Board Member Noel R. Bince Jr.

Board Member Noel R. Bince Jr. Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Board Member Noel R. Bince Jr., Government Official, Barangay Trenchera, Tayug.
(2)

Sa bawat pagdalo sa mga events at pakikipag-ugnayan sa ating mga kadistrito, lalo pl nating nauunawaan ang tunay na kala...
05/06/2026

Sa bawat pagdalo sa mga events at pakikipag-ugnayan sa ating mga kadistrito, lalo pl nating nauunawaan ang tunay na kalagayan at pangangailangan ng bawat bayan. Ang inyong mga kwento, suhestyon, at patuloy na pakikiisa ang nagsisilbing gabay upang mas maging makabuluhan at epektibo po ang ating paglilingkod.

Maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap at walang sawang suporta. Sama-sama nating ipagpapatuloy ang mga programang magdadala ng mas maayos na kinabukasan para sa ating distrito. 🧡💙✌🏻



03/06/2026

Isa na namang mahalagang hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan ang matagumpay na pagpasa ng Annual Budget para sa Taong 2026.

Kasama po natin si Vice Mayor Lorna Primicias, ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at ang Local Finance Committee ng Tayug sa mahalagang gawaing ito na nagsisilbing pundasyon ng mas maayos at mas progresibong kinabukasan para sa ating bayan.

Patuloy po tayong maglilingkod nang may malasakit at dedikasyon para sa kapakanan ng bawat Pangasinense. 💙🧡✌🏻



TINGNAN: May magandang oportunidad na naghihintay para sa ating mga kaprobinsiya! 🧡💙✌🏻Magsasagawa ang Public Employment ...
02/06/2026

TINGNAN: May magandang oportunidad na naghihintay para sa ating mga kaprobinsiya! 🧡💙✌🏻

Magsasagawa ang Public Employment Service Office (PESO) ng ating lalawigan ng Local at Special Recruitment Activity upang mabigyan ng mas maraming pagkakataon sa trabaho ang ating mga kababayan. Para sa kumpletong detalye, mangyaring basahin ang mga impormasyong nasa mga larawan sa ibaba.



01/06/2026

Taus-puso po kaming nagpapaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng aking former teacher, Ma’am Norma Reyna Bañez sa isinagawang Necrological Service.

Isang huwarang g**o na nag-alay ng kanyang buhay sa edukasyon, si Ma’am Norma ay nag-iwan ng malalim na impluwensya sa kanyang mga mag-aaral, isa na po ako roon noong Grade 2 sa Tayug Central Elementary School, Tayug, Pangasinan.

Sa pagkakataong ito, ako po ay nagbahagi ng eulogy bilang pagkilala sa kanyang natatanging dedikasyon bilang g**o at tagapaghubog ng kabataan. Kasama ang kanyang pamilya, kapwa g**o, kaibigan, at dating mga estudyante, sama-sama naming ginunita ang kanyang buhay at serbisyo.

Mananatili po siyang inspirasyon sa aming patuloy na paglilingkod sa kapwa. 💙🧡🕊️

31/05/2026
31/05/2026

Kaisa po ninyo ang inyong lingkod sa paghahatid ng mga programang tunay na may malasakit sa kalusugan at kapakanan ng bawat pamilya. ✌🏻

Sa pakikipagtulungan sa ating mahal na Governor Ramon “Mon Mon” Guico III, matagumpay nating naihatid ang PhilHealth YAKAP Registration at Guiconsulta Program sa 23 barangay ng bayan ng Santa Maria. Layunin ng programang ito na mas mailapit ang serbisyong pangkalusugan at mabigyan ng mas maayos na akses ang ating mga kababayan sa mga benepisyong nararapat para sa kanila. 🧡💙

Patuloy po nating isusulong ang mga programang nagbibigay ng seguridad at mas magandang kalidad ng buhay para sa bawat Pangasinense. Sama-sama po nating itaguyod ang isang mas malusog at mas maunlad na komunidad.

💙🧡✌🏻



Tunay nga na mas nagiging makabuluhan po ang bawat araw ng ating paglilingkod kapag nakakasama, nakakausap, at nakakamay...
29/05/2026

Tunay nga na mas nagiging makabuluhan po ang bawat araw ng ating paglilingkod kapag nakakasama, nakakausap, at nakakamayan natin ang ating mga kadistrito.

Ang inyong suporta, tiwala, at simpleng mga ngiti ang patuloy na nagbibigay sa amin ng inspirasyon upang mas pagbutihin pa ang serbisyong may puso at malasakit para sa bawat mamamayan. 🧡💙✌🏻



28/05/2026

Kung magpalaro rin po kaya ako? Hmm.. 🤔😍

Sa paggunita po natin ng Eid’l Adha, taus-puso po tayong nakikiisa sa ating mga kapatid na Muslim sa isang pagdiriwang n...
27/05/2026

Sa paggunita po natin ng Eid’l Adha, taus-puso po tayong nakikiisa sa ating mga kapatid na Muslim sa isang pagdiriwang na sumasalamin sa matibay na pananampalataya, kababaang-loob, at kahalagahan ng sakripisyo para sa kapwa.

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa ating lahat upang higit pang pairalin ang malasakit, pagkakaisa, at pag-unawa sa isa’t isa bilang isang komunidad. Dalangin po natin ang patuloy na kapayapaan, biyaya, at pag-asa para sa bawat pamilya at sa buong sambayanan. 🌙✨



Address

Barangay Trenchera
Tayug
2445

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Board Member Noel R. Bince Jr. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share