Sangguniang Barangay ng Lalig

Sangguniang Barangay ng Lalig This is the official page of the Sangguniang Barangay of Lalig, Tiaong, Quezon.

Maligayang kaarawan po, Kon. Joelito C. Umali! 🥳🎂Pagbati po mula sa iyong   Family.
24/10/2025

Maligayang kaarawan po, Kon. Joelito C. Umali! 🥳🎂

Pagbati po mula sa iyong Family.

OCTOBER 22, 2025:Dumalo ang buong Sangguniang Barangay ng Lalig sa Barangay Forum with Legislators (Barangay Annual Budg...
22/10/2025

OCTOBER 22, 2025:
Dumalo ang buong Sangguniang Barangay ng Lalig sa Barangay Forum with Legislators (Barangay Annual Budget Preparation), na ginanap sa Brgy. Anastacia, Tiaong, Quezon.

Layunin ng programa na gabayan at sanayin ang mga opisyal ng barangay sa tamang proseso ng paghahanda, pagbalangkas, at pagsusumite ng taunang badyet upang matiyak na ito ay naaayon sa mga batas at pangangailangan ng komunidad.

Punong Barangay: Kgg. Gener C. Colot

Sangguniang Barangay Lalig Members:
Kgg. Joelito C. Umali
Kgg. Salvador P. Angeles
Kgg. Abner T. Derequito
Kgg. Jocelyn T. Hernandez
Kgg. Arlene C. Aguda
Kgg. Alejandro A. Perez
Kgg. Richard M. Colot

SK Chairperson: Michael Nerri R. Catapang

Brgy. Secretary: Jade Karlo C. Andal
Brgy. Treasurer: Edgard P. Lopez



Malugod po namin kayong inaanyayahan na makibahagi sa BARANGAY ASSEMBLY DAY ng Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon, sa October 2...
21/10/2025

Malugod po namin kayong inaanyayahan na makibahagi sa BARANGAY ASSEMBLY DAY ng Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon, sa October 26, 2025, 2 PM, sa atin pong Barangay Hall.

Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa upang matalakay ang lagay ng ating barangay at upang pakinggan at mabigyang solusyon ang inyong mga hinaing.

Kitakits po mga ka-barangay!


Maligayang pagbati po sa lahat!Inaanyayahan po namin kayo sa gaganaping BLOOD DONATION ACTIVITY🩸 🩸 🩸📌 PETSA :  October 2...
19/10/2025

Maligayang pagbati po sa lahat!

Inaanyayahan po namin kayo sa gaganaping BLOOD DONATION ACTIVITY🩸 🩸 🩸

📌 PETSA : October 22, 2025 (Miyerkules)
📌 ORAS : 8:00am- 12:00pm
📌 SAAN : Brgy. Bukal Covered Court

Ano ano ang mga benepisyo sa pag dodonate ng dugo:
✅Nababawasan ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso.
✅Nagpapaganda ng daloy ng dugo sa katawan.
✅Nagpapataas ng produksyon ng dugo.

Mga Kailangang TANDAAN o PAALALA sa mga magdodonate ng dugo :

✅ Maayos ang kalusugan at pakiramdam (walang trangkaso, malubhang ubo o sipon)
✅ May Sapat na TIMBANG na hindi bababa sa 50kgs.
✅ Meron Sapat na tulog (6-8hours). IWASAN ANG PUYAT
✅ Uminom ng maraming tubig.

❌ Walang ALCOHOL intake (Alak) sa nakalipas na 12 oras.
❌ Bawal o hanggat maaari ay iwasan muna ang caffeinated products tulad ng Kape, Tea at Softdrinks bago kuhanan ng dugo.
❌ Iwasan ang paninigarilyo ilang oras bago ang donasyon.

Para sa may mga TATTOO, body piercing (butas sa tenga o katawan)
✅ Dapat ito ay may ISANG TAON na ang nakalipas.

🩺 Meron DOCTOR na titingin at magsasagawa ng PHYSICAL ASSESSMENT at INTERVIEW kung maaari kayong magdonate o hindi.

Makiisa at makibahagi sa isang makabuluhang gawain upang makatulong magdugtong ng buhay.

"Donate blood, save lives. Your little act of kindness can give someone the gift of life."

BE A HERO! BE A DONOR!

HEALTH ADVISORY ‼️‼️‼️Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng sakit tulad ng sipon, ubo, influenza like illness at severe respir...
19/10/2025

HEALTH ADVISORY ‼️‼️‼️

Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng sakit tulad ng sipon, ubo, influenza like illness at severe respiratory infections lkatulad ng community acquired pneumonia, at alinsunod sa Executive Order No. DHT-60, mahigpit na ipinag-uutos ang pagsusuot ng FACE MASK sa lahat ng indoor settings, gayundin sa mga outdoor areas kung saan hindi nasusunod ang physical distancing.



Mga Ka-Barangay!!!Atin pong suportahan ang ating pambato sa Search for Tiaong's Gandang Buntis 2025, na si Reign Andrien...
18/10/2025

Mga Ka-Barangay!!!
Atin pong suportahan ang ating pambato sa Search for Tiaong's Gandang Buntis 2025, na si Reign Andrienne M. Cadacio. 🤰👑

Basahin at sundin lamang po ang mechanics upang ma-count ang inyong vote.

Kabataan, tayo na! Ipakita ang iyong lakas, talino at paninindigan para sa bayan 🇵🇭Magpa-rehistro mula October 20, 2025 ...
16/10/2025

Kabataan, tayo na! Ipakita ang iyong lakas, talino at paninindigan para sa bayan 🇵🇭

Magpa-rehistro mula October 20, 2025 hanggang May 18, 2026, 8:00AM-5:00PM, Lunes hanggang Sabado, kasama ang Holidays.

