30/05/2026
𝟑𝟗𝐭𝐡 𝐈𝐍𝐅𝐀𝐍𝐓𝐑𝐘 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐋𝐋𝐈𝐎𝐍, 𝐈𝐍𝐈𝐋𝐔𝐍𝐒𝐀𝐃 𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒 𝐑𝐄𝐒𝐂𝐔𝐄𝐃 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘
NORTH COTABATO — Matagumpay na inilunsad ng 39th Infantry “Smash’Em” Battalion ang Friends Rescued (FR) Assembly kamakailan sa Munisipalidad ng Magsaysay, Davao del Sur upang palakasin ang suporta sa mga nagbalik-loob.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng 39IB, sa pamumuno ni LTC HECTOR A ESTOLAS INF (GSC) PA, katuwang si Mayor Arthur P. Davin, ang 1002nd Infantry “Bagwis” Brigade na pinamumunuan ni BGEN APOLLO JUN F LAMATON, KALINAW Davao del Sur, at mga kinatawan mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). Dinaluhan ito ng 46 na benepisyaryo ngayong Mayo 2026.
Sa pamamagitan ng malawakang inter-agency collaboration, pormal na inorganisa ang mga dating rebelde bilang isang ganap na People’s Organization (POs) na pinangalanang Magsaysay Reintegration and Development for Farmers Association (MaRDeFA) kasabay ng paghalal sa kanilang mga bagong pinuno.
Ginamit din nina LTC ESTOLAS INF (GSC) PA at Mayor Davin ang pagkakataon upang ihatid ang mga pangunahing serbisyong panlipunan at pangkabuhayan, habang muling nanawagan sa mga natitira pang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na pormal nang sumuko upang makapagsimula ng ligtas, payapa, at produktibong buhay kasama ang kanilang pamilya.
𝐑𝐄𝐀𝐃: https://www.facebook.com/share/p/17gYs4YEtT