Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal

Directions Contact the organization

Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal SMILE DOLORES ! Serbisyong May Ngiti at Pagkakaisa! Ang barangay Dolores ay mahaLin, pag-iSAhin, paSiglahin at Paunlarin.

08/10/2026

FREE EYE SIGHT PROGRAM! πŸ‘€πŸ’™

Inaanyayahan po ang ating mga kabarangay na makiisa sa Free Eye Sight Program ng Barangay Dolores, isang programang naglalayong makatulong sa ating mga residente na masuri ang kanilang paningin at mabigyan ng kaukulang gabay para sa pangangalaga ng kanilang mga mata. πŸ˜‡πŸ™πŸ»

Patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay ng accessible, makabuluhan, at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng bawat residente. πŸ˜‡πŸ’™

Kita-kits po tayo mga ka-barangay! πŸ’™

Tuloy-tuloy lang po tayo sa pagbibigay ng Serbisyong May Ngiti At Pagkakaisa.



COURTESY CALL WITH ZEN MIRACLE MEDICAL CENTER πŸΎπŸ’‰πŸ“ October 8, 2026Pormal na bumisita sa tanggapan ng ating Punong Baranga...
08/10/2026

COURTESY CALL WITH ZEN MIRACLE MEDICAL CENTER πŸΎπŸ’‰
πŸ“ October 8, 2026

Pormal na bumisita sa tanggapan ng ating Punong Barangay Inye Pacleb ang mga Staff ng ZEN Miracle Medical Center - Animal Bite Center.

Layunin ng naturang pagpupulong na talakayin ang nalalapit na partnership sa pagitan ng Zen Miracle Medical Center at ng Pamahalaang Barangay Dolores. Sa ilalim ng pakikipagtulungan ito, magkakaroon ng LIBRENG BAKUNA para sa mga nakagat o nakalmot ng aso at pusa, para sa mga kwalipikadong active PhilHealth members.

Isang hakbang na naman ito tungo sa mas ligtas na komunidad sa Barangay Dolores!



Misting Operation | October 8, 2026Dahil sa walang patid na pag-ulan, patuloy nating pinangangalagaan ang kalusugan ng a...
08/10/2026

Misting Operation | October 8, 2026

Dahil sa walang patid na pag-ulan, patuloy nating pinangangalagaan ang kalusugan ng ating mga kabarangay. 🌧️

Katuwang ang Team Gso Brgy Dolores, isinagawa ang misting operation sa Christian Heritage Academy upang makatulong na maiwasan ang pagdami at pagkalat ng mga lamok na nagdadala ng dengue. 🦟

Patuloy tayong magkaisa at maging responsable sa pagpapanatiling malinis, ligtas, at dengue-free ang ating barangay. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa! πŸ’™




Si Riza Mae Polvorido, residente ng Naval Street, ay humingi ng tulong para sa kanyang Kapatid na si Reymart Polvorido, ...
08/10/2026

Si Riza Mae Polvorido, residente ng Naval Street, ay humingi ng tulong para sa kanyang Kapatid na si Reymart Polvorido, na nangangailangan ng A+ na dugo para sa kanyang karamdaman na Anemia at kasalukuyang naka-admit sa RPHS Taytay.

Sa mabilis na pagkilos at taos-pusong malasakit ng Pamahalaang Barangay Dolores, sa pamumuno ng ating butihing Kapitan Inye Pacleb at Sir Jay Medina (Satellite MSWD-Head), ay agad na naipagkaloob ang kinakailangang tulong.



CANAL DE-CLOGGING ACTIVITY | October 8, 2026Bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan, nagsagawa ng canal de-clogging act...
08/10/2026

CANAL DE-CLOGGING ACTIVITY | October 8, 2026

Bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan, nagsagawa ng canal de-clogging activity ang team Gso Brgy Dolores sa pangunguna ni Sir Arnold Macunte sa tikling area.

Layunin ng gawaing ito na mapanatiling malinis ang mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbabara at pagbaha na maaaring makaapekto sa ating lugar.

πŸ‘‰ PAALALA SA ATING MGA RESIDENTE:
β€’ Iwasan po ang pagtatapon ng basura, plastik, at mga tira-tirang pagkain sa mga kanal.
β€’ Ang maliliit na basura na naiipon ay maaaring magdulot ng
matinding pagbabara at pagbaha.

Patuloy ang serbisyong may malasakit ng Pamahalaang Barangay Dolores sa pangunguna ni Kapitan Inye Pacleb at Ika-9 Sangguniang Barangay.πŸ’™



TIKLING CREEK CLEAN-UP πŸƒπŸ“… October 8, 2026Sama-samang kumilos ngayong araw para sa isinagawang Tikling Creekside Clean-Up...
08/10/2026

TIKLING CREEK CLEAN-UP πŸƒ
πŸ“… October 8, 2026

Sama-samang kumilos ngayong araw para sa isinagawang Tikling Creekside Clean-Up na may temang "Ilog Ko, Iniirog Ko" bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatiling malinis at maayos ang ating tabing-sapa.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Sir Perry Francisco (BENRO), Sir Arnold Macunte (GSO Head), at Sir Raymart A. Valimento (PENRO - Project Monitoring Assistant), kasama ang mga palero, mga mag-aaral na nagi-Work Immersion mula sa Taytay Senior High School, at mga kawani ng DENR na buong-pusong nakiisa sa paglilinis ng daluyan ng tubig.