Para naman sa mga probinsya sa BARMM, ang voter registration ay mula May 1-18, 2026.

PAALALA: Magdala ng isang valid government-issued ID. Hindi tatanggapin ang cedula, Barangay-issued Certificate at Barangay ID.

PS. Tatanggapin ang lahat ng uri ng aplikasyon, kasama na ang TRANSFER.



15/10/2025

‎PABATID: WALANG PASOK (ALL LEVELS)

‎Suspendido ang klase sa lahat ng Antas ng Pampubliko at Pribadong Paaralan sa Quezon maliban sa Lucena City. Simula bukas THURSDAY OCTOBER 16 hanggang FRIDAY OCTOBER 17.

‎Dulot ng tumataas na kaso ng Influenza- like illness at Severe Acute Respiratory illness sa lalawigan ng Quezon. Pinapayuhan ang lahat na gamitin ang mga araw bilang Health Break.

Source: Executive Order No. DHT-33



11/10/2025

Calling all residents of Tiaong, Quezon Province and nearby areas! 📣

​Get ready for the Hospital On Wheels: Surgical - Medical - Dental & Optical Mission! 🩺🦷👁️
​Operasyon Tanggal Bingot, Luslos, Bukol, ATBP.

​🗓️ Date: October 11, 2025 (Saturday)
⏰ Time: 8:00 AM - 5:00 PM
📍 Location: Tiaong Town Plaza, Quezon Province

​This amazing mission is brought to you by the Rotary Club of Tiaong Circle, LGU Tiaong, Shades of Pink Philippines Foundation Inc., and Friends Who Care LLC.

​Don't miss this opportunity for free surgical, medical, dental, and optical services right in your town!

​For more information & updates, follow on Facebook, Instagram, and YouTube.

​Let's spread the word and help our community!

OCTOBER 09, 2025: Isinagawa ang Turnover Ceremony ng NHA-LGU Allocation para sa ilang pamilya ng Barangay Lalig na kabil...
09/10/2025

OCTOBER 09, 2025: Isinagawa ang Turnover Ceremony ng NHA-LGU Allocation para sa ilang pamilya ng Barangay Lalig na kabilang sa Internally Displaced Persons sa San Manuel Homes, Brgy. Lagalag, Tiaong, Quezon.

Pinangunahan ito ng ating Punong Bayan na si Mayor Vincent Arjay Mea, kasama ang Sangguniang Bayan members, at department heads ng Tiaong LGU. Kabilang din sa mga dumalo sa programa ang SB Lalig at SB Lagalag.

Layunin ng programang handog ng National Housing Authority (NHA) at Tiaong LGU na mabigyan ng ligtas at maayos na tahanan ang mga pamilyang walang maayos na tirahan, mahihirap, lalo na ang mga naapektuhan ng kalamidad.

Lubos po ang pasasalamat ng Sangguniang Barangay ng Lalig sa pagtugon at mabilis na aksyon ng ating pamahalaan para sa kaligtasan at ikakaunlad ng bawat isa.




MAGANDANG ARAW PO!Panawagan po para sa mga Project-Affected Families ng DOTr-PNR South Long Haul Project, mayroon pong o...
08/10/2025

MAGANDANG ARAW PO!

Panawagan po para sa mga Project-Affected Families ng DOTr-PNR South Long Haul Project, mayroon pong on-going na Community Dialogue and Skills Training Needs Assessment for Project-Affected Families (PAFs).

Venue: Liwayway Village Covered Court, Brgy. Lalig, T.Q.
Dates: October 7,8,9, 14, 15, & 16, 2025
Time: 1PM onwards

Inaasahan po ang pakikiisa at pagdalo ng bawat apektadong pamilya sa nasabing programang hatid ng Presidential Commision for the Urban Poor.

Maraming salamat po!

25/09/2025

ITINAAS SA SIGNAL NO. 2 ANG BAYAN NG TIAONG

Habang papalapit sa kalupaan ang Bagyong Opong, itinaas na sa Tropical Wind Signal No. 2 ang malaking bahagi ng lalawigan ng Quezon kabilang ang bayan ng Tiaong.

Ang lahat ng ating mga kababayan ay inaabisuhan na maging handa at mag ingat sa nakaambang panganib dulot ng naturang bagyo.

⚠️LGU TIAONG EMERGENCY NUMBERS⚠️
BFP - 160 | RESCUE - 189 | PNP - 166

📡EMERGENCY OPERATIONS CENTER (MEAKSYON COMMAND CENTER)
CELLPHONE: 0964-767-8186
LANDLINE: (042) 731 - 1916

🚒BUREAU OF FIRE PROTECTION
CELLPHONE: 0945-243-0130
LANDLINE: (042) 545 - 9900

⛑️RESCUE 189 - TIAONG, QUEZON
CELLPHONE: 0912-222-6895
ADMIN & PLANNING: 0964-767-8186
LDRRMO: 0975-225-8105
LANDLINE: (042) 545 - 6990
RADIO FREQUENCY: 146.150 Mhz

🚔PNP - TIAONG, QUEZON
CELLPHONE: 0977-704-2440
LANDLINE: (042) 545 - 9166

🏥MUNICIPAL HEALTH OFFICE - SENTRONG PANGKALUSUGAN (RHU)
CELLPHONE: SMART 0962-824-0577
GLOBE 0995-226-7483
LANDLINE: (042) 421-5631

💡MERALCO (FOR TEXT ONLY)
0920-971-6211 / 0925-771-6211 / 0917-551-6211

📱MEAKSYON AGAD HOTLINE
0995-417-5136 (GLOBE)
0947-141-7739 (SMART)


Address

Lalig
Tiaong
4325

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Lalig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay ng Lalig:

Share