31/07/2026
Matagumpay na idinaos ngayong Hulyo 31,2026 sa OMA Farm, Sitio Mayat, Barangay Pamantolon, Taytay, Palawan ang Graduation Ceremony ng mga kalahok sa Capability Building and Practical Skills Training on Crop and Livestock Production; Business Planning, Entrepreneurial Skills,and Financial Management for Young Farmers.
Sa loob ng isang buwang pagsasanay, mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 31, 2026 matagumpay na natapos ng siyam (9) na kabataang magsasaka ang kanilang pagsasanay sa pangunguna ng opisina ng Municipal Agriculture Office (OMA). Ang programa ay isinagawa sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Fund, na nagbigay ng suporta upang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataan sa crop at livestock production, business planning, entrepreneurial skills at financial management. Layunin nitong mahikayat ang mga kabataan na maging produktibo at matagumpay na mga agripreneur sa hinaharap.
Pinangunahan ang seremonya ng ating Municipal Administrator, Ma'am Elsie G. Ce***za, kasama ang ating Municipal Agriculturist, Sir. Hernan P. Fenix, ang ating SB member Hon. Yolando Edep, at ang ating GAD Focal Person Ma'am Marianne Salunga Palay. Nakiisa rin sa okasyon ang mga magulang ng siyam (9) na nagsipagtapos na Young Farmers bilang pagpapakita ng kanilang suporta at pagmamalaki sa tagumpay ng kanilang mga anak.
Patuloy na ipinapakita ng Lokal na Pamahalaan ng Taytay ang malasakit sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programang nagpapalawak ng kaalaman at kabuhayan ng mga kabataan. Sa pangunguna ng ating Municipal Mayor, Hon. Norbert Lim, patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang naglalayong mapaunlad ang kakayahan, kabuhayan, at kinabukasan ng mga mamamayan ng Bayan ng Taytay.