I Love Tinoc, Ifugao

I Love Tinoc, Ifugao 🔰Simple life🔰Adventures
🔰 Cultures & traditions

01/02/2026

“Sunday is God’s gentle reminder to rest, reset, and trust Him.”

Have a wonderful day ❤️

“Never let success go to your head, never let failure get to your heart." 👉BeyonceGandang gabi mga kakwento ♥️♥️♥️      ...
18/01/2026

“Never let success go to your head, never let failure get to your heart." 👉Beyonce

Gandang gabi mga kakwento ♥️♥️♥️





💢 Sundays are for quiet moments, grateful hearts, and renewed hope♥️♥️♥️
18/01/2026

💢 Sundays are for quiet moments, grateful hearts, and renewed hope♥️♥️♥️







Farmer lang kami?🌾Napapansin niyo rin ba na minsan, kapag tinanong tayo kung anong trabaho natin, parang nahihiya pa tay...
17/01/2026

Farmer lang kami?🌾

Napapansin niyo rin ba na minsan, kapag tinanong tayo kung anong trabaho natin, parang nahihiya pa tayong sabihin na farmer tayo?

Madalas maririnig natin:
“Farmer lang po…”

Pero isipin nga natin… bakit may ‘lang’? 😊

Kung tutuusin, marangal naman ang farming…

Hindi basta-basta ang pagsasaka.

Hindi ka makapagtanim kung wala kang puhunan katulad ng binhi, similya, abono, pang-spray, at iba pang gamit…

Ibig sabihin, may kapital, tiyaga, sipag, at tapang sa risk ang pagiging farmer...

May iba-iba tayong sitwasyon bilang magsasaka:

🌾 Yung may sariling lupa at siya mismo ang nagtatrabaho sa farm

🌾 Yung hindi sariling lupa ang sinasaka, pero siya pa rin ang gumagastos sa lahat

🌾 At yung may nagpo-provide ng puhunan (kaman pasupsuplay)

Kahit alin ka man diyan…importante may marangal kang hanapbuhay…

Datayo nga farmer, haan tayo koma ibaba ti kita tayo iti bagi tayo...

Kasi ang farming ay hindi lamang para sa ating sarili kundi pati sa ating pamilya, sa komunidad at sa bayan...

Sa bawat binhing itinatanim natin, may kasamang pag-asa🤞🤞

Pag-asang may kakainin bukas, may maihahain sa hapag, at may maibebenta sa trading post o sa NVAT...

Kapag may nagtanong:

👉 Anya ti trabahom? o ano ang trabaho mo???

Sana masanay tayong sumagot nang may ngiti at kumpiyansa sa sarili:

“Farmer ako.”💪💪

“Farming ang trabaho ko.”💪💪

❌Walang “lang”.

Noble ang trabaho natin.

Lahat tayo kumakain ng tatlong beses sa isang araw, minsan may meryenda pa nga😊

Kaya hindi rin tayo naiiba sa iba.👍

Pero ito rin ang ating TANDAAN mga KaKwento at kaFarmer…

May mga panahon na maganda ang kita sa farming...

Kung maganda ang ani at mataas ang presyo ng gulay, puwedeng umabot sa malaking halaga...

Pero may panahon din na mababa ang presyo, lalo na kapag may import kaya mahalaga na matuto tayong mag-ipon kapag may ani...

Hindi man tayo may buwanang sahod tulad ng nasa opisina,..

pero...

ang maganda sa pagiging farmer ay basta may garden ka at masipag ka ay hindi ka basta basta magugutom 🌱🌿

Kaya sana, simula ngayon:

huwag na nating ikahiya ang pagiging farmer...

🌾 Farmer tayo.

🌾 Marangal ang ating trabaho.

🌾 Ipinagmamalaki dapat hindi ikinahihiya.

💚🌱












🌿 Buhay Probinsya 🌿Dito, ang alarm mo ay huni ng ibon,hindi busina ng sasakyan...Walang traffic, walang ingay,walang str...
15/01/2026

🌿 Buhay Probinsya 🌿

Dito, ang alarm mo ay huni ng ibon,
hindi busina ng sasakyan...

Walang traffic, walang ingay,
walang stress na dala ng siyudad.
Tanging simoy ng hangin,
tunog ng kalikasan, at payapang umaga...

Habang tayo’y tumatanda,
bakit nga ba mas pinipili na natin ang tahimik at simple na buhay sa probinsya???

Marahil dahil napagtanto natin na
ang tunay na yaman ay kapayapaan ng isip,
oras para sa sarili, at buhay na hindi minamadali...

