15/10/2019
GUIDELINES SA PAG UPO SA MOTOR NA DI MO MOTOR!
1.Kung uupo ka, upo lang, wag ipatong ang paa o sapatos mu sa anumang parte ng motor lalo na sa tambutso.
2. Kung uupo ka, wag mong pakialaman mga switch ng motor,
3. Kung uupo ka, wag kang malikot! dahil masisira ang side stand or ang center stand, o kaya baka mabagsak mu ang motor.
4. Kung uupo ka, wag mong galawin ang side mirror, ikaw ang mag adjust kung saan nka harap ang side mirror, wag mong iadjust para iharap sa mukha mong panget.
5. Kung uupo ka, wag mong pakialaman ang throttle!
6. Kung uupo ka, upo lang, wag yung kahit anong position sa pag upo ay gagawin, para comportable ka, hindi yan sofa!
Mararamdaman din ninyo ang ibig kung sabihin kung may motor na din kayo. Kaya wag magalit kung mapagsabihan kayo ng may ari ng motor na binastos nyo, dahil dugo at pawis puhunan namin dyan para itoy mapanatiling malinis at maganda.