28/05/2026
Usap-usapan ngayon sa Facebook ang panawagan para sa SK Debate.
Sa totoo lang, nakakatuwang makita na mas nagiging mapanuri na ang mga tao sa pagpili ng lider. Hindi na lang basta pangalan, popularity, itsura, o TikTok reels ang basehan. Mas marami na ang naghahanap ng plataporma kung saan makikita kung sino talaga ang may kaalaman, prinsipyo, at konkretong plano.
Sa kabilang banda, may punto rin yung iba na hindi dapat debate lang ang basehan. May mga taong magaling magsalita pero kulang sa gawa. May ilan ding nadadala lang sa confidence at mabubulaklak na salita kahit kulang sa laman ang plataporma.
Para sa akin, bilang dating SK Chairman at kasalukuyang Barangay Kagawad, malaking tulong ang debate para mas makilala ang mga kandidato, sa panahon na pagod, gising at mulat na ang taumbayan sa pulitika.
Sa huli, habang magandang pagkakataon ang debate para sa mas matalinong pagboto, hindi lang debate ang sukatan ng isang kandidato. Mas mainam pa rin na tignan natin ang kabuuan: track record, pakikisalamuha sa tao, mga pinaglalaban at adbokasiya, at kung may tunay bang nagawa habang nakaupo o noong wala pang eleksyon.
Ikaw, pabor ka ba sa debate para sa mga nagnanais maglingkod sa barangay? ๐ฌ