03/09/2026
๐ข PAALALA SA PUBLIKO: SUSPENSIYON NG FACE-TO-FACE CLASSES
Ayon sa latest 5:00 AM Weather Forecast ngayong madaling-araw, inaasahan ang malalakas na buhos ng ulan sa maraming lugar sa bansa ngayong araw dulot ng Hanging Habagat, na patuloy na napapalakas ng mga weather system na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Kaugnay nito, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Teresa.
Para sa Biyernes, Setyembre 4, 2026, inirerekomenda ang pagsasagawa ng Alternative Modes of Delivery of Learning (AMDL) para sa lahat ng public at private schools sa Teresa.
Nananatili rin sa ilalim ng Heavy Rainfall Warning ang ating lugar, kung saan maaaring makaranas ng pabugso-bugso at kalat-kalat na malalakas na pag-ulan.
Pinapayuhan ang lahat na:
Manatiling mapagmatyag at alerto.
Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo.
Iwasan ang mga lugar na maaaring bahain o magkaroon ng pagguho ng lupa.
Laging unahin ang kaligtasan ng bawat isa.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.
๐ฉ Para sa mga katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa MDRRMO Teresa, Rizal o tumawag sa:
๐ 0945-113-7077