PNP Tayug Municipal Police Station, Pangasinan PPO

PNP Tayug Municipal Police Station, Pangasinan PPO Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PNP Tayug Municipal Police Station, Pangasinan PPO, Public & Government Service, Barangay D, Tayug.

06/04/2026

CAGAYANO COPS, NAGHATID NG NGITI AT PAG-ASA SA MAGKAPATID NA NAULILA SA LASAM

Isang munting katok ng malasakit ang naging simula ng pagbabalik ng pag-asa sa mga pusong puno ng pangungulila sa mga magulang.

Sa Barangay Tucalan Passing, Lasam, Cagayan, tahimik na hinaharap ng isang 16-anyos na dalagita at ng kanyang 18-anyos na kapatid na lalaki ang mabigat na realidad ng buhay. Maaga silang naulila, kaya’t napilitan silang isantabi ang pag-aaral at harapin ang araw-araw na pangangailangan nang sila lamang.

Noong umaga ng Marso 11, 2026, dumating ang mga kapulisan mula sa 3rd Maneuver Force Platoon (MFP), 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC), sa pangunguna ni PLT Ronald S. Battad. Nagdala sila ng bigas, mga grocery item, at sariwang gulay—mga tulong na direktang nakaagapay sa pang-araw-araw na pangangailangan ng magkapatid.

Ngunit higit sa mga iyon, ang kanilang pagbisita ang nagdala ng gaan sa kalooban. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, napawi kahit sandali ang bigat na kanilang dinadala, at napalitan ito ng ngiti at pag-asa.

Ang kanilang ama ay nasawi dahil sa aksidenteng pagkakakuryente habang nangingisda, at ang kanilang ina ay tuluyang nawala sa kanilang piling. Sa murang edad, kinailangan nilang tumayo at magpatuloy kahit walang kasiguraduhan ang bukas.

Sa ganitong sitwasyon, naipapakita ang layunin ng PNP Focused Agenda—isang matibay na direksyon tungo sa mas makataong serbisyo. Sa pamamagitan ng Active Community Support at Enhanced Managing Police Operations, naipaparamdam na ang kapulisan ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas, kundi katuwang sa pagbangon ng komunidad.

Ayon kay PNP Chief PGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ JR., “Policing is about making a difference in people’s lives, especially in their most difficult moments. Sa ganitong simpleng paraan, naipapakita natin na hindi sila nag-iisa.”

Dagdag pa niya, “Service with compassion builds trust and hope in communities. Ang malasakit ay hindi kailangang engrande—ang mahalaga ay totoo at mula sa puso.”

Sa bawat tulong na naiaabot, muling nabubuo ang tiwala at pag-asa. Ang kwento ng magkapatid ay patunay na sa kabila ng hirap, may mga taong handang tumulong at umalalay.

Habang patuloy na inilalapit ng PNP ang serbisyo nito sa mga komunidad na higit na nangangailangan at pinapalakas ang malasakit sa bawat Pilipino, ang buong kapulisan ay nananatiling tapat sa adhikain nitong: “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

(PNP-PIO)

Address

Barangay D
Tayug
2445

Telephone

+639985985145

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Tayug Municipal Police Station, Pangasinan PPO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share