Sa isinagawang clean-up, inalis ang mga basurang naipon sa kahabaan ng sapa upang masiguro ang maayos na pagdaloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha at pagkasira ng ating kalikasan.

Ang gawaing ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos, malaki ang ating magagawa upang mapangalagaan ang ating mga ilog at mapanatili ang kalinisan ng komunidad. 🌿

Patuloy ang Serbisyong May Ngiti at Pagkakaisa ng Pamahalaang Barangay Dolores sa pamumuno ng ating Punong Barangay Inye Pacleb, kasama ang 9th Sangguniang Barangay, at sa pakikipagtulungan ng ating Mayor Allan De Leon, para sa mas malinis, ligtas, at maayos na Barangay Dolores! πŸ’™




πŸ’ƒ REGULAR ZUMBA  | October 8, 2026Isang masayang umaga na naman ang ating pinagsaluhan kasama sina Zin Marga Florendo, Z...
08/10/2026

πŸ’ƒ REGULAR ZUMBA | October 8, 2026

Isang masayang umaga na naman ang ating pinagsaluhan kasama sina Zin Marga Florendo, Zin Analyn, Coach Sugar, Coach Yhen at ang ating super energetic na Zumba ladies! πŸ’ͺ

πŸ—“ Libreng Zumba Session Schedule:
πŸ“ Dolores Gym
β€’ Martes: 6:30 AM – 8:30 AM
β€’ Huwebes: 6:30 AM – 7:30 AM
βœ… Bukas para sa lahat!

Kaya kung gusto mong gumalaw, magpapawis, at magsaya habang inaalagaan ang iyong kalusugan, tara na’t maki-Zumba!



Peacekeeping Roving | October 8, 2026Habang ang lahat ay nagpapahinga, gising at nakatutok ang ating mga Barangay Tanod ...
08/10/2026

Peacekeeping Roving | October 8, 2026

Habang ang lahat ay nagpapahinga, gising at nakatutok ang ating mga Barangay Tanod katuwang ang Pulis ng Barangay! Patuloy ang ating gabi-gabing roving para sa seguridad ng bawat tahanan at maayos na pagpapatupad ng curfew.

Curfew Hours: ⏰ 10:00 PM – 4:00 AM
πŸ“œ (Barangay Ordinance No. 12, s. 2024)

Para sa mabilis na tulong, sumbong, o reklamo, i-save ang mga hotlines na ito:
πŸ“ž 0918-911-7046 (BPSO Poblacion)
πŸ“ž 0918-911-0026 (BPSO Satellite)

πŸ“· Photo Credits: BPSO



Christmas Countdown! πŸŽ„βœ¨October 8, 202678 Days Before Christmas! Damang-dama na natin ang lamig ng simoy ng hangin at ang...
08/10/2026

Christmas Countdown! πŸŽ„βœ¨October 8, 2026

78 Days Before Christmas!

Damang-dama na natin ang lamig ng simoy ng hangin at ang nalalapit na panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan.πŸ’™



BASIC FILIPINO SIGN LANGUAGE TRAINING (Batch 2) πŸ€ŸπŸ“… October 7, 2026Bilang pagpapatuloy sa ating pagsusulong ng inklusibon...
07/10/2026

BASIC FILIPINO SIGN LANGUAGE TRAINING (Batch 2) 🀟
πŸ“… October 7, 2026

Bilang pagpapatuloy sa ating pagsusulong ng inklusibong komunikasyon, matagumpay na isinagawa ang Ika-apat (4) na Session ng Basic Filipino Sign Language (FSL) Training (Batch 2) sa Pamahalaang Barangay Dolores.

Ang pagsasanay ay pinangunahan nina Sir Ferdie Genoguin (Deaf Relay Interpreter) at Ma'am Tessie Parcia (Sign Language Interpreter).

Naglalayon ang programang ito na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng ating pamayanan sa pakikipagkomunikasyon sa Deaf Community. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, natututunan ang mga pangunahing senyas at simpleng paraan ng pakikipag-ugnayan gamit ang kamay.

Ang pag-aaral ng FSL ay hindi lamang pagkatuto ng mga hand signβ€”ito ay pagpapakita ng pag-unawa at respeto. Sa bawat senyas na ating natututuhan, mas napapalapit tayo sa isang komunidad na handang makinig, umunawa, at tumanggap sa bawat isa.πŸ€ŸπŸ’™



Address

Taytay
1920

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal:

Shortcuts

Share