Public Employment Service Office-PESO Tiaong

Public Employment Service Office-PESO Tiaong Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Public Employment Service Office-PESO Tiaong, Public & Government Service, Tiaong Municipality, Tiaong.

Mga Kababayan 2 tulog na lang!Huwag palampasin ang handog na trabaho ng ALFAMART. Baka ikaw na ang hinahanap nilang perf...
06/04/2026

Mga Kababayan 2 tulog na lang!

Huwag palampasin ang handog na trabaho ng ALFAMART. Baka ikaw na ang hinahanap nilang perfect match sa kanilang mga job offerings. Malay mo baka ito na rin ang simula ng iyong matagumpay at stable na job career. Kaya tungo na sa Alona Building, Municipal Compound, sa April 8, 2026, 10:00 ng
umaga at magdala ng inyong resume at iba pang credentials.

See you there, mga kababayan!

MGA QUEZONIAN!Bukas na ang aplikasyon ng PROVINCIAL SCHOLARSHIP PROGRAM para sa mga incoming college freshmen! Inaanyaya...
19/03/2026

MGA QUEZONIAN!
Bukas na ang aplikasyon ng PROVINCIAL SCHOLARSHIP PROGRAM para sa mga incoming college freshmen!
Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong mag-aaral na mag-aplay sa mga sumusunod na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon:
• One Family, One College Graduate Scholarship Program
• Priority Courses Scholarship and Return Service Program
• STrengthening Access to Education College Assistance Program (STAN C)
🔎Pangkalahatang Kwalipikasyon:
-Dapat ay Filipino citizen.
-Dapat ay residente ng Lalawigan ng Quezon.
-Walang anumang criminal o administrative case.
-Dapat na makasunod sa lahat ng requirements na itinakda ng Pamahalaang Panlalawigan para sa napiling programa.
Para sa One Family, One College Graduate Scholarship Program:
-Naka-enrol, nakarehistro, o natanggap sa alinmang partner na SUC, LUC, o PHEI.
-Mula sa pamilya na wala pang anak na nakapagtapos ng kolehiyo.
-Kabilang sa indigent na pamilya.
-Graduating Senior High School student o High School graduate; maaari ring mag-aplay ang mga papasok sa mas mataas na taon sa kolehiyo kung sumusunod sa academic at retention policies ng kanilang paaralan.
-Hindi kabilang sa ibang scholarship mula sa government o private institution.
-Mas prayoridad ang mga aplikanteng mula sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) sa Lalawigan ng Quezon.
Para sa Priority Courses Scholarship and Return Service Program:
-High school student na may General Weighted Average (GWA) na higit sa 85% o katumbas nito. Huwag kalimutan na magsama ng scanned copy ng inyong latest report card sa Application Forms na ida-download mula sa Quezon Scholarship Application System.
-Naka-enrol, nakarehistro, o natanggap na sa partner SUC, LUC, o PHEI para sa School Year 2026–2027.
-Kukuha ng identified priority course.
-Dapat na makasunod sa lahat ng requirements na itinakda ng Pamahalaang Panlalawigan para sa napiling programa.
Para sa STAN C (STrengthening Access to Education College Assistance Program):
1000 slots lang ang available dito kaya dapat:
-Naka-enrol, nakarehistro, o natanggap na sa partner SUC, LUC, o PHEI.
-May maayos na academic standing at walang failing grade.
-Kabilang sa lower middle-class category.
Huwag palampasin ang pagkakataon!
Magparehistro at I-SCAN ang QR code at baka ikaw na ang susunod na iskolar ng Lalawigan ng Quezon. ( qsas.quezon.gov.ph/apply )
TANDAAN:
1. Ang LAHAT ng aplikasyon ay dapat idaan ONLINE o sa link o QR Code na nabanggit.
2. Tanging ang mga Shortlisted ang magpapasa ng printed o hard copy sa mga Provincial Government Satellite Offices. Ang shortlist ay ilalabas hanggang April 6, 2026

Mga kababayan, ang ALFAMART ay muling nagbubukas ng oportunidad sa trabaho! Sila ay nag-aanyaya sa mga kwalipikadong Tia...
16/03/2026

Mga kababayan, ang ALFAMART ay muling nagbubukas ng oportunidad sa trabaho! Sila ay nag-aanyaya sa mga kwalipikadong Tiaongin upang maging bahagi ng kanilang lumalaking
pamilya at maging katuwang ng ating Lokal na Pamahalaan sa patuloy na pag-unlad ng kabuhayan dito sa ating bayan.

