkidlat dahil sa Easterlies.
Posibleng magkaroon ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa kapag may malakas na thunderstorm.

Lagay ng Hangin at Dagat:

Silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas
Katamtaman hanggang malakas ang hangin mula Silangan hanggang Hilagang-Silangan, at ang dagat ay katamtaman hanggang maalon (1.5 hanggang 2.8 metro).

Iba pang bahagi ng bansa
Mahina hanggang katamtaman ang hangin mula Silangan hanggang Hilagang-Silangan, at ang dagat ay bahagya hanggang katamtamang alon (0.6 hanggang 2.5 metro).

📢 ABISO MULA SA MDRRMO TORRIJOS 📢Ipinababatid po sa lahat na INAALIS na ang No Sail Policy para sa maliliit na sasakyang...
18/01/2026

📢 ABISO MULA SA MDRRMO TORRIJOS 📢
Ipinababatid po sa lahat na INAALIS na ang No Sail Policy para sa maliliit na sasakyang pandagat at mga bangkang pangisda sa Municipality of Torrijos matapos ang pagbuti ng kondisyon ng panahon.
🗓 Enero 18, 2026
⏰ Epektibo ngayong araw, 1:00 PM
➡️ Maaari nang ipagpatuloy ang normal na aktibidad sa mga baybaying barangay at coastal areas.
⚠️ Paalala: Patuloy pa rin po tayong maging mapagmatyag at maingat sa paglalayag. Unahin pa rin ang kaligtasan at sundin ang mga abiso ng awtoridad.
📌 LIGTAS ANG MAY ALAM
Para sa karagdagang updates, manatiling nakaabang sa mga opisyal na anunsyo ng MDRRMO Torrijos.

📢 ANUNSYO MULA SA MDRRMO TORRIJOS | NO SAIL POLICY 📢Alinsunod sa abiso ng DOST–PAGASA kaugnay ng Tropical Storm “ADA”, n...
17/01/2026

📢 ANUNSYO MULA SA MDRRMO TORRIJOS | NO SAIL POLICY 📢
Alinsunod sa abiso ng DOST–PAGASA kaugnay ng Tropical Storm “ADA”, na patuloy na lumalakas at gumagalaw pa-kanlurang hilagang-kanluran, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Torrijos ay mahigpit na nagpapatupad ng NO SAIL POLICY.
⛔ NO SAIL POLICY 📅 Epektibo: Enero 17, 2026 (4:00 AM) ⏳ Hanggang sa susunod na abiso
⚠️ Inaasahan ang malalakas na hangin at maalon na karagatan na maaaring magdulot ng panganib sa mga maliliit na sasakyang pandagat tulad ng motorbanca at kaparehong uri ng bangka.
👉 Paalala sa lahat ng mangingisda at sea travelers:
Iwasan ang paglalayag habang umiiral ang masamang panahon
Sumunod sa mga abiso ng kinauukulang ahensya
Unahin ang kaligtasan ng bawat isa
📌 Para sa mahigpit na pagsunod at kaligtasan ng lahat.
LIGTAS ang may ALAM.

Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
Torrijos, Marinduque

06/12/2025
📢 MDRRM TORRIJOS ADVISORYFOR WIDEST DISSEMINATIONLIGTAS ANG MAY ALAM!TROPICAL DEPRESSION “WILMA”📍 Huling update: 5:00 AM...
06/12/2025

📢 MDRRM TORRIJOS ADVISORY

FOR WIDEST DISSEMINATION

LIGTAS ANG MAY ALAM!

TROPICAL DEPRESSION “WILMA”
📍 Huling update: 5:00 AM, 07 Disyembre 2025
Si TD WILMA ay bahagyang bumilis at kasalukuyang nasa Calbayog City, Samar. Patuloy itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran at inaasahang tatawid sa Southern Luzon at Visayas ngayong araw.

---

🌧️ KASALUKUYANG LAGAY

🔹 Lakas ng Hangin: 45 km/h, bugso hanggang 75 km/h
🔹 Galaw: 15 km/h
🔹 Lapad ng Hanging Dulot: hanggang 150 km mula sa sentro
🔹 TCWS No. 1 — may malalakas na hangin na maaaring magdulot ng minimal hanggang minor impact sa mga lugar na apektado.

---

⚠️ PAALALA SA PUBLIKO

➡️ Asahan ang malalakas na hangin, posibleng malalakas na pag-ulan, at maalon na karagatan.
➡️ Ang Northeast Monsoon (Amihan) ay magdadagdag pa ng malalakas na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
➡️ Bawal muna pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat. Lubhang delikado ang biyahe sa dagat dahil sa rough to very rough seas.
➡️ Sundin ang mga abiso ng inyong barangay lalo na kung nakatira sa bahain, landslide-prone, at coastal areas.

---

📌 ANO ANG GAWIN?

✔️ Manatiling updated sa advisories ng PAGASA
✔️ I-secure ang bahay, lalo na ang mga madaling liparin ng hangin
✔️ Iwasan ang paglalakad o pagmamaneho sa binabahang lugar
✔️ Ihanda ang emergency kit at alamin ang pinakamalapit na evacuation center
✔️ Sumunod sa utos ng mga lokal na opisyal kung kinakailangan ng paglikas

---

📡 MGA LINK NG MAHAHALAGANG ADVISORY

🌧️ Heavy Rainfall Update: tinyurl.com/wxadvisory
🌊 Gale Warning: tinyurl.com/gale-warning
🌀 Wilma Bulletin: tinyurl.com/WilmaPH

---

MDRRM TORRIJOS REMINDER:

“LIGTAS ANG MAY ALAM. ANG HANDANG PAMAYANAN, WALANG KINATATAKUTAN.”

Patuloy po tayong magbantay at mag-ingat.
Stay safe, Torrijos! 💙🌧️🌀

Address

Torrijos
4903

Telephone

+639175707825

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Torrijos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Torrijos:

Share