Sa probinsya, simple ang buhay pero buo ang saya.💚







🌄Bakit nga ba nakakalbo ang mga bundok sa Cordillera???🤔Hindi ito dahil sa kawalan ng malasakit 💚Hindi rin dahil gusto n...
14/01/2026

🌄Bakit nga ba nakakalbo ang mga bundok sa Cordillera???🤔

Hindi ito dahil sa kawalan ng malasakit 💚
Hindi rin dahil gusto naming sirain ang aming kabundukan 🌳

Noong hindi pa nararating ng kalsada ang bayan ng Tinoc at iba pang karatig na lugar dito sa Cordillera🛤️,
ang karamihan sa mga bundok ay hindi pa nagagalaw at tunay na virgin forest🌲🌲

Pero nagbago ang lahat nang dumating ang kalsada🚧

Kasabay ng kaunlaran 📈 ay ang mabilis na pagbabago sa kabundukan⛰️

Hindi dahil ginusto ng mga nakatira😔

kundi dahil wala silang pagpipilian.

Dito sa Cordillera, isa na dito ang bayan ng Tinoc🏞️,..

ang garden ang pangunahing kabuhayan ng karamihan 🥬🥕

Ayaw man naming sakahin ang mga bundok para manatili itong gubat 🌳pero napipilitan kami 😞
..dahil saan pa ba kukuha ng pagkain para sa ikabubuhay ng pamilya???

Kung mag-aaplay naman ng trabaho📝,

maraming requirements 📄

kailangang may natapos 🎓

at kadalasan kailangan pa ng backer sa gobyerno o politiko🏛️

Kung wala ka niyan?

👉Malabo at nungkang makuha ka sa item na ina-aplayan mo ❌

Kaya mas pinipili ng karamihan ang mag-garden 🌱

Walang diploma na hinihingi ✔️

Walang maraming papeles ✔️

At higit sa lahat, walang utang na loob sa sinumang politiko 🙅‍♂️🙅‍♀️

Dagdag pa rito, wala ring sapat na private companies na pwedeng pag-aplayan dito sa amin 🏭❌

Kaya para sa mga walang natapos na kurso,
garden talaga ang takbuhan 🌾

Dahil dumarami ang nagga-garden,
mabilis ang pagkalbo ng mga bundok ⛰️😢

At kapag tumaas ang presyo ng gulay 💰🥦,
marami rin ang nahihikayat sa pagga-garden,

kahit may trabaho na sa opisina 🏢 o may negosyo na 🏪,
sumasabay pa rin sila sa pagga-garden.

Pero ito ang ating tandaan ☝️
habang may presyo ang gulay,

matuto rin tayong mag-ipon💵
dahil hindi habang-buhay maganda ang presyo 📉

At hindi rin habang panahon magiging mabait at mataba ang lupang ating sinasaka 🌍

🌱Ang kwento ng pagkalbo ng bundok ay hindi lang kwento ng kalikasan…

ito ay kwento ng survival, pangarap, at pamilya ❤️

🙏 Kaya unawain muna, bago humusga...











🔰To all officials of Municipality of Tinoc...halamat et nalinisan lay kalhada tayo...et ag un ihupti karkaro nu mehdem i...
13/01/2026

🔰To all officials of Municipality of Tinoc...halamat et nalinisan lay kalhada tayo...et ag un ihupti karkaro nu mehdem i biyahe♥️♥️♥️

Kudos🫡








Ramdam mo talaga ang lamig ng simoy ng hangin😍
11/01/2026

Ramdam mo talaga ang lamig ng simoy ng hangin😍








10/01/2026

🔰Nuntan andi cellphone ni ka-aayama isunga yaya bawet i hakey aayam nuntan. Ngem niya lan timpo et manmano lay kaman ayam ni ingeh niya tep puro cellphone lay kaagdiin uunga🥲🥲🥲








Warmest congratulations to Atty. Raquel Martin Guay-Baklayan and to all who passed the BAR Examination today! ♥️♥️♥️Your...
07/01/2026

Warmest congratulations to Atty. Raquel Martin Guay-Baklayan and to all who passed the BAR Examination today! ♥️♥️♥️

Your success is the fruit of countless sacrifices, sleepless nights, perseverance, and unwavering faith💗

This milestone marks not just the end of a journey, but the beginning of a greater mission to serve justice, uphold the law, and make a difference in the society👍

We are proud of you👏👏🎉🎉🎉

Once again, congratulations and Mabuhay po kayo!










Address

Tinoc
3609

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when I Love Tinoc, Ifugao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

soooo cold...

Brrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr...