06/09/2026
ππ¦ππ‘π π ππ¦ππ¬ππ‘π π¦π¨π₯π£π₯ππ¦π πππ₯π§ππππ¬ ππππππ₯ππ§ππ’π‘ π£ππ₯π πππ¬ π ππ¬π’π₯ π‘π’π₯πππ₯π§ π¦πππ©ππ π πππ ! | Part 2
Isang simple ngunit taos-pusong surprise birthday celebration ang inihanda ng mga Department Heads ng Municipality of Taytay para sa ating minamahal na Punong Bayan, Mayor Norbert Salvame Lim, ngayong araw sa Jollibee Taytay, Palawan.
Galing pa sa Abongan si Mayor Norbert matapos dumalo sa mga gawain bilang bahagi ng kanyang birthday celebration. Kaya naman naging mas espesyal ang araw nang siya ay sorpresahin ng mga Department Heads, sa pangunguna ni Municipal Administrator Elsie G. Cerveza, kasama ang buong pamilya ng Pamahalaang Bayan. β€οΈ
Naging mas masaya ang munting salu-salo dahil sa mga pa-games, tawanan, at masasayang kwentuhan, na nagsilbing simpleng pagpapakita ng pagmamahal, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa ating Punong Bayan at sa kanilang samahan bilang isang pamilya sa serbisyo publiko.
Happy Birthday, Mayor Norbert! ππ§‘π
Nawaβy patuloy kayong pagkalooban ng Diyos ng lakas, karunungan, mabuting kalusugan, at maraming biyaya upang patuloy na makapaglingkod nang buong puso para sa ating mga Taytayanos. πβ¨