BLGU-Sagrada, Tinambac, Camarines Sur

BLGU-Sagrada, Tinambac, Camarines Sur Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BLGU-Sagrada, Tinambac, Camarines Sur, Public & Government Service, Tinambac.

πŸ’š
04/05/2026

πŸ’š

R-PSB TEAM SAGRADA NAGPATUPAD NG ENVIRONMENTAL PROTECTION INITIATIVE SA PAMAMAGITAN NG β€˜NO DUMPING OF GARBAGE’ SIGNAGE

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa environmental protection, community safety, at pagpapalakas ng disiplina sa komunidad, matagumpay na naisakatuparan ng R-PSB Team Sagrada ang paglalagay ng β€œNo Dumping of Garbage” signage sa Brgy. Sagrada, Tinambac, Camarines Sur noong ika-3 ng Mayo 2026.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng R-PSB Team Sagrada ng 501st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 5, sa ilalim ng direksyon at pangangasiwa ni PMAJ Linus Dominic P Lopez, katuwang ang Barangay Local Government Unit (BLGU) Sagrada sa pamumuno ni Hon. Ma. Necita D. Lara.

Layunin ng inilagay na signage na palakasin ang kampanya laban sa ilegal na pagtatapon ng basura at hikayatin ang mas mahigpit na pagsunod sa mga umiiral na ordinansa ng barangay. Nagsisilbi rin itong paalala sa bawat mamamayan na ang pagpapanatili ng kalinisan ay isang kolektibong responsibilidad na may direktang epekto sa kalusugan, kaligtasan, at kaayusan ng komunidad.

Ito rin ay bahagi ng adbokasiya ng Police Regional Office 5 sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Erosito N Miranda, Regional Director, na hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi pati na rin sa mas malawak na aspeto ng seguridad ng komunidad, kabilang ang kalusugan, kapaligiran, at pangkalahatang kagalingan ng mamamayan.

Sa ilalim ng adhikain ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas, isinusulong ng PRO 5 ang serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman sa pamamagitan ng mga programang direktang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad. Ang ganitong mga aktibidad ay patunay ng aktibong pakikipagtulungan ng kapulisan at lokal na pamahalaan upang makabuo ng mas disiplinado, maayos, at responsableng pamayanan.





Philippine National Police
Police Community Affairs and Development Group - National Headquarters

30/04/2026
πŸƒβ€β™‚οΈπŸ”₯ TAKBO NA! DALAGAN PARA SA KAAKIAN 2026 πŸ”₯πŸƒβ€β™€οΈπŸ“… May 9, 2026πŸ“ Barangay Sagrada #Handa ka na ba? Sama na sa pinaka-exc...
28/04/2026

πŸƒβ€β™‚οΈπŸ”₯ TAKBO NA!
DALAGAN PARA SA KAAKIAN 2026 πŸ”₯πŸƒβ€β™€οΈ

πŸ“… May 9, 2026
πŸ“ Barangay Sagrada #

Handa ka na ba? Sama na sa pinaka-exciting na FUN RUN ng barangay! πŸ’ͺ✨
Para sa bata, kabataan, at lahatβ€”may category para sa’yo!

🀝 In partnership with: R-PSB Team-Sagrada,
Sagrada Parish, Sagrada Organization

πŸ’» OPEN NA ANG ONLINE REGISTRATION!
πŸ‘‰ Register here:
https://forms.gle/nG8gthqiNPj9576Y6

⏳ Huwag pahuliβ€”register na!

πŸ“Œ Check ang details sa larawan πŸ‘‡

πŸ“© Message lang sa page for inquiries!

✨ **Takbo. Saya. Para sa Kaakian

Please be informed πŸ‘‡πŸ»
28/04/2026

Please be informed πŸ‘‡πŸ»

πŸ“’ ANUNSYO MULA SA ATING BARANGAYIpinapaalam sa lahat na magkakaroon ng Satellite Voter Registration ang Commission on El...
27/04/2026

πŸ“’ ANUNSYO MULA SA ATING BARANGAY

Ipinapaalam sa lahat na magkakaroon ng Satellite Voter Registration ang Commission on Elections sa ating barangay ngayong araw.

πŸ“ Lugar: Sagrada People's ComplexοΏ½
πŸ•˜ Oras: 9:30 AM

Inaanyayahan ang lahat ng mga kwalipikadong mamamayan na hindi pa rehistradong botante na magtungo sa People's Complex at magparehistro upang makalahok sa darating na halalan.

Mahigpit pong hinihikayat ang pakikiisa ng bawat isa sa gawaing ito.

πŸ“’ π—£π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—” π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—”π—§π—œπ—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬Kaninang hapon ay nagsagawa ng bandilyo ang ating Chairman on Peace & Order, kasama ang ...
27/04/2026

πŸ“’ π—£π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—” π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—”π—§π—œπ—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬

Kaninang hapon ay nagsagawa ng bandilyo ang ating Chairman on Peace & Order, kasama ang mga Brgy. Tanod at Revitalized Police sa Barangay (R-PSB) Team Sagrada, upang ipaalam sa ating mga kabarangay ang mga ipinatutupad na ordinansa ng pamahalaan.

πŸ“Œ π— π—šπ—” π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—šπ—•π—”π—•π—”π—ͺπ—”π—Ÿ:

β€’ Pag-inom ng alak sa pampublikong lugar o sa gilid
ng daan.
β€’ Paglabas ng bahay na nakahubad o walang suot
na damit.
β€’ Pagpapatugtog ng videoke o anumang gawain na
nagdudulot ng ingay simula 10:00 PM.
β€’ Pagtambay o paglalakad sa labas mula 10:00 PM
hanggang 4:00 AM

Ang mga ordinansang ito ay mahigpit na ipinatutupad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng ating komunidad.

⚠️ π—£π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”: Ang sinumang lalabag ay maaaring patawan ng kaukulang parusa tulad ng community service at/o multang hindi bababa sa β‚±500, o mas mataas depende sa paglabag.

Patuloy pong magbabantay at magmomonitor ang ating mga Brgy. Tanod at R-PSB Team Sagrada sa ating barangay.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

Address

Tinambac

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BLGU-Sagrada, Tinambac, Camarines Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BLGU-Sagrada, Tinambac, Camarines Sur:

Share