Magsadya sa tanggapan ng PESO sa April 8, 2026, 10:00 AM hanggang 3:00 PM. Magdala ng inyong credentials at ihanda ang sarili sa gagawing interview.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito at baka ito na ang simula ng inyong matagumpay na career journey.

See you soon!

Kaya mo bang magbuhat, mag-ayos at maghatid nang may bilis at disiplina?Kung ikaw ay may taglay na lakas,tibay at tiyaga...
26/02/2026

Kaya mo bang magbuhat, mag-ayos at maghatid nang may bilis at disiplina?
Kung ikaw ay may taglay na lakas,tibay at tiyaga —may kasanayan, responsibilidad at maingat sa pagmamaneho, ito na ang pagkakataong maipakita ang iyong galling! Dahil ang JAMMAS Inc., ay naghahanap ng mga aplikante para sa posisyong:
• STATION LOADERS
• AIRPORT DRIVERS
Tara na’t makilahok sa Local Recruitment Activity (LRA) na isasagawa ng Provincial Government of Quezon sa pamamagitan ng Quezon Provincial Public Employment Service Office (QPPESO) katuwang ang JAMMAS Inc. at tuklasin ang mga oportunidad na maaaring magbukas ng bagong yugto tungo sa maayos at maginhawang buhay. Huwag palampasin ang pagkakataong makahanap ng trabahong akma sa iyong kakayahan.
Hindi mo na kailangang lumayo sapagkat ang trabaho na ang mismong lalapit sa iyo! Maghanda na at samantalahin ang pagkakataong ito!
Ang aktibidad na ito ay isasagawa sa apat na distrito ng lalawigan ng Quezon sa sumusunod na petsa at lokasyon:
March 2, 2026 – Para sa mga jobseekers sa ikalawang distrito, ang aktibidad na ito ay magaganap sa lungsod ng Lucena.
March 3, 2026 – Para sa mga jobseekers sa ikatlong distrito, ang aktibidad na ito ay magaganap sa Catanauan, Quezon.
March 4, 2026 –Para sa mga jobseekers sa ikaapat na distrito, ang aktibidad na ito ay magaganap sa Gumaca, Quezon.
March 5, 2026 – Para naman sa mga jobseekers sa unang distrito, ang aktibidad na ito ay magaganap sa Infanta, Quezon.
Inaanyayahan ang lahat ng nais lumahok sa aktibidad na kumpletuhin ang Pre-registration form sa pamamagitan ng pag-click sa link o pag-scan ng QR Code na nasa larawan sa ibaba.
PAALALA: May nakalaang hiwalay na pre-registration form para sa bawat distrito, kaya tiyaking ang tamang link ang inyong sasagutan.
Para sa Ikalawang Distrito: https://bit.ly/LRA_JammasInc_3-2-2026
Para sa Ikatlong Distrito: https://bit.ly/LRA_JammasInc_3-3-2026
Para sa Ikaapat Distrito: https://bit.ly/LRA_JammasInc_3-4-2026
Para sa Ikaunang Distrito: https://bit.ly/LRA_JammasInc_3-5-2026
Kung may mga katanungan o paglilinaw, maaari kayong magpadala ng mensahe sa opisyal na page ng QPPESO na PESO Quezon Province o tumawag sa 373-4805 / 0933 868 5524.
Magkita-kita tayo, mga Ka-Hanapbuhay!

ISKOLAR NI JUAN RECRUITMENT CARAVAN Ginanap ngayong araw, January 22, 2026 ang Iskolar ni Juan, Tech Voc Scholarship, Pa...
23/01/2026

ISKOLAR NI JUAN RECRUITMENT CARAVAN

Ginanap ngayong araw, January 22, 2026 ang Iskolar ni Juan, Tech Voc Scholarship, Pa-training, Pa-trabaho in One Recruitment Caravan sa Tiaong Town Plaza, kung saan dinaluhan ito ng mga kabataan mula sa iba't ibang barangay ng Tiaong.
Ang nasabing recruitment activity ay hatid ng Gokongwei Brothers Foundation (GBF) sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Quezon, sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Service Office (PESO) at Local Government Unit of Tiaong sa pamamagitan ng PESO Tiaong. Layunin ng programa na maghandog ng libreng training sa mga kabataang may edad 18-30 taong gulang at walang kakayahan ang pamilya na tustusan ang gastusin upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa kolehiyo. Kasama sa libreng ipagkakaloob ang tuition, dormitory, daily meal allowance, uniforms, school supplies, transportation at OJT allowance.
Ang mga maswerteng nakapasa sa pagsusulit at interview ng mga kinatawan ng GBF at URC ay sasailalim sa pitong (7) buwan ng in-campus training, na gaganapin sa Calamba, Laguna at limang (5) buwan ng on-the-job training sa mga partner companies kagaya ng Universal Robina Corp. (URC) sa Sariaya, Quezon. Matapos pa ng naturang panahon ng pag-aaral at OJT ay may siguradong trabaho na ang naghihintay sa mga benepisaryo.


21/01/2026

Magandang araw po!

Bilang paalala para sa pagdalo ninyo sa ISKOLAR NI JUAN CARAVAN sa January 22, 2026, mangyari po na tandaan ang mga sumusunod:

1. Magdala ng sariling ballpen
2. Magdala ng kahit anong valid government issued ID. Kung wala ay pwede rin ang PSA Birth certificate/Voter’s ID/Registration
3. Dumating ng tama sa oras, dahil BAWAL ang LATE!

Ang registration sa Tiaong Town Plaza ay gaganapin ng 8:00 am. Kaya siguraduhing makapagpalista bago magsimula ang programa. Maraming salamat po at kita-kits mga kababayang Tiaongin.

TIAONG PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE (PESO)


Pa-training, Pa-Trabaho in One, Para sa Kabataang Quezonian!Inihahandog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamag...
12/01/2026

Pa-training, Pa-Trabaho in One, Para sa Kabataang Quezonian!
Inihahandog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Quezon Provincial PESO at sa pakikipagtulungan sa Gokongwei Brothers Foundation ang “ISKOLAR NI JUAN” TECH-VOC SCHOLARSHIP RECRUITMENTCARAVAN.
Ang nasabing aktibidad ay isasagawa sa mga sumusunod na petsa at lokasyon sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Quezon sa pakikiisa ng mga LGU PESOs ng mga naturang siyudad at munisipalidad:
Para sa mga Lucenahin
January 19, 2026 - Cultural Arts Center (Bulwagang Kalilayan), Governor’s Mansion Compound, Brgy. 10 , Lucena City
Para sa mga Sariayahin at Candelariahin
January 20, 2026 - New Sariaya Municipal Hall
Para sa mga Doloresin
January 21, 2026 - Dolores Municipal Hall
Para sa mga Tiaongin
January 22, 2026 - Tiaong Town Plaza
Para sa mga San Antonian
January 23, 2026 - San Antonio Municipal Hall
Sa mga nais makibahagi sa recruitment caravan, i-click ang link na ito https://bit.ly/IskolarNiJuanRecruitmentCaravan o i-scan ang QR code na makikita sa larawan sa ibaba.
Magdala ng valid ID at panulat (ballpen).
Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa Quezon Provincial PESO (042) 373-4805 | 0933 868 5524 o sa mga PESO sa inyong bayan sa ikalawang distrito ng Quezon.


November 18, 2025 – Isa na namang kababayang itinuturing na distressed OFW ang nabigyang tulong ngating pamahalaang baya...
18/11/2025

November 18, 2025 – Isa na namang kababayang itinuturing na distressed OFW ang nabigyang tulong ng
ating pamahalaang bayan, sa pamamagitan ni Punong Bayan Vincent Arjay M. Mea at pangangasiwa ng
Public Employment Service Office (PESO).
Si Gng. Sally B. Pediglorio, taga Brgy. Lumingon, Tiaong, Quezon, ay isang dating OFW na napilitang
magbalik sa ating bayan dahil sa pagkakasakit. Kamakailan ay lumapit siya sa tanggapan ng PESO upang
humingi ng suporta para sa kanyang pagpapagamot. Hindi nag-atubili ang aming tanggapan sa
pagproseso ng mga kinakailangang dokumento upang kagyat na maiabot ang karampatang pinansyal na
tulong. Ngayong umaga ay ganap na niyang natanggap ang nasabing financial assistance na pinondohan
sa ilalim ng Gender and Development Fund.
Maliban sa natanggap na halaga ay nangako rin si Mayor Arjay Mea ng karagdagang tulong sa kanyang
mga nakatakdang medical procedures, kung saan ay wala na siyang gagastusing anumang halaga para
dito .
Malaking pasasalamat ang kanyang ipinaabot sa Punong Bayan at sa PESO matapos marinig ang
magandang balita, sapagkat aniya ay napakalaking tulong nito para sa kanyang kalagayan.


HIRING! HIRING! HIRING!Are you looking for a job?This is your chance to join a dynamic organization and make a meaningfu...
27/10/2025

HIRING! HIRING! HIRING!

Are you looking for a job?
This is your chance to join a dynamic organization and make a meaningful contribution to its continued growth and service excellence. Luntian Multi-Purpose Cooperative is hiring individuals who will uphold its positive work environment, empowering the team to serve members with care and efficiency.
If you meet the qualifications below, please contact Ms. Freecia S. Vicoy, Human Resources Officer, at the numbers provided and submit your application immediately!

PLDT: (042) 717-2291
GTSI: (042) 545-7314
CELL NO.: 0917-5606008
EMAIL: [email protected]

Tiaong Public Information Office

October 9, 2025 – Ginanap ang Basic Occupational Safety and Hazard (BOSH) Training sa ABC Hall, Municipal Compound, Pobl...
10/10/2025

October 9, 2025 – Ginanap ang Basic Occupational Safety and Hazard (BOSH) Training sa ABC Hall, Municipal Compound, Poblacion 3, Tiaong, Quezon. Ito ay pinangunahan ng Provincial DOLE personnel, sa pakikipagtulungan ng PESO Tiaong, kung saan ito ay nilahukan ng 26 may-ari at kinatawan ng iba’t ibang MSME’s dito sa munisipalidad.
Layunin nitong siguruhin ang kaligtasan ng mga manggagawa sa kanilang lugar na pinagtatrabahuhan at maisulong ang lalong pagiging produktibo ng mga ito sa trabaho. Nauna na dito ay nagsagawa rin ng Technical Advisory Visit (TAV) ang DOLE sa nasabing mga kalahok upang lubos na maisaayos ang pangangasiwa ng mga maliliit na negosyo sa kanilang mga establisimyento.
Matapos ang kalahating araw na seminar ang mga nagsidalo ay ganap nang mga akreditadong Safety Officers ng kani-kanilang mga establisimyento na ginawaran ng Certificate of Completion ng DOLE.
Samantala, binigyan rin ng pagkilala o Certificate of Appreciation ng naturang ahensya ang Local Government Unit of Tiaong, Quezon para sa patuloy nitong pagsuporta sa layunin at programa ng DOLE.


Mga kababayan!Ang TESDA ay nag aanyaya para sa gaganaping World Cafe of Opportunities (WCO) sa September 10, 2025, 8:00 ...
09/09/2025

Mga kababayan!

Ang TESDA ay nag aanyaya para sa gaganaping World Cafe of Opportunities (WCO) sa September 10, 2025, 8:00 ng umaga sa Sariaya Sports Complex.

Ang TESDA ay maghahandog ng job fair para sa mga Quezonian na naghahanap ng trabaho, lalo na sa mga nagtapos mismo sa mga courses ng TESDA! Kaya kung interesado ka na mapakinabangan ang mga serbisyong ito ay sugod na bukas sa nasabing venue.

Tiaong Public Information Office

HIRING! HIRING! HIRING!Ang Nuebe Service Cooperative ay nangangailangan ng mga aplikante na itatalaga sa S & R, Calamba,...
04/09/2025

HIRING! HIRING! HIRING!

Ang Nuebe Service Cooperative ay nangangailangan ng mga aplikante na itatalaga sa S & R, Calamba, Laguna branch.

Nasa ibaba ang mga detalye ukol sa Job Vacancies at mga qualifications na hinahanp sa mga job applicants.

Sa mga interesado, ipadala ang inyong mga updated curriculum vitae sa [email protected] at sila na ang tatawag sa inyo.

Huwag ng palampasin ang pagkakataong ito.

Apply na!

For Picker
Male
At least Highschool Graduate

Forklift Operator
Male
With NC 2 certificate in Forklifting
With driver's license restrictions 1 and 2



Address

Tiaong Municipality
Tiaong
4325

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Employment Service Office-PESO Tiaong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share